Kabanata 2
Most of us believed that whatever may happen, a family will always be a family. Well, not in my case.
“At saan ka na naman galing?”
I suddenly stop upon hearing Dad’s voice. I turned around and saw him sitting in the couch. Looking worried yet mad at me. While Mom was standing beside him.
Kung dati lang sana ‘to, I’m sure that I would run towards them. Crying and feeling sorry for my mistakes.
If there’s one thing that I hate the most, that is to become a disappointment to my family.
That’s why I tried my best to excel at everything I do.
Karamihan sa mga bata noon, umiiyak pag hindi sila pinapayagang sumama sa mga field trips, camping or retreat sa school.
While me, umiiyak pag hindi ako nakakapasok at nakaka miss ng mga lessons.
But that’s before. That’s long gone now.
In fact, it’s the total opposite.
“Bar. As always.” Pabalang kong sagot at tinalikuran sila.
“Don’t you dare turn your back on us, young lady! Kami pa rin ang mga magulang mo at dito ka pa rin nakatira sa pamamahay namin. Show some respect. Hindi ka namin pinalaking ganyan.”
Kahit hindi ako nakatingin sa kanila, alam kong halos lumabas na ang mga ugat ni Dad sa leeg sa pagsigaw at galit nya sa’kin.
I turned around and face them with my smiling face.
“Kayo pa rin ang mga magulang ko? Now, look who’s joking. Alam nating lahat ang totoo. And if you want I can pack all my things and walk away. Ayoko ng tumira sa bahay na’to at mas lalong ayoko ng makasama-“
I couldn’t finished what I’m about to say.
Sa lakas ng impact ng pagkakasampal sa’kin ni Mommy, nalasahan ko pa yung dugo mula sa pumutok na labi ko.
This is the first time she hurt me.
My anger burst into flames. Kung anu-ano n asana ang handa kong sabihin at isumbat sa kanya. But my heart broke when I saw her crying. Kitang-kita ko mismo kung gaano sya nasasaktan ngayon.
And what’s worst is, it’s all because of me.
God knows, I didn’t mean what I just said. Masyado lang akong galit sa mundo. Galit sa lahat ng tao. And worst of all, galit sa sarili ko.
“You know that me and your Dad raised you as our own child. Ni minsan, hindi namin pinaramdam that you’re not part of the family. And yes, we tried to hide everything. Not because we want to protect ourselves. But, because we want to protect you. We don’t want to see you hurt and shattered. We don’t want to see you like this. Pero kung hindi mo talaga maintindihan yun and living with us makes your life miserable. Then you’re right. The best thing that you can do is leave. Levae everything. Leave us behind.”
Then, she stormed out of the place. While I’m stuck in this four corners, crying and weighing everything that’s happening.
If there’s only one person that I don’t want to be hurt. That’s Mom. I want to hug her. I want to comfort her. I want to take back all the things that I said. I want to turn back time and go back when we’re still happy.
Gusto ko syang sundan and asked for forgiveness.
But all I can do right now is to be stranded on the same ground.
She really doesn’t deserve a daughter like me.
“Gusto nyo po bang samahan ko na rin po kayo maghanap ng condo o apartment mamaya?”
I glanced at Mang Dodoy who has been our driver bago pa man ipanganak si Dave.
Papunta kami ngayon sa school na pinapasukan ko. At nasa trunk naman ang mga gamit at maleta ko.
Usually, ako lang ang nagda-drive ng sasakyan ko. But today, pinakiusapan ko si Mang Dodoy na ihatid ako sa school. Medyo namamaga pa kasi ang mga mata ko at hindi ako halos nakatulog kagabi dahil sa pag-aaway naming ni Mommy.
“Hindi nah oh. Ako nalang pong bahala mamaya. Sasamahan naman po ako ni Sheerie.”
I was talking about my best friend or should I say my only friend since in grade school. Syan lang kasi ang nakatiis sa ugali ko.
“Hindi mo naman kailangang umalis dun sa bahay. Mahal na mahal ka ng Mommy mo.”
I smiled when I hear those comforting words from Mang Dodoy. He’s like a second father to me.
“Alam ko naman po yun. Kaya po ako aalis para makapag isip muna. Para hindi ko na sila masaktan pa lalo. Pag handa na ako, babalik din po ako.”
Hindi ko na malaman kung nakailang oras na ba ako sa kakaantay dito sa labas ng school kay Sheerie. Hindi na rin ako pumasok pa sa school at baka pagtsismisan pa ako ng mga estudyante.
Tatawagan ko na sana ulit si Sheerie nang may makita akong nagkukumpulan na mga babae sa gilid ng school.
Ayoko na sanang lumapit dahil mukhang alam ko naman na kung anung nangyayari dun. Pero hindi rin ako nakatiis.
“Wag ka na kasi mag inarte. Ibigay mo lang sa’min yung pera na hinihingi ko. At makakaalis ka na.”
Narinig kong pananakot ng isang babae habang palapit ako sa mga ito. Seriously? Uso pa pala ang mga ganito kahit nasa labas ng school.
“Wala nga akong pera. Ni wala akong baon. Wala kayong makukuha sa’kin.”
Nakita kong inagaw ng isang babae ang hawak naman nitong bag at kinuha ang wallet nito.
“Wala palang pera ah. Eh, anung tawag mo dito? Sinungaling!”
“Pamabayad ko yan ng project ko. Ilang linggong pinagtrabahuhah yan ng nanay ko. Please lang, wag nyo naman kunin.”
“Sumasagot ka pa huh?!”
Sasampalin na sana ito ng babaeng mukhang nagfe-feeling leader ng mga bully. Pero nahuli ko agad ang kamay nito bago pa ito dumampi sa mukha ng babaeng kinakawawa nila.
“Not so fast.” I smirked and butt in.
Sinubukan nyang agawin ang kamay na hawak nya na hawak ko.
“Sino ka ba at bakit nangengealam? Kilala mo ba ang isang ito?” Sabay turo nya sa babaeng kinakawawa nila kanina. Hindi ko alam kung bakit biglang iba ang naramdaman ko nang makita ito.
Walang duda na sa pareho na school kami nag aaral dahil sa suot nyang uniform kahit gusot-gusot ito.
“Bitawan mo ako!” Nakalimutan kong hawak ko pa rin pala ang kamay ng malditang ito.
“Wala akong kilala ni isa sa inyo. But I hope that you all know me.” Inalis ko ang shades ko para naman makilala nila kung sino ako.
“Christina!”
Nag urungan naman ang iba nitong mga kasamahan.
“So, you really know me huh. Glad to know that. I’d like to give you a piece of advice. Go home and stop f*****g mess me.” Inagaw ko ang bag na hawak nito at binitiwan ang kamay nito. At tahimik na silang tumakbo palayo.
Pabalibag kong inabot ang bag sa talagang nag mamay-ari nito. At pinulot ko ang ID nya na nahulog.
“Llicec? Nice name.” Sabay abot ko dito.
“Salamat.” Nahihiya nitong sagot sa’kin.
“Don’t get me wrong. I didn’t help you earlier. Gusto ko ako lang ang bully dito sa school na’to.” And for the first time, I genuinely smiled at a stranger.
Tinalikuran ko na ito at pupunta na sana kung saan nakapark ang kotse ko.
Pero bago pa man ako tuluyang makatawid ng kalsada napansin ko ang rumaragasang kotse papunta sa’kin. At huli na ang lahat para makaiwas pa. naramdaman ko nalang na umangat ang katawan ko sa lakas ng pagkakabangga nito sa’kin.
at ang huli kong nakita ay ang umiiyak at nag aalalang mukha ng babaeng tinulungan ko kanina na tumakbo palapit sa’kin.
Is this really the end of my story?
Is this a final goodbye?
I smiled. And close my eyes.
I guess it is. Finally.