Chapter 61 CRYSTAL Iniwan ko si Levon sa kanyang opisina. Nagtataka ang ibang nakakita sa akin palabas ng opisina ni Levon. Hindi ko hinayaan na ituloy niya ng paghalik sa akin. Kung nagpadala ako mapusok niyang halik ay hindi lang halik ang mangyari sa amin kanina kung nagpatangay ako sa kanya. Kaya pinigilan ko ang sarili ko at nakaramdam ako kanina ng pananabik sa kanyang halik. Nang tawagin ako ni Zanya ay nilapitan ko siya. Pinaupo niya ako at binigyan niya ako ng tubig. "Anong nangyari sa inyo sa loob? Lumabas ang malakas na sigaw mo kay Sir Levon?" tanong sa akin ni Zanya. "Huwag tayo dito mag-usap." Sabi ko. "Wait lang kunin ko lang ang bag ko." "Teka hindi mo sinabi sa akin sino ang ama ng nasa sinapupunan mo?" tanong habang nagmamaneho ako. "Si Richard." "What, how?"

