Chapter 60 CRYSTAL Nagulat na habang kumakain kami ng deserts dito sa Mall kami ng anak ko at Wilson ay tinawagan ako ni Mrs Cuarte na na may dumating sa kanila na tatlong lalaki at isang babae. Kinausap nila ngayon ang kanyang asawa tungkol sa bata. "Mrs Cuarte, hanggang ngayon ay nandyan pa ba sila?'' tanong ko sa kabilang linya. "Oo, Ms. Zaragoza. Kasama nila Kristina ang pangalan." Sabi sa akin ni Mrs. Cuarte. Nahulaan ko agad na oras na malaman ni Levon na si Kristina ang may kagagawan ay hindi siya magdalawang isip na sugurin si Kristina. Bahala silang dalawa bahala rin si Levon na siya mismo makatuklas sa totoong nangyari. Ang babaeng pinakinggan niya siya rin ang gumulo sa buhay niya. "Si Levon pinuntahan nila sila Mrs. Cuarte alam na ni Levon." ''I think hindi titigilan ni

