Chapter 40 CRYSTAL "Kanina ka pa?" hindi ko sinagot niya sa akin kung saan ako. "Around 1 hour." tumango lang ako at tinalikuran ko siya. Sinundan niya ako, hanggang sa sarili namin na kwarto. Hindi ko alam kung kaya ko ba siyang tanungin tungkol sa kanila ni Ate Kristina. "Levon gusto kung maligo at magpahinga. Isa pa pagod ako,'' sabi ko. "Galit ka ba sa akin?" nag salubong ang kilay ko sa tanong niya sa akin. "Pagod lang ako Levon, amoy pawis din ako. Kung wala kang sasabihin pwede ba hayaan mo muna akong maligo." Mukhang wala siyang balak na sabihin sa akin ang tungkol kay Kristina. Binuksan ko ang cabinet at kumuha ako ng bagong bestida na pantulog ko. Kami lang ngayon sa mansion ni Levon dahil nasa Brunei sila Tito at Tita Lara. Si Levent ay nasa sarili niyang apartment. Bum

