Chapter 41 CRYSTAL ONE YEAR LATER… "Crystal pinapatawag ka ni Madam Barbara." Sabi sa akin ni Glaiza. Nagtatrabaho ako ngayon sa pamilyang Zaragoza bilang kasambahay. Mula ng pinalayas ako ni Levon sa penthouse niya ay tuluyan ko ng iniwan ang Maynila. Dito ako ngayon napadpad sa Palawan. Dinala ako ni madam Barbara kasama ang anak ko na si Vanessa. "Anak, baby dito ka muna a, pupuntahan ko muna si Madam Barbara." Tumawa ang anak ko akala mo naman ay naiintindihan niya ako. "Crystal, akin na ang anak mo ako muna ang magbabantay." "Sir nakakahiya naman po." Nakita kung binuhat ni sir Iyaz si Vanessa. Si Sir Iyaz ay panganay na anak ni Madam Barbara at Sir Warren. Mabait sila sa akin kahit may na may anak ako ay tinanggap pa rin nila ako sa mansion nila. Tinulungan din nila akong n

