Chapter 12 CRYSTAL Pagdating namin ni Andrew sa puntod ni Daddy nilagay ko ang binili ko na konting bulaklak. Nililinis ko rin ang libing ni Daddy. "Dad, dati hindi mo ako pinapayagan magtrabaho, ngayon Dad isa na akong sekretarya sa isang malaking kumpanya. Magagamit ko rin Daddy ang natapos ko na Bachelors of Science in office administration." Sadyang iyakin takga ako ang dali kasi tumulo ang luha ko. "Crystal, baka bumaha dito sa sememteryo sa kakaiyak mo." Saway sa akin ni Andrew. Pasaway talaga kahit kailan ang kaibigan ko. Hanggang sa nagpaalam ako kay Daddy. How I wish na muling mabuhay si Daddy I missed him so much, namiss ko ng sobra yung lagi ko siyang kayakap sini-share ko ang mga nangyayari sa buong araw ko. Ngayon tanging sarili ko lang ngayon ang makakatulong sa akin.

