Chapter 11 CRYSTAL Bumuntong hininga ako habang nakatingin sa kanya dahil mukha suplado at mainitin ang ulo ng lalaki na'to. Dahil kailangan ko na talaga ng trabaho nakakahiya na rin sa kaibigan ko na si Andrew dalawang buwan siya na lagi ang sumusuporta sa akin. Nginitian ko si Mr. De Vora na seryosong nakatingin sa akin. "Mr. De Vora, ano po ang desisyon ngayon kung tatanggapin mo ako nyo ba ako o hindi? Dahil pareho tayong nangangailangan, di po ba?" matapang na tanong ko bahala na kung ano ang sasabihin niya sa akin. "Sir kayo na ho bahala mag-usap ni Crystal may gagawin pa po ako," sabi ni Mrs. Agustin at lumabas siya. Nang kami na lang ni Levon De Vora sa loob ng opisina niya ay walang nag-iimikan saming dalawa pero nakatingin ito sa hawak na envelope tila mag-iisip kung tata

