Chapter 10
Crystal
Huminga ako ng malalim. Akala ko ay lalabas ang nasa tabi ko na lalaki. Pero hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya. Nang bumukas ang elevator ay may tatlong babae sa harap ng elevator na naghihintay ng elevator na magbukas ito kung saan kami nakatayo ng lalaking tahimik. Para lang itong isang rebulto na nakatayo kahit hindi ko pa siya nakita.
The three women are wearing office attire. Umurong ako hindi ko sinasadya ay naurongan ko ang lalaki. Akala ko kasi papasok ang mga babae. Lahat sila ay yumuko tila may isang hari silang kaharap. Tahimik lang ako para kasi nasa telenovela ang nangyayari.
"Good morning Mr. Chairman," marespetong bati ng tatlong babae sa katabi ko. I rolled my eyes secretly.
Napalunok ako ng malalim pati yata laway ko ay nilunok ko. Pakiramdam ko parang himatayin na ako sa kinatatayuan ko. Mas lalo akong kinakabahan. Nag-uumpisa ng manginig ang dalawang tuhod ko. Tiningnan ako ng tatlong babae parang sila pa yung takot sa kalagayan ko ngayon. I smile at them kahit tipid na ngiti ay hindi nila ako nginitian tila natatakot sila.
"It means ang lalaking estrangerong katabi ko ay siya ang the Chairman's of the De Vora's Company? Kung siya parang rejected na ako, baka mag-backout na ako o hahanap nalang ako ng ibang applyan?" tanong ko sa isip ko.
Muli akong gumalaw, bumalik ako kung saan ako nakatayo kanina. I move my left foot. I saw him, his right hand pressing the button of the elevator. Dahan-dahan nagsara ang elevator. Naramdaman kung gumalaw siya. He took a deep breath. Ang kanyang mainit na hininga ay para dumikit sa likod ko banda sa aking batok.
"Haist!" Sabay namin sambit dahil biglang nawala ang kuryente. Natakot ako bigla ko siyang niyakap. Dahil akala ko kung ano yun pala nawalan ng kuryente takot kasi ako sa dilim. Hinawakan niya ang braso ko.
"Don't worry I will call the maintenance," he calmly said to me.
Kumalas ako sa pagyakap ko sa kan'ya, at niyakap ko ang bag ko. Naalala ko kasi ng ikulong ako ni Ate sa storage namin sa baba ng bahay namin. Hindi ko mapigilan na umiyak, iniingatan ko na hindi marinig ng lalaki na humihikbi na ako.
"Hello! Fix the elevator right now! mariin niyang sabi sa telephone sa loob ng elevator.
"Sorry Mr. President in a minute maayos din agad there's something problem lang po," nauutal na sabi ng lalaki.
"Anong silbi n'yo na hindi n'yo tsinisek ang mga electricity sa loob ng building na'to. Later we have meeting kung sino ang naka-a-sign na electricity magkakaroon ng meeting," matigas niyang sabi. Nakailang nag-sorry ang maintenance na kausap sa elevator naawa tuloy ko.
Maya-maya ay umilaw ang elevator. Pinunasan ko ang butil-butil ng luha ko sa aking pisngi. Muli kung nilakasan ang aking sarili. Tumayo ako ng tuwid. I can't wait to get out of the elevator.
"Mss. Are you okay?" he asked me. Tumango lang ako sa kan'ya hindi pa rin akong humaharap sa kan'ya. Hanggang sa dumating kami sa 20th floor. I walk outside of the elevator. Nakahinga ako ng maluwag binuksan ko ang bag ko. Kinuha ko sa loob ang one small of water. Lagi akong nagdadala ng tubig kahit saan ako pumupunta. Ininom ko na nakatalikod ako. Paglingon ko wala na ang boss ko, este ang maging boss palang kung tanggap ako bilang secretary.
Iniikot ko ang mata ko, napaka-cozy ng paligid. Hindi mo maikailang isang magandang kumpanya ang De Vora's Company. Ang linis tingnan ang mga empleyado. Hinanap ng mata ko kung saan ang lalaki. Pero parang bula lang siya na nawala even I don't see his face.
Hanggang sa may isang babae nakangiting lumapit sa akin. I think she's 55 years old na ito. Nang nasa harapan ko na siya ako ang unang bumati sa kan'ya.
"Hello po, dito po ako tinuro ng receptionist. Para sa interview po," magalang nasabi ko sa babae.
"Mss. Ikaw ba ang ne-recommend ni Andrew?" she asked me.
"Yes, I am." Malawak ang ngiti niya sa akin.
"I'm, Mrs. Amor Agustin," pakilala niya sa akin. Binigay ko ang isa kung kamay at nagpakilala.
"Nice to meet you po ma'am. I'm Crystal Garcia po," I said, and she smiled at me. Ang ngiting may saya sa kanyang labi.
Niyaya niya ako patungo sa opisina ng boss niya. Nang nasa harapan na kami ng pinto ng opisina ay kumatok muna siya. Sinabihan niya ako na maghintay muna dito. Maya-maya ay bumukas ang pinto. Pumasok si Mrs. Agustin iniwan niyang nakabukas ang pinto. Gusto ko sanang silipin takot ako na mahuli ako, baka isipin nila na tsismosa ako.
"Mrs. Agustin, has your replacement come or not yet? Did you inform her? If not, I'm going to find another. How many days I wait for her for interviews." Narinig kung sabi niya. His authority baritone voice makes my hand shake.
"Yes, Sir actually she is here now." Sagot sa kan'ya ni Mrs. Agustin.
"Good to know, let her come in." Parang uurong na ako, para kasi nangangain ng buhay bawat bigkas niya na salita.
Lumabas ng opisina si Mrs. Agustin sinabihan niya akong pumasok sa loob. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. Nginitian niya at pinapa-calm. Ngumiti siya sa akin.
"Good luck, I'm sure pasado ka kay Boss. Dahil ikaw ang papalit sa akin." Tumango ako sa kan'ya. Kaya naman pala malawak ang ngiti niya dahil ako ang papalit sa kan'ya. Nahihiya rin ako dahil ilang araw ng binigay ni Andrew ang business card ngayon ko lang itong tinawagan. Nawala kasi sa isip ko ang business card.
Lumapit ako sa pintuan. I started to knock on the door three times. I can't explain my feelings. My heart beat so fast. I don't know why. Para bang lakas nitong tumibok na hindi ko maintindihan.
"Come in," he said. Dahan-dahan kung binuksan ang pinto. Boses palang niya ay nalulunod na ako. Kung sakali matanggap na ako rito. Siguro hindi rin ako magtatagal kung masyadong strict ang boss ng kumpanya.
Pagpasaok sa loob nakaupo ito sa kanyang black leather swivel chair. Nakatalikod siya hindi ko pa rin nakikita ang kanyang mukha. Dahil nakatanaw ito sa window glass. Napaawang ang labi ko. Napaka-neat at napakalaki ng kanyang opisina. Parang isang malaking living room ito mga gamit ay nasa tamang lugar halos lahat ng mga gamit ay mamahalin. Ang glass wall ay napakalinis. Ang chandelier sa taas ay nakakaakit sa mata. Ang mga magagandang uri ng crystal vases ay nandito. Kapangalan ko pa talaga ang vase. Napangiti tuloy ako ng palihim.
After I checked the inside of the office ay bumalik ko ang ulirat ko. Bakit ba kasi sa mga gamit ng nasa loob ng opisina napunta ang mata ko. Tumikhim ako bigla, I saw him, he turned around the swivel chair. Tumayo ako ng tuwid. His eyes on me. Parang slow motion nagtagpo ang mga mata namin. Hindi ko na ma-ipikit ang mata ko sa kan'ya at bibig ko.
I'm pretty sure I know him. No doubt. He has been the same man for almost two months. He is the one I have encountered before. Sumalubong ang dalawang kilay ko. Ang manyak na ito ay muling nagtagpo ang landas namin ang mga mata ko ay sa kan'ya. Tumayo siya sa kinauupuan niya. Tiningnan niya akong taas baba. Tila sinusuri ako. "What the hell." Mahina kung sabi.
"Are you done examining me?" he asked me.
Mas lalong namula ang pisngi ko. Siya na nga ang sinuri ako taas, baba siya pa ang may ganang sabihin na ako pa ang sumusuri sa kanya. Ang kapal din ng butiti na'to sa harapan ko.
"Are you here, para ibalik ang damit ko. Almost two months from now. Baka nakalimutan mo or else," he said.
"Pinipikon ba ako ng lalaki na'to?" tanong ng isip ko.
Umupo siya sa mesa ng opisina niya. Seryosong nakatingin sa akin. Lalabas sana ako pero pinipigilan niya ako.
"Hey, woman! Where are you going? You didn't tell me what you are doing here?" he asked me.
"Mr. Butiti for you and in your information may pangalan ako." Mataray kung sagot sa kan'ya.
"I have a name too, not that disgusting butiti." Narinig kung tumawa ng mahina sa sinabi niya.
Tumayo siya at dahan-dahan lumapit sa akin. His manly scent. Parang barado ang ilong ko sa mabango niyang perfume. I hear him he took a deep breath. And she look at me ang dalawang mata mata ay malalim. Nakita ko ang kanyang Adam's apple taas baba niya ito. Para ako na estatwa sa harap niya.
Akala ko ay lalapit siya sa akin umurong siya. Kung hindi siya umurong I'm sure na isang sampal ang makuha niya sa akin. Instead ang pakay ko rito ay trabaho ay uuwi ako sa wala baka ano pa ang gagawin niya sa akin. Parang yung uuwi na bigo sa laging palpak sa application ang mangyari sa akin. Tinitigan niya ako parabang binabasa niya ang nasaisip ko. Kunot ang noo ko siyang tiningnan. Nagtitigan kaming dalawa. Walang nagpapatalo ang mata ng bawat isa sa amin. 'Di ko akalain ang lalaking ito ay siya mag-e-interview sa akin. Pero infairnes he's a goddess man. He has a blue eye, perfect body kahit na nakasuot siya black suit ay 'di makailang kakisigan niya.
Walang nag-iimikan sa aming dalawa sa loob ng kanyang opisina. Napansin kung biglang nag-iba ang aura ng kanyang mukha. Hanggang ngayon, I can't understand myself. Pero kailangan ko ng trabaho. Pero kapag siya ang maging boss baka hindi rin ako tatagal sa kumpanya na ito. He looks like a strict and serious man.
Sinulyapan niya ako na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin ako. Hindi man lang niya ako pinaupo. Tumayo lang ako ng tuwid sa kinatatayuan ko. Medyo nangangalay na ang dalawang binti ko. Nag-inhale ako at exhaled. Kumuha ako ng lakas sari ko at muling nagsalita sa harapan niya.
"Kung wala kayong sasabihin sa akin ay uuwi na lang ako." I said, ng magpapaalam ako inangat niya ang mukha niya sa akin. Nilagay niya sa bibig ang blue pencil. Kinagat niya ito at ang mga mata ay sa akin.
Para akong natutunan sa titig niya sa akin. Gumalaw ako sa kinatatayuan ko. Inabot ko sa kan'ya ang brown envelope. Mabilis niyang kinuha sa kamay ko. Nang buksan niya ang envelope ay ini-isa-isa niya itong tiningnan.
"Mss. Garcia," that husky voice makes me shake again.
"Yes," sagot ko.
"Have a seat." Utos niya sa akin. Ngayon pa lang niya siguro napansin na kanina pa akong nakatayo.
Umupo ako. Naghihintay ako ng gusto niyang sasabihin. Dinayal niya ang telephone. Ang kanyang sekretarya ang kausap niya sa kabilang linya. Binaba ang tawag at mabilis na pumasok si Mrs. Agustin.
"Mrs. Agustin, is there anyone else besides her?" he asked her secretary.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. It means ligwak ako. Tumayo ako ng walang paalam. Inagaw ko sa kamay niya ang brown envelope. Nakita kung nagulat silang dalawa sa reaction ko. I don't care kung nawala ang discipline ko sa harap nila. Ano ba kasing nilalang ang lalake na'to. May diperensya talaga ito sa pag-iisip. Akala mo kung sino hindi pa niya sabihin na hindi ako tanggap. Hindi pa nga niya ako na interview.
"Humanda ka sa'kin mamaya Andrew," mahinang sabi ko.
"Are you talking alone?" tanong niya sa akin. Isang mapaklang ngiti ginawa ko.
Hindi ko siya sinagot dahil kanyang sekretarya ang nagsalita. Bago siya nagsalita tiningnan niya ako. Masaya yata siya sa ginawa ko sa boss niya.
"Sorry to say sir. But no one other. Lahat ay hindi mo magugustuhan maliban kay Mss. Garcia." Paliwanag niya sa boss niya na seryoso ang mukha parang may red flag at tumingin din sa akin si Mrs. Agustin.
"Mrs. Agustin, how did you know I'm not gonna like them?" he said.
Tumikhim muna ako bago nagsalita sa harap nila. Nilakasan ko na ang loob ko. Dahil nakakapagod din ilang beses na akong maghanap ng trabaho ay walang tumatanggap sa akin. Kulang na lang ay yaya ang applyan ko.