Chapter 9
Crystal
Two months later
Mabilis lumipas ang oras at araw. dalawang buwan mula ngayon na pinalayas ako ni Mommy at Ate Kristina. Dalawang buwan din akong mag-isang nakatira sa pinahiram sa akin ni Andrew na dati niyan maliit na apartment. Kung hindi dahil kay Andrew siguro ay hindi ko alam saan ako ngayon titira at matutulog.
Nagpapasalamat pa rin ako dahil hindi ako iniwan ng kaibigan ko. Siya lagi ang nasasandalan ko ng problema ko. I am so thankful na may kaibigan ako na katulad niya. Next month he plans to travel to Singapore, because of his father. Para alam niya ang pamamalakad ang ng kanilang business ng kanilang mga iba't-ibang uri ng textile.
Pumasok ako sa kusina at nagtimpla ako ng kape ko. Kumuha ako ng mug sa loob ng kabinet. Nagpapainit din ako ng tubig sa lumang coffeemaker. Gusto sana itong palitan ni Andrew hindi ako pumapayag. Because I can still use it. Nahihiya rin ako sa kanya marami na rin siyang naitulong sa akin.
Pagkatapos kung matimpla ang kape ko, pumunta ako sa maliit na sala. Umupo ako at nilagay ko sa ibabaw ng glass table ang tasa ko na may lamang kape. I put on the tv. Hanggang sa nasagip ng mata ko ang business card nasa sa tabi ng mug of coffee ko. Bigay sa akin ni Andrew ito isang sikat daw ito na kumpanya, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito tiningnan. Isang linggo na ang nakalipas. Gusto ko kasi na ako mismo ang makahanap ng trabaho. Pero bigo ako ni isa sa kumpanya na inaaplayan ko ay walang daw silang bakante.
Kinuha ko ang ang kulay blue at puti na business card. Tiningnan kung maigi ng dalawang mata ko. Binasa ko ang nakasulat. Levon De Vora, the Chairman of the De Vora's Company. The name is familiar, but I can't remember where I heard this name. Baka sa tv, magazine or social media ko lang ito narinig. May nakasulat din ang number sa likod ng business card.
"Oh my God! Siya yung lalaking pinag-uusapan ng dalawang babae sa ladies room before." Sabi ko sa sarili ko now ko lang naalala.
Mabilis kung dinayal number ng landline na telephone na nakasulat sa business card. Tatlong ringing lang ito ay sinagot agad ng babae. I took a deep breath first.
"Hello, this is De Vora's Company?" mahinahon ko na tanong at walang agad sumagot sa hello ko.
"Yes, De Vora's Company. What can I do to help you?" she asked me.
"Ma'am, binigay po kasi ng kaibigan ko po ang business card ng De Vora's Company." Sabi ko sa linya medyo nanginginig pa ako, medyo may pagka-istrikta ang boses ng babae.
"Ah okay. Ikaw pala ang ene-recommend ni Andrew na a-apply ng sekretarya ni boss De Vora?" Sumaya ang mukha ko sa sagot ng babae sa linya.
"Yes po, Ma'am. I'm Crystal Garcia." Magalang na sabi ko sa linya.
"Okay, kung free ka ngayon, you can come over right now. Para ma-interview ka ni Mr. Chairman." Napangiti ako sa sinabi ng babae sa akin.
"Thank you po ma'am," masayang pasasalamat ko sa kan'ya at binaba niya agad ang linya. Akala ko ay may sasabihin pa siya sa akin.
Pagkatapos namin mag-usap ng babae ay para akong nanalo ng lotto sa saya. Pangiti-ngiti ako, at tumayo ako na parang batang patalon-talon. Feeling ko may trabaho na ako at tanggap agad ang peg ko. Hinalikan ko ang screen ng mobile ko. Nagulat ako na may biglang nag-doorbell. Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko dahil sunod-sunod na pag-do-doorbell sa pinto.
"Wait!" malakas na sabi ko. Kinuha ko muna ang white robe ko na nakapatong sa sa taas ng sofa. Naka-short lang kasi ako ng maiksi at spaghetti ang top ko.
Binuksan ko ang pinto. Akala kung sino ang nasa labas si Andrew pala. Lumaki ang mata ko sa kan'ya. This is the first time I saw him wearing office attire.
"Oh my gosh, Andy! Infairness you look good." Puri ko sa kan'ya pero parang tinamaan ng bagyong yolanda ang mukha niya.
"Ewan ko sa'yo Crystal." Padabog niyang sabi sa akin. Tuloy-tuloy siyang pumasok at umupo agad siya sa sofa salubong ang makapal niyang kilay.
"Anong ewan mo sa akin? Ang aga-aga ganyan ang isalubong mo sa umaga." nakangiting sabi ko.
"I don't want to talk," he said.
"Why naman? May pa, I don't want talk kapang nalalaman. May problema ba tell me?" tanong ko at umupo ako sa tabi niya.
"Wala naman. By the way nakausap mo ba ang binigay ko sa'yo na business card?" tanong niya sa akin. Ang kanyang kamay ay nilalaro ang red neckties niya.
"Yeah, thank you Andy ah, sa mga help mo sa akin. Pahabain sana ni God ang buhay mo para marami kapang matulongan." Malambing kung sabi sa kan'ya.
"Ay naku Crystal, pahabain ang buhay huwag mong sabihin iyan. Don't forget kapag mabait madaling kinu-kuha ni Lord. Ayoko ko pang ma-meet si san Pedro. Teka nga, ano pa ang hinintay mo? Ano sabi sa'yo ng kumpanya?" ngumiti lang ako sa tanong niya at tinaasan ako ng kilay.
"Mamaya pupuntahan ko. Need pa raw ang interview ng boss," seryosong sagot sa kaibigan ko. Mukhang naiirita sa black suit niya na suot.
"Edi, wow! Go na girl at magbihis kana," he said. Mabilis niyang tinanggal ang suot na robe ko.
"Sana matanggap ako," mahinang sabi ko.
"Matatanggap ka trust me." Masayang sabi sa akin ni Andrew. Kanina ang mukha hindi ma-drawing ngayon parang batang binigyan ng candy.
Hindi na ako nagsalita pa. Mabilis akong pumasok sa aking kwarto. Kinuha ko ang isang office wear ko. I chose my blue classic blazer and dark blue pencil skirt, underneath white plain blouse. I feel confident, what I am wearing now. Kinuha ko sa loob ng kabinet ko ang black classic pumps 2 inches heels. Hinawakan ko ang maliit kung baywang.
I put simple and light makeup. Inayos ko ang buhok ko ng braided pony. Nang matapos ko ng ayusin ang sarili ko lumabas ako. Paglabas ko akala mo kung sinong lalaking si Andrew na sinusuri ako mula ulo hanggang paa.
"Hoy, Andrew! Kinikilabutan ako sa'yo sa mga mata mo girl." Suway ko sa kan'ya.
Ngumiti at umiling-iling lang si Andrew sa akin. Tumayo ito at pinaikot-ikot ako gamit ang malaking bisig niya at kamay. Kung hindi lang 'to bakla mapagkamalan kung lalaking-laki sa laki pa naman ng mga muscles niya. Alagang gym pa.
"Pasado kana girl," sabay hila niya sa kanang kamay kom Siya din ang nagbukas ng pintuan.
"Teka muna ang bag ko at ang cellphone ko." Tinakbo kung kunin ang bag ko at brown big envelope ko.
Ilang sandali ay nasa harap na kami ng apartment ko. Nakita kung naka-park sa ang blue BMW ni Andrew sa harap ng apartment. Sabay namin tinungo ang kanyang sasakyan agad kaming pumasok sa loob ng sasakyan niya. Umupo ako ng maayos. Dahan-dahan pinaandar ni Andrew ang sasakyan niya. Pinaikot-ikot muna niya ang streeling ng sasakyan.
Tahimik itong nagmamaneho. Napapansin kung may malalim itong iniisip. Nilingon niya ako, I smile at him. Ngumiti rin siya pabalik sa akin.
"Andy naman hindi ako sanay na tahimik ka. Kumibo ka naman d'yan." Nakanguso ako sa kan'ya. Tumikhim muna siya bago niya sinagot ang tanong ko.
"Don't mind me, isipin mo ang interview sa'yo ng maging boss mo." He said.
Ang kanyang mga mata ay nakatanaw sa labas. Usually hindi ganito ang kaibigan ko. Number one ito na maingay sa amin na magkakaibigan. Pero siya na lang ang naiwan na kaibigan ko. Si Kathy at Lea nasa ibang bansa na sila at si Samuel din. Last time lang namin nagkita ni Samuel ng sabihin niya na babalik na siya sa Australia. Mula noon kahit tawag hindi na niya nagawa. Maybe nagtampo siya sa akin.
"Crystal hanggang dito lang kita ihahatid. I have an emergency meeting." Napaawang ang labi ko, medyo nagulat ako sa sinabi sa akin ni Andrew na meeting. Minsan mapapaisip ako kung bakla ba siya or hindi.
"Ganun ba, sige see you later. Don't fetch me, I can go home alone." I said. Tumango lang siya sa akin.
"Bye, Crystal. Good luck and best of luck sissy." I smiled at him and he gave me a flying kiss.
"Thank you. I'm feeling nervous, Andy." I said.
"Follow your instinct," he said.
Sa harap ng building De Vora's Company ako binaba ni Andrew. Nakakamangha ang building. Ang ganda ng design sa harapan mula baba hanggang taas ay glass. Parang may maliit na diamond style sa gilid ng glass window, magaling siguro ang architect nito. It was an amazing and fantastic building.
Mabilis akong pumasok sa loob ng madali ako nakapasok kahit wala akong Id. Dahil si Andrew he talk to the security guard, kaya nakapasok ako agad. Dahil formal ang suot ko akala ng iba bago ako ng employee. Pero sa totoo lang kinabahan ako. A-a-apply pa lang kasi ako.
"Baka masungit ang Chairman of the company. How I wish na hindi niya ako pahirap sa interview." Sabi ng isip ko na nagmamadali akong naglalakad papasok.
Lumapit ako sa babae na nakaupo sa information desk. Tinanong ko kung saan ang opisina ni Levon De Vora. Bago niya ako sinagot ay may tinawagan muna siya.
"Miss. May I know your name?" she asked me.
"Crystal Garcia po," my polite answer to her. She nodded at me.
Pagkatapos niyang kausapin ang nasa linya sinabi niya sa akin ang floor ng president ng company. I smile at her at nagpasalamat. Matamis akong nginitian ng babae. She's beautiful and cozy bagay na bagay sa kan'ya ang suot niya. Tinalikuran ko siya. Ang mga staffs ay mga professional talaga silang tingnan. Napaka-neat nila sa mga suot nila buti nalang ganito ang sinuot ko.
Dahan-dahan akong lumakad sa elevator. Nakakaramdam ako na parang may rebulto sa likod ko. Narinig ko na bumuntong-hininga siya. Para bang kinikilabutan o kinakabahan ako. Ang ginawa habang hinihintay ko ang elevator ay yumuko ako. I bit the lower part of my lip.
Hanggang sa nagbukas ang elevator. Pagpasok ko sa elevator hindi ko namalayan na nabangga ko siya. Dahil magakasabay pala kaming pumasok sa loob. Para bang bakal na pader ng mabanggaan ko siya. Nahiya tuloy ako at hindi ko pa rin inaangat ang ulo.
"Sorry," paumanhin ko hindi ko siya tiningnan.
He didn't say anything. I heard him take a deep breath. Yung manly talaga na hininga. Feeling ko nakatitig siya sa akin. Tahimik lang ako na nakayuko. Hindi ko rin inangat ang mukha ko. Ewan ko ba parang lumalakas ang kabag ng puso mo. Tapos ang kanyang gamit na perfume ay tila lumilipad sa ilong ko.
Walang sino man ang kumikibo saming dalawa sa loob ng elevator. Hanggang sa bumukas ang elevator. Tiningnan ko ito nasa 5th floor palang at nasa 20th floor ang opisina ni Mr. Chairman De Vora.