Chapter 43 CRYSTAL "May anak si madam Barbara at sino?" tanong ng isip ko. Na-currious ako sa usapan nilang dalawa na mag-asawa. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko dahil interisado akong alamin. Wala kasi sila na sinabi na may anak sila na nawawala. Hindi rin napag-usapan dito sa mansion na may isa pa silang anak maliban kay Sir Iyaz. Kaya pala minsan nakikita ko si madam Barbara na malungkot at umiiyak mag-isa at may gamit na bata na niyayakap niya hinalikan-halikan. "Nakakasiguro ako Warren na siya anak ko. Siya si Heaven siya ang anak natin Warren. Naamoy ko sa kanyang amoy dahil ang lukso ng dugo ay patunay na siya ang anak ko. Kahit wala ang resulta ng DNA ay 100% na anak ko siya." Walang tigil si Madam Barbara sa pag-iyak. "DON'T worry, kung siya ang anak natin na matagal na n

