Chapter 44 Third Person's POV ''Crystal," mahinang sambit ni Barbara ng makita niya si Crystal lumalapit sa kanila na hawak-hawak ni Crystal ang dalawang lampin. Pakiramdam nilang mag-ina naninikip ang kanilang dibdib. Walang tigil ang buhos ng mga luha nilang mag-ina. Si Sir Warren at Iyaz ay tumulo ang luha nila. Mahigpit na hinawakan ni Barbara ang kamay ng asawa. "Kayo ang mga magulang ko?" naiiyak na tanong ni Crystal. ''Heaven anak ko. Warren narinig mo ang tanong ng anak ko?" "Oo Barbara," sagot ni Warren sa asawa na. "Mommy," mabilis na lumapit si Crystal at sinalubong niya mahigpit na yakap ang kanyang ina. "Anak, Crystal anak ko patawarin mo ang Mommy hindi kita iningatan napabayaan kita. Naging pabaya ako na ina. Nawala ka dahil sa katangahan ko at hindi kita na a

