Chapter 45 Third Person's POV FLASHBACK… Malungkot na pumasok si Mr. Leonard Garcia, sa kanilang bahay. Hindi niya akalain sa tanan ng buhay niya ay parang bula lang na mawawala sa kanya ang matagal na niya negosyo. Pagbukas niya ng pinto, nadatnan niya na nakaupo sa sala ang kanyang asawa. Umupo ito sa tabi ng asawa. Hindi niya alam kung paano niya sasabihin na wala na ang pinaka-ingatan niyang negosyo na chips factory. "Leonardo may problema ba?" tanong ng asawa niya. "Wala na ang factory natin Marian." Nakayukong sabi niya sa asawa. Sa gulat ng asawa ay tumayo ito bigla. Umiling-iling hindi niya matanggap na ang sinabi ng asawa. Sumigaw siya nagwawala sa sala. Tinapon ang baso sa sahig nabasag ito. "Akala ko ba ay inayos mo na ito Leonardo. Anong ginawa mo? Bakit hindi mo nagawan

