Chapter 103 CRYSTAL "Nakita ko ang anak ko Mama, kailangan niya ako humihingi ng tulong. Napanaginipan ko ang anak ko Mama natatakot ang ang anak ko Mama." Niyakap ako ni Mama at pinunasan niya ang leeg ko na basang-basa ng pawis ko. "Ma'am, ma'am Barbara!" malakas na sigaw ni Glaiza sa pangalan ni Mama. "Glaiza anong meron bakit ang lakas ng boses mo?" tanong ni Mama. "Kasi may dumating na regalo po hindi naman po nakalagay ang pangalan kung sino." Nagkatinginan kami ni Mama. Si Papa ay mabilis na nag-panic kahit ako at napatayo ako bigla. Hanggang sa bumaba kami para tingnan ang dumating na regalo. Nang nasa baba na kami ay nakita kung hawak-hawak ni Zen ang box. "Buksan mo Zen," utos ko. Binuksan ni Zen ang box lahat kami ay nakatingin kung paano buksan ni Zen ang box. Nangingi

