Chapter 104 CRYSTAL Pagdating namin sa hospital a agad nilang pinasok sa loob ng emergency room ang anak ko. Si Wilson din ang isa doctor ang tumingin sa anak ko. Kahit nanghihina ako ngayon at nararamdaman ko na parang bibigay ang katawan ko ay nilalabanan ko ang kahinaan ko. Hindi ko saan nanggaling ang luha ko na walang tigil ang buhos. Parang hindi ako nauubusan ng luha. Hindi ko alam kung makakaya ko kapag may mangyaring masama sa anak ko. Humugot ako ng malalim. Dumidilim ang paningin ko dahil sa walang tigil kung pag-iyak. Pinaupo ako ni Mama at Kuya dahil kanina pa akong hindi mapakali. Sila na ang nahihilo sa akin. "Bakit ang tagal lumabas ng doctor gusto kung makita ang anak ko?" naiiyak na tanong ko kay Mama at Kuya. Si Levon ay may kausap sa kanyang cellphone galit ang kan

