Capitulum 1

1996 Words
Humalik muna siya sa mukha ng kaniyang ina at marahang niyakap ito. "Thanks ma," wika niya at bumitaw na sa pagkakayakap nito. "Tumatanda na ang baby ko, mag iingat ka palagi anak," turan ng kaniyang ina. Ayaw niya umiyak dahil maaga pa kaya naman tumawa lamang siya. "Mama naman eh, para namang may mangyayaring masama sakin eh alam ko namang di mo ako papabayaan, hindi naman tayo magkakahiwalay," wika niya sa kaniyang ina na tinitingnan siya na puro pagmamahal ang nakaguhit sa mukha. "Hindi sa lahat ng panahon magkasama tayo anak, Hindi na ako bumabata at lumalaki kana rin, may mga responsilidad na nag aantay sayo." Nag iwas ng tingin ang kaniyang ina at kunyaring may inaayos sa lamesa. "Ah basta, baby nyo parin ako ma, maliligo na nga po ako," sabi niya at humalik muli sa kaniyang ina. Kinuha niya ang kaniyang tuwalya na nasa sampayan at pumasok na sa CR. Hinayaan na lamang niyang dumaloy ang malamig na tubig sa kaniyang balat. Pagkatapos niyang maligo ay agad na siyang nagbihis. Kinuha niya ang kaniyang uniform sa maliit niyang walk in closet at tiningnan pa ito ng maigi. "Ang ikli naman ng skirt nila," usal niya sa sarili. She just sighed deeply at naghanap ng cycling shorts na pwede niyang suotin. Tiningnan niya ulit ang kulay violet na palda na may checkered na design, sinuot na niya ito at sinunod na ang blouse na uniform. Kulay puti iyon at may lining din na kulay violet na checkered kagaya ng kaniyang skirt. May ribbon din ito na itatali sa may collar. Inabot niya ang kaniyang ID at tiningnan ang sarili sa salamin. "Ano ba yan parang anime naman ang pormahan na to." She just rolled her eyes at tsaka inabot ang perfume na nasa kaniyang vanity mirror. Nag spray lang siya ng kokonting perfume sa katawan. Kinuha niya rin ang pang ipit sa buhok at inipit ang kaniyang buhok ng half ponytail. Kumuha siya ng black socks na abot hanggang tuhod at sinuot na ang kaniyang black shoes. Agad siyang bumaba muli para mag agahan. Nakita niyang inaantay siya ng kaniyang ina sa hapag kainan habang umiinom ito ng kape at nagbabasa ng dyaryo. "Oh, tapos kana pala bilisan mo nang kumain baka malate kapa." Binaba ng kaniyang ina ang binabasang dyaryo at pinag hain siya ng almusal. "Mama ako na po." Pilit niyang kinuha ang sandok sa kaniyang nanay. "Hindi na, ako na, hayaan mo ako ngayon dahil birthday mo naman," tugon ng kaniyang nanay. Napangiti na lamang siya dahil naiisip niya na kahit tumatanda siya bawat taon ay hindi parin nagbabago ang pag aalaga sa kaniya ng mama niya. Kumain na lamang siya at binilisan pa iyon dahil baka mahuli na siya sa klase. Pagkatapos niyang kumain ay umakyat ulit siya sa kaniyang kwarto para kunin ang mga gamit niya. Natapos na ni Amory ang paghahanda para sa unang araw ng pasukan. Nainis pa siya ng konti dahil dapat sa araw na iyon ay nagpapahinga lamang sya at ginagawa lahat ng gusto niya dahil kaarawan niya ngayon, but she had no choice since it's her first day of class, at transferee pa sya. Nasa bus stop na sya ngayon at nag aabang ng masasakyang bus. Hawak nya sa dalawang kamay ang strap ng kanyang back pack na nakasabit sa kanyang likod. Dumating na ang bus at agad siyang sumakay. Nag swipe muna siya ng card bago siya pumwesto sa may bintana. Kokonti pa lamang ang mga pasahero dahil maaga pa naman. The bus stopped at the second bus station, and a boy with the same school uniform as her sat beside her. "Ang bango nya naman." she told to herself. "Stop sniffing." she was caught off guard when the boy beside her started to talk. "What?! Excuse me? I'm not. May sipon ako duh!" She defended herself. "Really?" Nagsalita na naman ang lalaking katabi nya. She rolled her eyes and cleared her throat before speaking. "Ehem, napansin ko same school tayo, dahil parehas tayong ng badge may I ask kung anong grade level kana?" Hindi sya pinansin ng lalaki at naglagay lamang ito ng earphones sa magkabilang tenga. She gasp in disbelief "napaka bastos naman ng lalaking ito!" She said on her mind while making face. "Hmp sungit" she whispered. "Grade 11 na ako, at hindi ako masungit" for the second time, nagulat na naman sya nung magsalita ang lalaki. "S-sorry po." Hindi na ulit sila nag usap, Amory remembered that she lost her class schedule nung nagpa enroll siya at nandun din ang room number niya, at hindi na niya maalala yon! She cleared her throat again, trying to compose herself,  trying to ask this man a favor. "Sana pansinin nya ako!" "Uhm, if you won't mind pwede mo ba akong tulungan hanapin yung room ko later? Transferee kasi ako and I lost my class schedule. Di ko matandaan ang room number ko, I'm on the tenth grade by the way," She said softly while crossing her fingers na nakapatong sa paa nya. Wala siyang narinig mula sa katabi at bumuntong hininga lamang ito. "You know what? You're rude, you can just tell me if you don't want to help me. Nagtatanong ako sayo ng maayos eh!" She crossed her arms and rolled her eyes again. "Sungit!" Sigaw nya sa kanyang isipan. Huminto na ang bus sa tapat ng University na pinapasukan nila kaya tumayo na siya. Hindi agad sya makalabas dahil nga sa may bintana siya nakaupo, inantay nya munang mauna yung masungit na lalaking katabi niya. Nung nakalabas na sya ay sinadya nyang banggain ang balikat ng lalaking iyon kahit na mas matangkad pa ito kaysa  sa kanya. She immediately ran into the pedestrian lane waiting for the traffic light to turn green. Humalukipkip pa sya nang tumabi sa kanya ang lalaki, hindi niya nalang iyon pinansin at dumukot nalang ng chewing gum sa bulsa ng kanyang skirt. Nag go sign na kaya tumawid na siya. Nang makapasok sya sa gate ay narinig niyang nagsalita yung masungit na lalaking katabi nya kanina sa bus. "Yung six-storey building sa harap ng field, 4th floor, dun ang room ng mga grade 10," usal nito bago naunang maglakad kesa sa kanya. Tiningnan niya pa ito habang nakapamulsang naglalakad papalayo sa kanya. "Sus, sasagot din naman pala kelangan may pa cold effect pa. Ano yon? Para cool tignan? Duh." Nagbuntong hininga sya at sinunod nalang yung sinabi ng lalaki kanina. Nakarating na siya sa field at nakita niya na ang building na sinasabi nito. She dropped her jaw when she remembered na sa fourth floor nga pala ang room niya. Good thing this is a university at meron talagang mga elevators, but since this is the first day of class, madaming umuokupa non. She had no other choice left but to start taking the stairs bago pa sya malate. "Ang malas ko naman! I should've atleast get some nice privilege since birthday ko naman ngayon,"  reklamo niya sa kanyang isipan. Bahagya pa siyang hinihingal nang maabot na niya ang ika fourth floor. Isa isa niyang tinignan ang mga papel na nakadikit sa labas ng kada room na naglalaman ng mga listahan ng istudyante. Nang nasa pinakadulo at panghuling room na siya ay nakita na niya ang kaniyang pangalan. Sinilip niya pa muna ang glass ng pinto at nakita niyang wala pang teacher. She sighed deeply before opening the door. Sinalubong siya ng malamig na hangin mula sa air condition na naka sentro sa loob ng silid aralan. Bahagya pang natahimik ang kanyang mga bagong kaklase nang siya ay pumasok. She smiled awkwardly and waved her hand, not sure kung sino ang kinawayan niya. "Uhh, hi? I'm new here," Sabi niya. Tumango lamang ang iilan sa mga kaklase niya at nagsimula ng mag ingay muli. She silently walked trying to find some seats available. Nakita nya ang isang silya, nasa second to the last row. Tinanong niya ang babaeng pula ang buhok na nakaupo katabi nito na nasa may bintana. "Excuse me, wala bang nakaupo dito?" The girl smiled at her and said "Wala, you can take it," She put her bag on the chair at inayos ang kanyang palda bago umupo. "Bago ka ata dito?" Tanong ng babaeng may pulang buhok na katabi nya. "Ah oo, kakalipat lang namin ng bahay nung summer, dito kasi yung pinaka malapit na school kaya dito na din ako nag enrol," paliwanag niya sa babaeng katabi niya. Tumango tango naman ito tsaka nagpa kilala. "Ah, ako pala si Vesta, nice to meet you," pakilala ng katabi niya habang nakangiti ito ng malapad. Sumingkit ang mga mata nito at lumitaw ang magaganda at pantay na ngipin nito. "Ako naman si Amory." ngumiti din siya ng bahagya at inabot ang kanyang kamay para makipag shake hands. Nagkwentuhan pa sila saglit nang biglang pumasok ang kanilang teacher. It was a lady in her late 20's with a fiery red lipstick, the heels of her sandals are echoing to the floor. The whole class became silent because her presence screams authority. Para itong strict type na teacher. Tumikhim muna ito bago inilapag ang kanyang class record at ang kanyang pencil case. "Good morning class." Her voice is calm but it sounds intimidating kay Amory. Maybe she's just nervous since it's her first day here. "Good morning ma'am Plarisan." The class said in chorus. Umupo na ulit sila at nagbigay lang ng konting introduction ang kanilang guro. "We have a new student this school year, bibihira lang ang transferee sa grade 10 level, can you please stand up and introduce yourself to us?" Pagtawag ng pansin ng kanyang guro at hinahanap siya. Nahihiya man ay dahan dahan siyang tumayo at nakayukong pumunta sa harapan. Tumikhim pa muna siya bago nagsalita. "H-hi, Good morning. My name is Amory. I am new here and I hope we'll get along well." Nahihiya siyang tumingin sa kanyang teacher at tinaasan siya nito ng kilay. "What do you expect from my class Ms. Amory?" "U-uhh I expect to learn new things ma'am. Please teach me well." Nahihiya niyang tugon sa kanyang guro at bahagyang yumuko para magbigay galang. "Of course, I will teach you well Amory. Very well." Tinignan pa siya nito ng iilang segundo. "You may now take your seat," wika ng kanyang guro at agad naman siyang bumalik sa kanyang silya. She felt anxious about what the teacher told her, well her teacher said that she'll teach her well but to her, she feels like there's a hidden meaning between her words, or maybe she's just exaggerating things. She shake her head and let go of her worries. Wala masyadong nangyari nung araw na yun, puro introduce yourself at konting sneak peak lang ng kada subject since first day of class pa naman. Naging close na agad sila ni Vesta dahil napaka daldal nito, yun nga lang napansin niyang mainitin ang ulo nito at madaling mapikon, napansin niya iyon  kanina nang paulit ulit itong tinanong ng kaklase nila. Nasa last subject na sila at five minutes nalang ay uwian na, naalala niyang birthday niya pala at wala siyang bisita dahil wala pa naman siyang kaibigan dahil kakalipat palang nila, naisipan niyang yayain si Vesta. "Vesta, kung okay lang sayo pwede ba kitang imbitahan sa bahay? Birthday ko kasi ngayon, Wala akong bisita," paliwanag niya sa bagong kaibigan. "Omg really?! Happy birthday sayo kung ganun, bakit wala kang bisita?" Usisa ng kaibigan niya. "Eh kasi nga diba kakalipat lang namin, wala pako masyadong kakilala, hindi rin kasi ako gala eh, so pwede ka ba?" "Oo naman! No problem," Sabi ng kaibigan niya na kinatuwa niya Naman agad. Nag ring na ang bell at sabay na silang lumabas. Nag aabang na ulit sila ng bus pauwi sa kanila. Nang dumating sa bahay nila ay napansin niya ang pagkatahimik ng bahay. Madalas kasi twing uuwi siya ay may naka play na music sa music player nila, oh di kaya ay nanonood ng tv ang nanay niya. "Nay? Nay? Nakauwi na po ako, nagdala po ako ng kaibigan" Kumatok katok pa siya sa pinto pero wala talagang nagbubukas. ————————–—————————
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD