Capitulum 2

1971 Words
Ilang beses pa muling kumatok si Amory pero di talaga sumasagot ang nanay niya.  "Baka naman may binili, oh namalengke," Sabi ng kanyang kaibigang si Vesta.  "Baka nga, halika pumasok nalang tayo," aya niya sa kanyang kaibigan.  Dahan dahan niyang pinihit ang door knob at mas lalo siyang nagtaka dahil nakabukas lamang ito, kadalasan kasi kapag aalis ang nanay niya at walang naiiwan na magbabantay sa kanilang  bahay ay nilalock niya iyon. Iwinaglit niya sa kaniyang isipan ang mga negatibong naiisip.  When she finally opened the door, she was stunned because of the slovenliness of their living room. The couch was turned upside down, broken pieces of glass were found on the floor. Basag na ang kanilang tv at nakatumba na ang piano sa gilid nito.  "A-amory, okay ka lang ba?" Tanong ng kaniyang kaibigan na nag aalala rin.  Walang ibang iniisip si Amory kundi ang hanapin ang nanay niya! She immediately checked all the rooms and every part of their house, fear immediately creeped into her spine when she can't find her mom. Little buds of tears are starting to form in her eyes. "Di ka pwedeng mawala nay, wala na nga akong tatay, mawawala ka pa?" She said in her mind.  Naramdaman niya ang pagpigil sa kaniya ni Vesta. Mainit ang katawan nito nang siya ay yakapin. Bahagya pa siyang napatigil dahil sa init ng katawan nito. "Vesta, nilalagnat ka ba?" Nag aalala niyang tanong sa kaniyang kaibigan. Agad niyang sinapo ito sa noo. "Ha? Hindi ah, hindi naman masama ang pakiramdam ko," tugon nito sa kaniya.  Hindi niya na iyon pinagtuunan pa ng pansin dahil nagpatuloy siya sa paghahanap sa kaniyang nanay. Napapasapo na siya sa kaniyang noo at nanginginig ang kaniyang mga kamay dahil sa magkahalong g**o at kaba. "Vesta pasensya kana pero umuwi ka nalang muna, hindi ko alam anong nangyayari," turan niya sa kaniyang kasama. Nahihiya siya sa kaibigan dahil hindi niya inaasahan na ito ang bubungad sa kanila pag uwi niya.  Lumunok pa muna ang kaibigan niya tsaka nagtanong. "Magiging maayos ka lang ba kung iiwan kita dito? Baka mapano ka din." Puno ng pag aalala ang boses nito, ngumiti lamang si Amory sa kaibigan para masiguro nitong magiging maayos lang siya.  "Wag ka mag alala tatawagan ko si nanay, ipapaliwanag niya sakin lahat ng ito." Sa isip isip niya ay sana nga umuwi na ang kaniyang ina. Hindi basta bastang aalis yun na ganito ang kalagayan sa bahay nila. Kaya mas lalo siyang kinabahan sa nga naiisip. Nagdadalawang isip man ay wala nang nagawa si Vesta, hinatid siya ni Amory sa labas ng kanilang bahay.  "Sorry talaga Vesta, next time nalang pasensya ka na talaga." Hinging paumanhin niya sa kaibigan. Ngumiti lamang ito sa kaniya at bahagyang tinapik ang kaniyang balikat. "No problem, sana maging maayos ka lang, happy birthday ulit," wika ng kaniyang kaibigan. Nag aalala din ito sa nangyayari sa kaniya pero wala din naman siya sa lugar para mang usisa at isa pa, wala ring alam ang kaibigan niya sa mga nangyayari. Ngumiti pa ito uli bago siya kinawayan nito. Kumaway siya pabalik sa kaibigan at tinanaw pa ito habang naglalakad ito palayo sa kanilang bahay. Bumalik ulit siya sa loob ng kanilang bahay. Ngayon ay mas ramdam na niya ang panginginig ng kanyang mga kamay. Nababahala siya dahil hindi niya alam kung saan naroon ang kaniyang ina. Ni minsan man ay wala itong naging kaaway dahil tahimik lamang ang kanyang ina at naging payapa ang pamumuhay nilang dalawa. Iniisip niyang dinukot ito ng mga masasamang loob at dinala sa malayong lugar. Makailang ulit siyang lumunok at pumunta muna sa kusina upang kumuha ng tubig para makalma ang sarili. Nakita niya ang cake na nasa ibabaw ng mesa. At meron ring masasarap na ulam na nakahanda ngunit natapon na ang mga iyon. Ramdam na niya ang pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata.  "Mama nasan kana ba," usal niya habang pinipigilan ang kaniyang paghikbi. She got her phone from her pocket and immediately dialed her mother's digits, still anxious and trying to reach her mom. Nagri-ring lamang ang telepono nito ngunit hindi ito sumasagot na mas lalong nakadagdag sa kaba niya.  She kept walking back and forth habang sapo sapo niya ang kanyang noo. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin dahil gulong g**o din siya sa mga nangyayari. Kung ano ano ng mga bagay ang pumapasok sa isip niya na mas dumadagdag pa sa kanyang kaba. A text popped from her phone at galing iyon sa nanay niya! Dali dali niya itong binuksan at binasa. "Anak alam kong mahirap ipaliwang ang lahat ng nangyayari sa ngayon pero nais kong maging matatag ka. Huwag ka munang magtanong sa kung ano mang nagyayari ngayon, malalaman mo lahat ng ito sa tamang panahon pero sa ngayon, pumunta ka muna sa kwarto ko at buksan mo ang aking vault. You'll see something inside it at kunin mo yun, itago mo at huwag kang magsabi kahit kanino. Bring all the cash with you at umalis kana dyan sa bahay natin dahil nanganganib ang buhay mo. We will not see each other for a long time pero alam kong malakas ka, we will get through this anak. Happy birthday."  Naiyak na talaga siya sa nabasa, mas dumoble ang g**o sa kanyang isip ngunit minabuti na lamang niyang sundin ang kaniyang ina. Umakyat siya sa kwarto nito at nagmamadali siyang hinalungkat ang loob ng kwarto ng kanyang ina. Hinalughog niya ito hanggang sa nakita na niya ang vault na sinasabi nito at agad niya itong nabuksan dahil alam niyang  kaarawan niya ang password na nakalagay dito.  She saw something similar to a water tumbler. It was a cylindrical  container, hindi siya sigurado kung gawa ba iyon sa stainless metal o gawa sa silver pero makinang iyon at mabigat pero hindi rin naman sobrang bigat, hindi niya muna pinagtuunan ng pansin ang iyon at dali daling inilagay sa loob ng kanyang bag.  Bahagya pa siyang napanganga nang makita ang limpak limpak na pera sa loob ng vault. Isa isa niyang nilagay ang mga iyon sa loob ng back pack niya.  Pagkatapos ay tumatakbo siyang nagtungo sa kanyang kwarto. She got every clothes in her closet and put it inside her gym bag hanggang sa napuno na iyon. Hindi niya alam pano nagkasya ang mga iyon sa kaniyang bag pero dinala lamang niya ang madalas niyang sinusuot pati narin ang mga bagay na palagi niyang ginagamit. Nagpalit narin muna siya ng damit at nagsuot ng jacket dahil malamig sa labas.  Bumaba muna siya sa kanilang kusina at tinikman ang cake na hinanda ng kaniyang nanay.  "Happy sweet sixteen anak," basa niya doon sa nakasulat sa cake. Nasira na ang kalahating design ng cake at nagkalat ang icing sa mesa. Marahil ay dulot ito ng kung ano mang g**o na nangyari kanina dito sa loob ng kanilang bahay. Naiiyak pa siya habang ngumunguya. Naisip niyang wala siyang mapapala sa pag iyak iyak niya kaya nagmamadali na siyang kumain. Hindi na niya natikman ang mga ulam na hinanda ng kaniyang nanay dahil nagmamadali na siya. Binuksan niya ang kanilang ref at naghanap ng maiinom. Kinuha niya na rin ang nga chocolate niya na naka stock sa freezer. Pagkatapos niyang uminom ng tubig ay sinara na niya ang ref at nakita niya ang litrato nilang mag ina na nakadikit gamit ang magnet. Kinuha niya iyon at maingat na inipit sa loob ng kaniyang pitaka. Dali dali siyang lumabas sa kanilang bahay habang dala dala ang kaniyang mga gamit. Palingon lingon pa siya sa paligid, feeling anxious that someone might be following her. Mabuti na lamang at medyo madilim na sa compound na tinitirhan nila. Malamig na ang simoy ng hangin kaya mabuti na lamang ay nagsuot na siya ng jacket.  Lumabas siya sa kanto at nag abang ng taxi na masasakyan.  Nang makasakay na ay pilit niyang tinatawagan ulit ang kaniyang ina ngunit hindi na nag riring ang cellphone nito. Binasa niyang muli ang huling mensahe nito sa kanya. She looked upwards to stop her tears from falling.  "This is the worst birthday ever!"  Sigaw niya sa kanyang isip. Napa buntong hininga na lamang siya at sinabi sa taxi driver kung saan siya bababa.  Dati kapag mag bi-birthday sya ay madalas silang gumala ng niyang nanay. Minsan sa mall, minsan sa amusement park, at sa mga mamahaling restaurant. Masaya nilang sini-celebrate ang kaniyang birthday kahit silang dalawa lang. Napabuntong hininga na naman siya sa kaniyang mga naiisip. Napagpasyahan niyang dumaan na muna sa isang fast food chain para kumain.  "Nandito na po tayo ma'am," Sabi ng driver. Nagbayad na lamang siya at pumasok na sa loob ng kainan.  Tahimik siyang kumakain habang naghahanap ng hotel na pwede niyang matulugan. Wala pa naman siyang kaibigan kaya wala talaga siyang pwedeng tulugan sa ngayon.  When she finished eating, she started to look tmfor a cheap hotel to spend the night with. Napapagod nadin siya dahil sa bigat ng kaniyang dinadala. She crossed the road and found a hotel nearby. Nag check in siya doon ng tatlong araw.  Nang makapasok na sa loob ng kaniyang hotel room ay binagsak ni Amory ang kanyang mga gamit at itinapon ang sarili sa malambot na kama.  The soft matress gave her a relaxing feeling. Sandaling nawala ang kaniyang mga iniisip at pagod sa katawan.  "Ni wala ngang kumanta sakin ngayon ng happy birthday," pag usap niya sa kaniyang sarili. Iniisip na niya naman ang kalagayan ng kaniyang ina.  Inabot niya ulit ang kaniyang cellphone at pilit na tinawagan ang numero ng kanyang nanay.  "The subscriber is cannot be reach please try again later-"  Iyon lamang ang paulit ulit na naririnig niya sa telepono. Napapikit na lamang siya at umusal ng panalangin na sana ay maliwanagan na siya at maging ligtas ang kaniyang ina.  Lumaki siyang walang kinikilalang tatay dahil maaga daw itong pumanaw sabi ng kaniyang ina. Kaya gayon na lamang ang kaba niya nang makitang naglaho bigla ang kaniyang nanay.  Her mind is so messed up right now and she can't even think well. She decided to give herself a shower. While letting the water soak her skin, napaisip na naman siya kung bakit ganun na lamang ang takot ng kanyang ina.  May tinatago ba ito? May hindi ba ito sinasabi sa kaniya? Anong humahabol sa kanila? Sindikato? Kaaway? Mas lalo lang siyang nagtaka at nabahala dahil naalala niyang dating pulis ang kaniyang ina ayon sa kwenti nito.  Meron ba itong nahuli dati at ngayon ay nakalaya na at may balak maghigante sa kanila? Mas lalo lang siyang napapraning sa iniisip kaya iwinaglit niya Ang lahat ng iyon sa kaniyang isipan at minabuting ipagpatuloy na ang kaniyang pagligo.  After taking a bath ay nag bihis na siya at Isa isang inayos ang kanyang mga gamit. Nakita na nya naman ang limpak limpak na pera sa loob ng kaniyang bag.  "Bakit kaya ako pinapaalis ni nanay sa bahay namin?" Tanong niya ulit sa kanyang sarili.  Inisa isa niyang bilangin ang pera at mas lalong nanlaki sa gulat ang kaniyang mata nang umabot iyon sa higit isang milyong piso.  Oh my God! Aanhin niya ang ganun kalaking halaga? Iniisip niya ang sinabi ng ina na matagal pa bago sila magkikita muli. Ano ang ibig sabihin nito?  Niligpit na niya ang lahat ng pera at napagpasyahan na ilalagay niya iyon sa bangko bukas. As if on cue, a piece of paper fell on the bed. Nakaipit iyon sa isang one thousand bill.  She opened the letter and found her mom's hand writing.  "Wag mo tong ilagay sa bangko. Maari ka nilang mahanap anak, mag iingat ka palagi"  Napansin niyang masyado nang luma ang sulat na iyon dahil nagkukulay brown na ang papel.  Napaisip na naman siya kung matagal na ba itong hinanda ng nanay niya para sa kanya? Na baka matagal na nitong alam ang mga nangyayari, na baka matagal na nitong pinaghahandaan ang pangyayaring iyon. Mas lalong gumulo ang kaniyang isipan at naisip niyang kailangan nya nang ipahinga ang kanyang utak.  She put the money back inside her back pack and saw the container again. Hindi na niya muna iyon ginalaw dahil masyado na siyang pagod.  She laid herself to bed and puts herself in a deep slumber. ______________________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD