Amory's point of view. Naglalakad ako sa gitna ng kalsada pero malabo ang lugar. Hindi ako sigurado kung kabisado ko ang lugar. Tila ba pamilyar na hindi siya sa aking isipan. Nagpatuloy ako sa paglalakad at batis kong meron akong kasama pero hindi ko makita ang mukha niya. Hindi ko rin marinig ang sinasabi niya ngunit alam kong kilala ko siya. Kilala ko ang kasama ko ngunit kahit anong pilit ko sa isip ko ay hindi ko matukoy kung sino siya. Madaming tao sa nilalakaran namin ngunit maayos lang naman ang lahat. Ngunit sa isang iglap ay bigla na lamang may pagsabog at nagkagulo na ang lahat ng mga tao. Sigawan at iyakan na ang naririnig sa paligid. Madami na ring mga sasakyan ang na disgrasya at nagambala ang traffic. Madaming kotse at ibang uri ng sasakyan ang nagka banggaan dahil

