Para kay Amory ay sobrang bagal ng naging takbo ng oras. Bagot na bagot na siya sa kaniyang klase at wala na siyang ibang ginawa kundi ang mag scribble na lamang ng kung ano ano sa kaniyang notebook.
She's so bored and she didn't pay attention to her teachers anymore. Busy lang siya kakasulat ng kahit na ano sa likod ng kaniyang notebook at minsan ay nagdodrawing pa.
"Ano yan?" Tanong ng kaniyang katabi na si Vesta.
"Wala, mga codes lang," Tugon niya rito.
"Omg marunong ka ding gumamit niyan?" Tanong ni Vesta habang bumubulong at nilapit pa ng kaunti ang mukha sa kaniya para mas makitang maigi ang kaniyang sinusulat.
"Oo, my mom was a retired police at tinuruan niya ako gumamit ng iba't ibang codes." She sighed deeply at pinagpatuloy ang pagsusulat sa kaniyang notebook.
"Eh diba mga detective yung nag aaral ng nga codes? Yun kasi ang madalas na nababasa ko sa mga books na nakikita ko," usal ni Vesta at inilayo na ang mukha sa kaniya.
"Hindi ko din alam, basta tinuruan lang ako nito ni mama. Magagamit ko daw to sa future," wika ni Amory at tila napapailing pa.
"Ikaw, marunong ka din pala mag c***k ng codes?" Tanong niya muli sa katabing si Vesta.
"Ah oo, Ewan ko ba kinahiligan ko kasi magbasa ng mga detective files at mga mystery at thrill na libro. Mga ganung genre kasi ang trip ko," tugon nito sa kaniya.
Tumango na lamang siya at hindi na muli nagsalita. Pinagpatuloy niya nalang ang pag scribble sa kaniyang notebook habang inaantay na matapos ang kanilang klase.
Nang tamadin kakasulat, nag unat muna si Amory habang nakatalikod pa ang kaniyang teacher at may sinusulat ito sa black board.
She looked at the wall clock na nakasabit sa itaas ng blackboard nila at tiningnan ang oras. Five minutes nalang at uwian na nila.
Sumandal na lamang siya sa kaniyang silya at paulit ulit na pinapa ikot ikot ang kaniyang hawak na ballpen sa kaniyang mga daliri.
Pagkatapos ng limang minuto ay saktong nag bell ang ring. Hudyat na tapos na ang klase.
"That's all for today class, Goodbye see you tomorrow," wika ng kanilang teacher habang inaayos ang dalang class record at lesson plan.
"Thank you and goodbye ma'am." The whole class said in chorus. Pagkalabas ng teacher ay napabuntong hininga na lamang si Amory at isa isang niligpit ang kaniyang mga gamit.
"Hayy sa wakas na natapos rin!" Nakita niyang nag unat din si Vesta at isa isa ring niligpit ang kaniyang mga gamit.
Kinuha na niya ang kaniyang bag at sinukbit ito sa kaniyang mga balikat. Nakita niya na patapos na rin si Vesta sa pag aayos ng mga gamit nito.
"Dadaanan muna natin si Ate Guia magpapaalam akong di ako sasabay sa kaniya, okay lang ba yun?" Tanong sa kaniya ni Vesta habang papalabas sila sa kanilang classroom.
"Oo naman walang problema," Tugon ni Amory at bahagya pang ngumiti.
"Suplada ba yung ate mo?" Hindi niya napigilang magtanong sa kaniyang kaibigan.
"HAHAHAHA madalas siyang napagkakamalang maldita pero hindi naman," usal ng kaniyang kaibigan. Nahiya naman siya dun dahil baka isipin nitong pinag iisipan niya ng masama ang pinsan nito.
"Sorry, nai-intimidate kasi ako sa kaniya," she said honestly to her friend.
"Nah, it's okay. Siguro ganun talaga ang aura niya pero tahimik na tao lang siya. Pero sumasagot naman kapag tinatanong," tugon ni Vesta sa kaniya.
Tumango na lamang siya sa sinabi Ng kaibigan at sabay silang naglalakad sa hallway ng school. Madaming sumasakay sa elevator kaya minabuti na lamang nilang gamitin ang hagdan, hindi naman iyon masyadong nakakapagod dahil pababa naman sila.
Dumating na sila sa faculty room at hinahanap nila si ma'am Plarisan. Hindi nila ito nakita sa loob kaya naman nagtanong sila sa mga teachers na nadoon sa loob.
"Good afternoon po ma'am, andito po ba si ma'am Plarisan?" Tanong ni Vesta sa teacher na hindi niya kilala.
"Ah, nauna na ata eh baka nasa parking lot na nag aantay sayo," tugon naman nung teacher sa kaniyang kaibigan.
"Ah, ganun po ba, sige po salamat." Ngumiti pa muna si Vesta pagkatapos ay marahang sinara ang pinto ng faculty room.
"Wala na raw doon si ate, baka nandun na talaga sa parking lot, tara punta na tayo dun." Aya sa kaniya ng kaibigan.
Tumango na lamang siya at sumunod kay Vesta dahil hindi niya naman alam kung saan ang parking lot dahil baguhan pa siya rito.
Napahinto siya nang makitang napahinto rin si Vesta sa kanilang paglalakad.
"Oh bakit?" Nagtataka niyang tanong sa kaibigan. Tulala lamang ito at unti unting pumupula ang mag kabilang pisngi.
"A-ang gwapo ni Aenon." Wala sa sariling nasabi ni Vesta habang naka tulala padin.
Napakamot ng ulo si Amory habang sinusundan ng tingin kung saan nakatingin ang kaniyang kaibigan. Doon niya napagtanto na nakatingin pala ito sa crush nitong si Aenon. Papasok ito sa loob ng pool area ng school at naka swim wear ang pang ibaba nito at walang suot na kahit ano pang itaas maliban nalang sa tuwalya na nakasabit sa magkabilang balikat nito.
"Aaacckkk! Ang pogi niyyaaa omg Ang tambok ng pwet niya HAHAHAHAH."
Nagulat siya nang biglang sumigaw ang kaniyang kaibigan at para itong tanga na nag tatalon talon sa kanilang tinatayuan.
"Uy maghunos dili ka nga, maraming nakatingin!" Natataranta niyang suway sa kaniyang kaibigan.
"Ano ka ba! Wala akong pake HAHAHAHA hayys I'm sure magiging masarap ang tulog ko mamayang gabi!" Sabi ni Vesta habang kinikilig parin ito.
"Halika na nga, lagot ako kay ate kanina pa nag aantay yun," usal ng kaniyang kaibigan at marahang hinila pa ang kaniyang mga braso.
Napailing na lamang si Amory at natatawa pa sa inasta ng kaniyang kaibigan. Para itong bata kung matuwa. Naiisip niya na baka first time nitong magka crush kaya siguro ganun na lamang ang epekto ng simpleng pagkakita nito sa binata.
Lumiko sila at narating na nila ang parking lot. Hinanap ni Vesta ang kotse ng kaniyang pinsan at hinila palapit doon sa isang sasakyan. Huminto sila sa harap ng isang puting Ford Raptor.
"Mayaman nga ata talaga sila kasi bagong bili ang sasakyan," usal ni Amory sa sarili.
Kinatok ni Vesta ang bintana sa driver's seat at agad namang may nagbaba ng bintana. Bahagyang nahiya si Amory kaya humalukipkip siya sa likuran ng kaniyang kaibigan.
"Ate, magpapaalam sana ako-" naputol ang pagsasalita ni Vesta nang biglang sumabat si ma'am Plarisan.
"Pumasok muna kayo sa loob dahil baka masagasaan kayo diyan," wika nito sa mahinang boses.
Tinignan lamang siya ni Vesta at sinenyasan na pumasok sa loob ng sasakyan. Nahihiya man ay binuksan na lamang ni Amory ang pinto ng back seat at tahimik na umupo doon. Ramdam niya pa ang mga titig ni ma'am Plarisan sa kaniya sa rear view mirror.
"Good afternoon po ma'am Plarisan," bati ni Amory sa kaniyang guro at bahagya pang napayuko. Tinanguan lamang siya nito at binalik Kay Vesta ang tingin.
"Ano nga ulit ang sasabihin mo sa akin?" Tanong nito sa kaniyang pinsan.
"Ah ate, magpapaalam sana ako na di ako nakakasabay sayo ngayon. Si Amory kasi, naghahanap siya ng pansamantalang matutuluyan at sinabi kong pwede siya sa bahay, sasamahan ko sana siyang kunin ang mga gamit niya sa hotel na tinutuluyan niya ngayon." Mahabang paliwanag ng kaibigan niya sa pinsan nito.
"K-kung hindi po pwede okay lang po," sabat ni Amory at nahihiya pang napakamot sa kaniyang batok.
"Hindi, ayos lang. Bahay naman nila Vesta yun at may karapatan siya kung sino ang papatuluyin niya, mas mabuti rin yung may kasama siya para di madalas nasusunog ang mga luto niya," sagot ni ma'am Plarisan at nakita niya pa ang mga pilyong ngiti nito.
Nakahinga naman siya ng maluwag dahil wala na siyang po-problemahin sa kaniyang tutuluyan.
"Ate naman eh! Nakakahiya wag mo nga akong binibisto," maktol ng kaibigan niya sa pinsan nito.
"Wag ka mag alala Vesta, marunong akong magluto kaya saved kana sa pagluluto HAHAHA." Mahina siyang natawa sa kaniyang kaibigan.
"O sya, saan ba ang hotel yan at ihahatid ko kayo papunta roon, hanggang doon ko lang kayo pwedeng ihatid dahil may ibang lakad pa akong pupuntahan," tanong ni ma'am Plarisan habang pinapaandar ang sasakyan.
"Diyan lang po sa malapit ma'am, ituturo ko nalang po ang daan," tugon niya sa kaniyang guro.
"Wag kana mag ma'am sa akin, ate nalang dahil wala na tayo sa loob ng school," usal nito at tinignan siya muli sa rear mirror.
"Okay po," sabi niya.
Naging tahimik lang ang byahe nila at nagsasalita lamang siya kapag magbibigay siya ng direksyon sa guro.
Ilang minuto lang ay dumating na sila at huminto sa tapat ng hotel na kaniyang tinutuluyan. Tinanggal niya ang kaniyang seat belt at inayos pa ang kaniyang mga gamit.
"Salamat ate! Kita nalang tayo bukas," usal ni Vesta at humalik pa sa pisngi ng pinsan.
"Salamat din po ng marami," usal niya sa guro.
"You're welcome Amory, mag iingat kayo palagi," tugon nito at tumango naman siya. Bumaba na siya at sinara ang pinto. Kumaway pa muna silang dalawa bago pinaandar muli ni ma'am Plarisan ang sasakyan at naglakad papalayo.
Pagkatapos niyon ay agad na silang pumasok sa loob ng hotel at sinalubong sila ng malamig na hangin na binubuga ng aircon.
"Vesta, dito ka nalang sa lobby mag antay, saglit lang ako kukunin ko lang nga gamit ko," sabi niya sa kaibigan.
"Sure kaba? Baka mabigatan ka," wika nito sa kaniya.
"Hindi yan, hindi naman madami ang gamit ko at tsaka may elevator naman wag ka mag alala." Paninigurado niya sa kaibigan.
Tumango na lamang ang kaibigan niyang si Vesta at umupo sa waiting area ng lobby, habang siya naman ay tumayo sa harap ng elevator at nag antay na bumukas ito.
Ilang segundo lang ay bumukas ito at agad na siyang pumasok. Pinindot niya ang numero ng floor na kaniyang pupuntahan.
Nang makarating na sa kaniyang floor ay agad na lumabas si Amory sa elevator. Habang naglalakad papunta sa kaniyang hotel room ay hinalughog niya ang kaniyang bag para hanapin ang kaniyang susi. Nang makita niya ito ay sakto namang nasa harap na siya ng kaniyang silid.
Binuksan niya iyon at agad na inayos ang kaniyang mga gamit. Tiningnan niya pa muli ang buong kwarto at tinignan kung may nakalimutan ba siyang dalhin.
Nang makita niyang wala na siyang naiwan ay sinara na niya ang pinto ng kaniyang silid at naglalakad pabalik sa elevator na nasa dulo ng hallway.
Agad ding bumukas iyon at may nakita siyang lalaki na hindi gaanong katanda. Siguro ay nasa early 50's na iyon at mukhang tatay. Tahimik lamang siyang pumasok at tumabi sa matandang lalaki, pinindot niya na rin kung sa anong floor siya bababa.
Nakayuko lamang siya habang hinihintay na umabot iyon sa floor na bababaan niya. Tumigil ang elevator sa second floor at lumabas ang matandang lalaki. Papasara na pinto ng elevator nang mapansin niya na may nahulog na sobre yung matanda.
"Nahulog niyo po-" huli na ang lahat dahil tuluyan nang nagsara ang pinto ng elevator.
Napatingin na lamang siya sa sobre at nagkibit balikat, napagpasyahan niyang ilagay nalang iyon sa loob ng bulsa niya.
Bumukas na ang pinto ng elevator at nasa ground floor na siya. Nakita na niya si Vesta na kumakaway habang nakaupo sa waiting area. Kumaway din siya pabalik sa kaibigan at saka dumeretso sa front desk. Nag check out lang siya at ibinalik ang susi doon, pagkatapos ay lumapit na siya sa kaibigan.
"Ano okay na?" Nakangiting bungad sa kaniya ni Vesta.
"Oo okay na, halika na." Ngumiti lang din siya sa kaibigan at nagsimula na silang maglakad palabas ng hotel.
"Vesta, gusto mo bang mag meryenda? Libre ko," tanong niya sa kaibigan. Plano niyang ilibre ito ngayon dahil sa kabaitan nito.
"Talaga ba?! Sure! HAHAHA I take out nalang natin tapos doon natin sa bahay kainin para di tayo mabagot," sabi ni Vesta na parang batang natutuwa.
"Okay sige!" Sabi niya at inaya ang kaibigan. Yellow cab ang pinakamalapit na fast food sa kanila kaya doon na lamang sila dumeretso. Nag order lang sila ng dalawang box ng pizza at pasta na rin at dalawang litro ng softdrinks. Pagkatapos nun ay nag abang na sila ng taxi na pwede nilang masakyan pauwi.
______________________________________