Capitulum 5

2059 Words
"Manong, dun po kami sa panghuling subdivision hinto ka po saglit sa may guardhouse dahil magtatanong sila kung sino po kayo dahil walang sticker ng subdivision ang taxi niyo," sabi ni Vesta sa driver. "Sige po ma'am," tugon naman nito.  Lumiko na ang taxi sa subdivision na sinasabi ni Vesta at tama nga ito, hinarang ng mga guard ang taxi. Agad namang binaba ng driver ang bintana ng kaniyang taxi.  "Sir saan po ang punta nyo, wala po kayong sticker ng subdivision," tanong nung guard.  Agad namang binaba ni Vesta ang bintana sa gilid niya at dumungaw palabas para makita rin siya ng guard. "Kuyang guard, ako po to si Vesta, di kasi ako sumabay kay ate eh." Nahihiya pang napakamot ng batok si Vesta.  Ngumiti naman ang guard at tumango sa kaniya.  "Sige sir pwede na kayo pumasok," sabi ng guard sa taxi driver at bahagya pa nitong tinapik ang bubong ng sasakyan.  The taxi driver continued to drive inside the subdivision and Amory was in awe when she saw the huge houses on each sides as they continue to drive inside the subdivision.  "Grabe puro mamayaman ata talaga mga nakatira dito," turan niya sa kaniyang isipan. "Dun po kami bababa sa may black na gate na may gold lining po, yung may mailbox sa labas," sabi ni  Vesta sa driver at tinuturo pa ang malaking gate sa kanan. Huminto na ang taxi at inayos na Amory ang pagkakasabit ng kaniyang bag sa kaniyang balikat at isa isang binitbit ang iba pang bag na may laman na mga gamit niya.  "Amory ako na magbabayad since ikaw na bumili sa foods." Presenta ng kaibigan niyang si Vesta na hawak hawak ang pinamili nilang foods at agad na kumuha ng pamasahe sa wallet nito.  "Naku nakakahiya naman," usal niya pa sa kaibigan pero wala na siyang nagawa dahil inabot na nito ang bayad sa driver.  "Halika na," sabi ni Vesta at ngumiti pa sa kaibigan. Huminto muna sila sa tapat ng gate dahil hinahanap pa ng kaniyang kaibigan ang susi. Nang makita na ni Vesta ang susi ay agad niyang ni-unlock ang padlock na nasa gate.  "Wala ba kayong katulong?" Usisa ni Amory sa kaniyang kaibigan dahil napansin niyang walang nagbukas ng gate. "Meron dati, kaso ninakawan kami eh kaya hindi na kami nag hire ulit. Mas okay na rin yun para matuto ako mag isa." Nabuksan na nila ang gate at nagsimula na silang pumasok sa loob.  Tumango lamang si Amory habang tinatanaw ang paligid. She was once amazed by the beautiful landscape inside. Maganda ang garden nito and the exterior designs of the house is quite nice too.  "Ang laki ng bahay niyo tapos mag isa ka lang, hindi kaba nalulungkot?" Tanong niyang muli sa kaibigan.  "Madalas, pero minsan maganda rin sa pakiramdam na mag isa ka kasi may inner peace HAHAHA malaya akong magsigaw sigaw dahil wala rin namang magagalit." Natatawa pa ang kaniyang kaibigan at bahagya pa itong umiiling habang binubuksan ang pinto.  Nang bumukas iyon ay mas lalo pang humanga si Amory sa kaniyang nakita. The color palette of the house consists the color of ebony black, flat white, and light beige. The ambiance of the house is too peaceful at nanakaw din ang attention niya sa mga naglalakihang chandelier na nakasabit sa high ceiling ng bahay the whole house is well lit. The house is surrounded by expensive paintings hanging on the walls as decorations at meron ding mga antique na collections na nakalagay pa sa mga glass shelves. The house is big but it feels empty. Naawa siya sa kaibigan niya dahil sobrang laki ng bahay nila pero mag isa naman ito. "Ang laki naman pala ng bahay niyo Vesta, bat hindi nalang din dito tumira yung ate mo para di kana malungkot?" Tanong nito ulit habang nilalapag ang bag sa mamahaling couch sa living room.  "Naku ayoko nga, minu minuto ako pinag aaral nun tsaka palagi ako pinapagalitan kapag buong araw ako nanunuod ng tv. Mas okay na tong mag isa ako walang nagsasabi kung anong bawal at hindi" bahagya pang tumawa ang kaniyang kaibigan habang binagsak ang katawan nito sa malambot na couch at tamad na hinubad ang sapatos gamit ang mga paa nito.  "Di bale di kana mag isa ngayon, may kasama kana kaya di kana malulungkot," usal niya sa kaibigan at umupo rin sa pang isahang couch. Hinubad niya rin ang kaniyang sapatos at medyas.  "Ang sweet mo naman Amory hahaha," usal ng kaibigan at sabay silang pumikit habang sinasandal ang kanilang mga likod sa sandalan ng couch. "Teka kunan pala kita ng tsinelas tsaka ihahanda ko nadin tong pinamili natin," sabi ni Vesta kaya bahagya siyang napamulat at umayos sa pagkakaupo nang magsalita ito at tumayo.  "Nako sasamahan na kita nakakahiya naman, tutulong na din ako." Agad siyang tumayo at sumunod sa kaibigan.  Kinuha niya ang dalawang box ng pizza at pasta habang si Vesta naman ay dala ang dalawang litro ng soft drinks. Nagtungo sila sa kusina at sa isang gilid ay may nakita siyang rack ng mga tsinelas.  "Pumili ka nalang diyan Amory kung san ka komportable," sabi ng kaniyang kaibigan.  Napalunok siya nang makita ang mga tsinelas. Sobrang yaman ata talaga ng kaibigan niya dahil kahit sa tsinelas ay branded ang mga ito. Kinuha na niya lamang ang kulay pink na Nike kasi iyon ang sa tingin niyang kakasya sa kaniya. Maingat niya iyong isinuot dahil natatakot siyang madumihan ito.  Nang matapos niya itong suotin ay nakita niya ang kaibigan niyang inaayos ang mga pagkaing binili nila sa counter ng kitchen.  "Amory, sasamahan muna kita sa kwarto mo para ma arrange mo ang mga gamit mo at makaligo kana para pagkatapos, kakain at manonood nalang tayo ng movie," usal ng kaibigan niya. "Hmm sige," turan niya dito at bahagya pang ngumiti.  Bumalik siya doon sa living room at isa isang kinuha ang nga bag niya na pinaglalagyan niya ng mga gamit. Sumunod lamang siya dito at umakyat sila sa hagdan para makapunta sa ikalawang palapag ng bahay.  Humanga na naman siya sa ganda nito dahil napakapulido ng pagkakagawa ng mga desinyo sa lahat ng sulok. Malinis din ang buong paligid at wala kang makikitang alikabok. Tanaw niya ang naglalakihang glass window sa living room ng second floor. Nakita niya pang may swimming pool pala ito sa likurang bahagi ng bahay.  Sumunod lamang siya sa kaibigang si Vesta nang dumiretso ito sa isang hallway. Huminto ito sa ikalawang kwarto sa kaliwa.  Pinihit nito ang door knob at mas lalo siyang humanga sa laki ng kwarto nito.  "Ito yung guest room namin Amory, dito ka nalang muna pansamantalan hanggang sa bumalik na ang nanay mo," usal nito sa kaniya at mas niluwagan pa ang pagkakabukas ng pinto.  Nahiya siya sa laki nito, meron itong queen sized bed at may built in closet sa gilid. Meron din itong vanity mirror at sariling cr sa loob.  "Naku, ang laki naman nakakahiya Vesta wala ba kayong mas maliit na kwarto kesa dito?" Napalunok pa siya habang nagtatanong.  "Ano ka ba, wag kana nga mahiya feel at home okay?" Bahagya pa nitong tinapik ang mga balikat niya.  "Magkano yung renta ko dito?" Tanong niya sa kaibigan.  "Hmm magkano ba madalas ang renta sa mga bed space at boarding house? 1000? 1,500? Ah ewan," usal nito.  "3,000. Yan ang ibabayad ko sayo kasi nakakahiya naman talaga sayo Vesta, napakalaking pabor na nito sa akin." nahihiya niya pang sabi sa kaibigan. "Ikaw bahala Amory. Sige na iiwan muna kita at magbibihis din ako. Bumaba ka nalang kapag tapos kana ah?" Paalam ng kaibigan niya at tinapik muna siya sa balikat bago ito lumabas ng kwarto.  Napabuntong hininga na naman siya ulit. Nahihiya padin siya dahil napakalaking pabor na ito para sa kaniya. Binagsak niya ang kaniyang mga gamit at isa isang kinuha ang mga laman nito para ilagay sa loob ng closet. Inuna niyang ilagay ay mga cash sa loob ng closet at plano itong takpan ng mga damit para hindi mahalata.   Nakita niya rin ang cryptex na bilin ng kaniyang nanay at nilagay niya rin iyon sa loob dahil balak niyang buksan iyon mamaya.  Nang matapos na siyang magligpit ng mga gamit ay napagpasyahan na niyang maligo. She let the water soak her whole body, savoring the feeling of relaxation. Napansin niya ang mga mamahaling bath essentials na nadoon na sa loob ng shower room, nakahanda na ata talaga yun kung sakaling may nga bisita na gagamit. Sandali lang ang kaniyang pagligo, kinuha niya ang bath robe na nakasabit at pinupulot iyon sa katawan niya, pagkatapos ay nagsipilyo na siya at bumalik sa kwarto. Nagsuot lamang siya ng terno na kulay pink na pantulog pagtapos ay tinuyo na niya ang kaniyang buhok at nagsuklay. Bumaba na siya at nakita niya si Vesta na hinahanda na sa center table ng living room ang nga pagkain nila.  "Uy tapos kana pala, halika na hinanda ko na mga kakainin natin." Aya sa kaniya ni Vesta at agad naman siyang lumapit doon at umupo sa pang isahang couch.  "Anong panonoorin natin?" Tanong niya sa kaibigan. "Okay na ba yung Harry Potter? Pinaka favorite ko talaga yun eh, ewan ko bat di ako nagsasasawa dun ang gwapo naman kasi ni Daniel Radcliffe eh aaacckkk!" Natawa siya sa inasta ng kaibigan dahil niyayakap pa nito ang sarili at parang kinikilig.  "Sige lang," usal niya dito. Nagsimula na ang palabas at tahimik lamang silang dalawa. Naka focus lamang siya sa palabas at paminsan minsa'y kukuha ng pagkain at sa mesa at iinom ng soft drinks. Wala na silang plano mag dinner dahil nabubusog na sila sa mga kinakain nila habang nanonood. Nasa kalagitnaan na sila ng palabas nang biglang nagtanong si Vesta sa kaniya.  "Ikaw Amory, naniniwala ka ba sa mga super powers?" Her eyes looks solemn kaya batid niyang hindi nagbibiro ang kaniyang kaibigan. "Hmm, may part sakin na naniniwala kasi madami pa namang mysteryo ang mundo, madami pa tayong hindi alam. Pero may parte din sakin na hindi naniniwala dahil wala pa naman akong taong nakikitang may kapangyarihan. Sabi nga nila to see is to believe," Sabi niya rito at napa kibit balikat na lamang sa sinabi.  "Sabagay may point ka rin, pero ako kung papipiliin ako gusto ko ng super powers para madami akong matulungan." Madamdaming sabi ng kaniyang kaibigan at binalik na ang attensyon sa pinapanood.  Amory just chuckled and shake her head a little. Her friend seems solemn about having powers. Sa tingin niya ay napaka inosente pa nito dahil nga madalas ito mag isa.  Makalipas ang ilang oras ay natapos na nila ang kanilang pinapanood at napagpasyahan na nilang matulog. Bago sila umakyat ay nag presenta muna si Amory na hugasan ang mga pinagkainan nila at hinayaan na lamang siya ng kaibigan at nauna na itong umakyat.  Pagkatapos niyang maghugas ay pumanhik na rin siya sa itaas. Nagtungo na siya sa kwarto niya at nag lock ng pinto at agad na humilata sa kama. Nakatulala lamang siya sa kisame nang maisip na naman niya ang cryptex. "Saka ko na ide-decode yun dahil wala pa ako sa kondisyon tatamarin lang ako," usal niya sa kaniyang isipan.  Bumalik na naman siya sa pagkatulala nang maisip niyang muli ang matanda na nakasabay niya kanina elevator ng hotel. May nahulog na sobre yung matanda at nilagay niya iyon sa bulsa ng kaniyang skirt.  She got up from her bed and checked her skirt pocket. Nakita niyang nandun padin ang sobre.  She examined it, and it was a scented paper with a gold lining. She scan the whole envelope hoping to see an address or a contact number para maisauli niya iyon pero wala siyang makita dahil blangko talaga iyon. Alam niyang mali ang bumasa ng sulat ng iba pero parang may kung anong enerhiya ang nag udyok sa kaniya na buksan ang sobre. Nagdadalawang isip pa siya dahil alam niyang invasion of privacy iyon at hindi niya rin kilala ang may ari ng sobre na iyon pero nagbabasakali siyang may makuhang address sa loob noon.  Maingat niyang binuksan ang sobre at nakita niya ang puting papel sa loob. Kinuha niya iyon at maingat ring binuksan at wala siyang ibang nakita kundi isang maikling sulat lamang na naka sulat sa lenggwaheng latin.  "Posce animum nunc huc conferre vi particulis dono mihi datum mihi est summa similitudo fortissimi." She read every words clearly and carefully and in just a snap of second, she's starting to feel excruciating pain all over her head and veins. It feels like a strong bolt of electricity is running in her every veins and bloodstream.  "Aahhhhh!" Sigaw ni Amory habang sapo sapo ang kaniyang ulo. Nabitawan niya ang kaniyang hinahawakang sobre at pinipilit na makabalik sa kama. Her breathing became fast and the moment she felt the softness of her bed, she lost all her consciousness. ______________________________________ 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD