bc

Death Week

book_age18+
13
FOLLOW
1K
READ
revenge
love-triangle
small town
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Seven young people will test their skills for their school's road trip.But they don't know that there is an unexpected disaster.Unexpected?Is it even impossible?What happened to everyone?Ho is the real killer?

chap-preview
Free preview
Road Trip
Miracle Point Of View 4:30 AM Nakatitig ako sa aking bagahe na nakapatong sa higaan ko. Isang oras na ang nakalipas ngunit hanggang ngayon ay 'di pa rin ako sigurado sa magiging disesyon ko dahil natatakot ako sa magiging kahinatnan ng disesyon ko. Ayaw ko silang masaktan, "Walang mangyayari kung titigan mo lang ang gamit mo," Nbaling ko ang paningin sa likuran ko na kung saan bumungad sa akin ang nakakunot na noo ni Ara. Nasa harapan ko na siya, Anong gagawin ko? "K-kasama ba talaga ako?" Gusto kung matawa sa sarili ko dahil sa pagkautal ko na halata namang kinakabahan ako sa kaharap ko. Tumaas naman ang kilay ng kaharap ko,"sa tingin mo ba ay iiwanan kita dito?" Ngumuso naman ako dahil sa pagiging maarte ng kaharap ko sa akin. Hindi siya ganito sa akin e, "Bakit kasi kailangan na iwan natin ang San Pablo? Samantalang dito na tayo lumaki kaya nagtataka lang ako kung bakit kailangan na umalis tayo sa lugar na ito." "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina na dahil nga sa school na papasukan natin, pero bago tayo makapasok sa school ay kailangan na puntahan natin ang Desiro." "Malayo ba kasi ang Desiro na 'yan?" Nilingon ko ang damit ko sa kama at ang iba ay nasa maleta ko na bago binalik ko ang paningin sa kuasap. "Bakit kailangan natin na ganito kadami ang gamit na dalhin natin." Turo ko sa mga damit ko. "Parang 'di na tayo babalik dito San Pablo dahil lahat ng damit ko ay dala ko." Dugtong ko. "Hindi ko sigurado," Natahimik naman ako dahil sa sinabi niya. "Ha? Paano nangyari iyon?" Ako naman ang nakakunot ang noo ngayon sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin bago umiling,"nasa sayo na kung sasama ka ba o hindi." Tumayo siya sa pagkakaupo sa kama ko bago umalis. Nasundan ko nalang siya ng tingin hanggang sa maisara niya ang pinto. Bakit gano'n? Napahilot nalang ako ng sintido ko bago ibinalik ang paningin sa maleta ko. Kailangan ko na magkaroon ng disesyon dahil hindi ako papayag na walang gawin, maganda kung sasama ako sa kanya at isa pa wala namang masama kung gagawin ko ang bagay na alam kung tama. "Iyon ang gusto niya, wala naman akong magagawa." Huminto naman ako sa paglalakad paibaba ng hagdan ng marinig ko ang boses ni Ara. Sinong kausap niya? Iniwan ko muna ang maletang hawak ko para tumingin sa baba para malaman kung sino ang kausap ni Ara. Bumunga sa akin ang maaliwalas na mukha ng lalaki dahil mahahalata naman sa buong katawan nito na bagong ligo ito at ang puting t-shirt na suot niya ay bumabagay sa ganda ng anyang pangangatawan kaya kahit ata nakatalikod nag lalaking ito ay makikilala dahil sa maginoong tayo niya na halatang magalang, ngunit an katutuhanan na 'pa nilapitan mo siya ay do'n mo lang makikita ang totoong pagkatao niya. "Sigurado naman ako na babago pa ang isip no'n," Cedric, anong ginagawa niya dito? "Imposible ang sinasabi mo," "Kausapin mo kaya ulit?" "Hayaan nalang natin ang disesyon niya dahil nakakasiguro ako na ayaw niya lang na may mga makikitang bagong mukha sa paligid niya." "Nandito nga tayo para tulungan siya na subukan ang sarili niya na lumabas ng bahay." "Hindi nga natin siya matutulungan kung siya mismo ay ayaw niyang subukan," "Napapagod ka na ba sa kanya?" Nakita ko naman ang bahagyang pagkagulat sa mukha niya dahil sa tanong ni Cedric sa kanya. Pero tumaas rin ang kilay ni Ara,"siyempre hindi." "Kaya nga, tulungan natin siya." "Edi ikaw ang kumausap sa kanya," Nabaling ko ang paningin sa maleta ni Ara na nasa tapat na ng pintuan. Aalis talaga siya, umayos ako ng tayo bago nilingon ang gamit ko. "Miracle ija,"nabaling ko ang paningin sa dulo ng corridor at nakangiting mukha ni Nanay Iva ang nakita ko. Lumapit siya sa akin bago huminto ng tuluyan na siyang makalapit sa akin. "Ayos lang ba sayo na sumama ka kay Ara?" Tanong nito. Naibaba ko naman ang tingin ko sa sahig,"nagdadalawang isip pa po kasi ako." Naangat ko ang tingin ko sa kanya ng hawakan niya ang balikat ko na nakangiti,"naiintindihan ko naman ang gusto mo dahil alam ko na minahal mo na ang lugar na ito." "N-nay..." "Pero Miracle, mas maganda na makita mo ang labas ng bahay na ito." "Natatakot po ako," Humakbang siya at niyakap ako ng marahan,"hindi mo kailangan na matakot lalo na't makakatulong iyon sayo 'pag umalis ka dito." "Magiging masaya po ba ako?" "Malalaman mo lang iyan kung susubukan mo," Napakamot ako ng ulo habang nakatingin sa kanya, nakangiti kung nilingon ang maleta ko at kinuha ito. "Sasama na po ako," Ngumiti siya sa akin,"sana bumalik na ang ala-ala mo kapag makalabas ka n bahay." "Sana nga po," Bumaba na ako ng hagdan at bumungad sa akin ang gulat sa mukha ng dalawa ng malingunan nila akong paibaba ng hagdan. Unang lumapit sa akin si Cedric na nakangiti sa akin. "Sasama ka na?" Masiglang tanong niya sa akin. Ngumiti ako ng tipid sa kanya,"wala namang masama kung sasama ako 'di ba?" Kita ko naman sa kislap ng magandang mata niya ang tuwa dahil sa sinabi ko pero 'di ko lang inaasahan ang ginawa niya sa akin na biglang pagyakap kaya napatingin ako kay Ara na nakakunot ang noo na nakatingin sa aming dalawa ni Cedric. "Masaya ako na sasama ka,"bulong niya sa akin at siya na mismo ang naunang bumitaw sa pagyayakap sa akin. Ganoon ba matuwa ang mga ibang tao na walang pasabi na yayakap bigla? Naibalik ko sa kanya ang paningin ko. "Tayong tatlo lang ba ang pupunta?" Nilingon ni Cedric si Ara kaya napatingin rin ako, tinaasan niya lang kaming dalawa ng kilay bago kumunot ang noo niya. Ibinaling niya ang tingin kay Cedric na katabi ko na. "Ikaw ang nagplano 'di ba? Bakit sa akin ka nakatingin, ipaliwanag mo sa kanya ng malaman niya ang lahat para malaman ko kung sasama pa siya o hindi." Ngumisi ito pero na kay Cedric parin ang pangin niya. Pakiramdam ko ay 'di ko magugustuhan ang sasabihin ni Cedric sa akin, napalunok naman ako dahil sa pumasok sa isip ko. Sana hindi, "Actually buko sa pinsan ko at kasama nito ang kaibigan niya kaya naisipan ko na isama din ang mga kaibigan ko." "Ilan tayo lahat?" "Walo,"nabaling ko ang tingin kay Ara. "Tama si Ara, Miracle kaya naman kailangan na natin umalis para pumunta sa bahay." Napatingin ako kay Ara ng lumapit siya sa akin dala ang maleta niya at hinaakan ang kamay ko. "Tara na?" Ngumiti siya sa akin para matuwa naman ako dahil 'di siya galit sa akin. "Hindi ka na galit sa akin?" Tinaasan niya ako ng kilay,"asa ka." Bagsak ang balikat ko ng lumayo siya sa akin at iniwan kaming dalawa ni Cedric sa loob ng bahay. Nasundan ko nalang ng tingin si Ara hanggang sa isara niya ang pintuan ng bahay. "Ayos lang iyan, sigurado ako na 'di ka niya matitiis at kakausapin ka rin no'n." Ngumuso ako na tiningnan siya,"sa tingin mo?" Kinuha niya sa akin ang maleta ko,"oo naman." Ngumiti nalang ako sa kanya at sabay kaming naglakad palapit sa pintuan ng bahay. ༒︎ DAY 1 Nagtataka kong tiningnan si Cedric na nakangiti sa akin. "Bus ang sasakyan natin?" Tanong ko sa kanya habang ang paningin ko ay nasa harapan ko. Lumapit siya sa akin at tinapik ang balikat ko ng nasa gilid ko na siya. "Nasa loob na sila," Nasundan ko siya ng tingin ng mauna siya sa akin. "Silang lima ang makakasama natin,"tinuro ni Cedric ang isang babae na nakatingin lang sa akin ng makaakyat ako sa bus. "Siya si Elisha, pinsan ko." Paliwanag ni Cedric ng ibalik ko ulit ang paningin sa babae ay tumaas ang kilay nito. Ibinaling ko naman ang paningin ko sa iba na nakatingin sa akin. "Boys, si Miracle. Kaibigan ko, miracle mga kaibigan ko sina Raphael. "Turo niya sa maliit na lalaki na nakangiting nakatingin sa akin. Tumayo ito sa pagkakaupo kaya bahagyang humakbang naman ako paatras na nakita niya naman. "Pasensya na,"kumamot siya ng ulo at bumalik sa upuan niya. Binalingan ko si Cedric para sa sunod na lalaking ipapakilala niya sa akin. "Siya naman si Ethan,"nabaling ko ang paningin sa katabi ni Raphael. Tumango lang ito sa akin kaya gano'n din ang ginawa ko. "Iyong isang lalaki naman na do'n sa dulo,'yon si Green." Bahagya naman akong nagulat dahil sa matalim nitong tingin sa akin pero parang may kakaiba sa titig niya sa akin. O ako lang ang nag-iisip no'n, "Hi miracle,"lumingon ako sa gilid ko at nakangiting mukha ng isang babae ang bumungad sa akin. "I'm sorry dahil inuna ni Cedric ipakilala ang mga kaibigan niya kaysa sa akin. By the way I'm Daisy, Elisha's friend." Napatango naman agad ako at nag-aalangan na tumingin kay Ara na halatang pinipigilan na matawa sa gilid. Inalis ko nalang ang tingin ko sa kanya dahil halata namang nasasayahan siya sa nangyayari sa akin. Sana 'di maging maingay sa byahe, Sana wala talaga, Naging panatag ang loob ko ng makalipas na dalawang oras na byahe ay naging maayos ako dahil lahat sila ay may kanya-kanyang ginagawa. Maliban sa katabi ko "Pumayag ka naman oh," "Ayoko." "Minsan lang naman akong humingi ng favor sayo," "Grabe lang naman." Ngumuso naman ito,"ang cute kasi no'ng guy." Sabi niya. Sinundan ko naman ang tingin niya at bahagyang nagulat ako ng makita kung nakatingin din ito sa kinauupuan namin kaya agad kong binalik ang paningin sa bintana. Mapapahawak ako dahil sa katabi ko na'to, baka tuloy isipin ni Raphael na siya ang tinitingnan ko. Pero parang kilala ko rin siya talaga,pero imposible naman "Weird," "Ha?" Nabaling ko ang paningin sa katabi ko,"ha?" "Anong ha?! Tss ano bang sinasabi mo d'yan?" Kumunot naman ang noo ko. "Ano bang pinagsasabi mo d'yan?" "Alam mo 'di kita maintindihan, anong sinasabi mong weird?" Anak ng...nasabi ko 'yon? Bwisit naman "Ah,wala hehehe." "Nababaliw ka na 'ata e,"iiling-iling na sabi niya bago lumingon ulit sa likuran. Mapapahamak ka talaga kapag may kaibigan kang adik sa lalaki. Takot naman kapag niligawan Kumunot ang noo ko ng huminto ang sinasakyan naming bus, binalingan ko ng tingin ang nagmamaneho. Bago tiningan si Cedric na nasa unahan ko kaya agad ko itong kinalabit na agad naman itong tumingin sa akin na may bahid ng pag-aalala. "Bakit huminto?" Nagtataka kong tanong kay Cedric. Pero wala akong nakuhang sagot dahil ang atensyon nito ay nasa unahan. Anong nangyari sa kanya? Akmang itatabingi ko ang ulo para masilip ko ang unahan ng hawakan ng katabi ang kamay ko na nakapatong sa hita ko. "Please, Miracle. 'Wag kang gumalaw,"nagmamakaawang bulong nito sa akin. Kapansin-pansin din na ang mga luhang nagbabadyang bumagsak sa pisngi ni Ara. "Anong nangyayari ba sayo Ara?!" Lumingon ako sa unahan at nakangising matandang lalaki ang lumalakad papunta sa amin, dahan-dahang umahon sa akin ang kaba ng makita ko ang hawak nitong mahabang baril na nakatutok sa amin. "Sino kayo at anong ginagawa ninyo sa lugar na'to?" Nakaramdam naman ako ng kilabot sa matanda ng magsalita ito matapos na huminto ito sa pintuan ng sasakyan. Sa pananalita nito ay parang binabalaan niya kami. Sino siya? Anong ginagawa niya sa lugar na ganito? "Mga estudyante ho kami. Pupunta ho kami sa bayan,"nilingon ko si Cedric ng ito ang magsalita. Ibinalik ko ang paningin sa matandang lalaki,nasa unahan kaming dalawa ni Ara kaya naman nakikita rin namin ang nakakatakot na mukha ng matandang lalaki. "Umalis na kayo!" Nagulat naman ako ng sumigaw ito. "Hindi kayo nararapat sa lugar na'to." Dugtong nito na ikinagulo ng isipan ko. "Tanda,gusto lang namin na magawa ang trabaho namin." Napangiwi naman ako ng higpitan ni Ara ang pagkapit sa braso ko. "Bwisit talaga na pakalamiro,"bulong ni Ara. Marahan ko namang inalis ang kamay nito sa braso ko dahil pakiramdam ko ay dudugo na ito dahil sa talim ng kuko niya. Bumuntong-hininga ang matanda na ikinatingin namin sa isa't isa ni Ara bago ibinalik ang paningin sa matandang lalaki. "Binalaan ko na kayo,wala na akong magagawa kung suwayin ninyo ang sinabi ko." Tumalikod ito sa amin. "Binata, 'wag na 'wag mong alisin ang paningin sa mga kasama mo sa oras na suwayin ninyo ang sinabi ko. Sa oras na mawala ang paningin mo sa kanila,iiyak ka lang. Sisikat ang araw na mag-isa ka na umaalis sa lugar na'to habang iniisip ang dapat mo ng isipin ngayon." Matapos itong magsalita na 'di ko maintindihan ang ipinaparating nito sa amin. "Nakakatakot siya,"sabi nalang ng katabi ko habang tinatanaw ang matanda. "Tutuloy pa ba tayo Cedric?" Tanong ni Daisy ng makalapit siya sa aming dalawa ni Ara. Tumayo pala siya, "Why not?" Bakas sa boses ni Raphael ang inis na tulad din ni Ara ay nakatanaw sa matanda. "Naniniwala naman kayo sa matandang 'yon?" Iiling-iling na sabi nito. "Raphael is right,Daisy. Walang mangyayari sa 'tin dahil kung may mangyari man sa atin ay 'di dito sa lugar na'to." Ibinaling ko nalang ang paningin sa labas ng binta habang iniisip kung bakit gano'n nalang ang sinabi ng matanda sa amin. May alam ba siya sa lugar na pupuntahan namin na wala kaming alam? Napapikit nalang ako at itinuloy ang pagtulog dahil pakiramdam ko pag-gising ko ay 'di na ako makakatulog ng maayos.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.0K
bc

His Obsession

read
104.7K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Daddy Granpa

read
282.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook