Gun Shot

2172 Words
Miracle's Point Of View 12:30 AM "SHUT up!" "Just try okay?" "No!" "Why?" "Just...please, leave me alone." Naramdaman ko naman na may yumakap sa akin kaya dahan-dahang kong minulat ang mata ko at nakangusong si Ara ang nakita ko. "Anong nangyari sayo?" Tanong ko matapos makusot ang mga mata ko. Napaayos naman ang siya ng upo ng makitang gising na ako pero 'di pa rin nito inaalis ang pagkayakap sa akin. "Nakakainis kasi si Raphael," Nilingon ko ang lalaki na sinasabi ng kaibigan ko bago ibinalik ang paningin sa katabi. "Anong ginawa niya sayo?" Nakakunot ang noo na tanong ko sa kanya. "Gusto niya raw ako ligawan," Natigilan naman ako dahil sa narinig ko,"tapos?" "Sagotin ko na raw siya." Nakangiwing sabi niya. Mahina naman akong natawa dahil sa sinabi nito dahil ano nga ba naman ang aasahan ko sa lalaking 'yon kundi ang patawanin ako. Anong akala ng lalaking 'yon? Samantalang kakakilala niya palang kay Ara. Love at first sight? Imposible naman, "Miracle naman, anong nakakatawa sa sinasabi ko?" Inis na sabi nito bago inalis ang pagkakayakap sa akin. Umayos ako ng upo. "Ayaw mo ba maging masaya?" Seryosong tanong ko na ikinatigil niya. Pero agad na tumaas ang kilay niya,"masaya ako pero 'di sa gan'ong paraan. Isa pa,ayaw ko sa kanya." "Bakit naman? Raphael is good,maitsura siya. May oras nga lang na 'di mo magustuhan ang ugaling ipapakita niya sayo,pero the best siya kapag kasama." Ano ba 'tong pinagsasabi ko? "Edi ikaw na ang sumagot. Sa pag-sabi mo palang parang kilalang-kilala mo na siya," Hindi naman ako nagpahalatang nagulat sa sinabi nito pero 'di ko inaasahan na sasabihin niya 'yon sa akin. "Si Cedric nag-sabi sa akin,"pagsisinungaling ko. "Ah basta! Ayaw ko sa kanya," "Hindi mo masasabi 'yan lalo na't kung 'yong taong 'yon ay 'di mo pa kilala." Itinuon ko nalang ang paningin ko sa labas ng bintana. Wala bang katapusang biyahe 'to? "Nandito na tayo,"anunsyo ni Cedric sa amin. Napaayos naman ako ng upo at sandali pa ay natanaw ko na sa wakas ang napakalaking arko na nakaukit ang salitang San Pablo. Ang ganda, "Ang ganda." Bulong ni Ara na nakatingin din sa unahan ng sasakyan. "Sobra,"dugtong naman ni Raphael na tumayo pa para makita lang nito ang nakaukit na San Pablo. Lahat kami ay may paghanga sa mata na nakatingin sa unahan hanggang sa malagpasan ito ng sinasakyan namin. Ngayon lang ako nakalabas ng bahay kaya ganito ako humanga sa nakikita ko. "Malapit na tayo, Miracle." "Tama ka." Sabi ko bago lumingon sa likuran. Huminto ang sinasakyan namin ng marating ang bayan ng San Pablo. Nabaling ko ang paningin ng tumayo si Cedric at may ngiti na humarap sa amin. "Siguro naman malilibang natin ang sarili natin dito sa San Pablo at 'wag muna isipin ang Desiro." Tiningan niya kami isa't isa. "Hanggang dito nalang ang pagsasama natin guys,sana matapos at maging maayos ang gagawin ninyo. Ingatan natin ang isa't isa." Dugtong niya bago pumalakpak, sumunod ng iba hanggang sa nakisama na ako sa ginagawa nila. Nabaling ko ang paningin kay Raphael na nakasakbit ang bag nito. "Magpakasaya muna tayo sa bayan hanggang sa magsawa tayo,"nakangising sabi nito bago dumaan sa gilid ni Cedric. Sinundan lang ni Cedric ng tingin si Raphael at napailing bago ibinalik ang paningin sa amin. "May nauna na,may magagawa pa ba tayo?" Natatawang sabi niya habang nakaturo kay Raphael na nakababa na ng sasakyan. Natawa nalang kaming tumayo sa upuan bago lumabas ng sasakyan. "Wala ka bang alam tungkol sa lugar na 'yon?" Hindi ko naman maiwasan na lingunin si Elisha ng marinig ko ang sinabi nito, kausap nito ang pinsan niya. Kahit ako ay walang alam dahil ngayon ko lang ang narinig ang lugar na 'yon, Nakahanap na kami ng pansamantalang matutuluyan naming walo. 07:30 PM "Sasakay ba talaga tayo sa eroplano?" Namamanghang tanong ko kay Cedric. Natawa naman siya,"oo sasakay tayo." "Anong oras lakad natin bukas?" Nakangiting tanong ni Daisy matapos na maibaba niya ang gamit nilang dalawa ni Elisha. "Excited ka naman masyado,'di ba pwedeng pahingahin muna natin ang katawan natin bago umalis?" "Sorry Cedric, excited lang ako sa magaganap para bukas." Halata nga e, "How about you?" Nabaling ko ang paningin ko kay Ethan. "H-ha?" Nakatitig lang siya sa akin bago umiling. "Nothing," Napakamot ako ng ulo na sinundan ko siya ng tingin ng mauna ito akin. Ang weird niya naman, nagtataka akong sumunod sa kanya. ༒︎ "Miracle!" Bumungad naman sa akin ang umiiyak na si Ara samantalang ang iba naman ay bakas sa mga mukha nila ang tuwa ng makita ako. Nagulat nalang ako ng yakapin ako ni Ara at muling umiyak. "Iyak ng iyak ang babaing 'yan ng 'di ka niya makita." Nakangiwing kuwento ni Elisha na halatang may inis sa boses nito. "Ang sabi niya sa amin ay nawawala ka daw,"sabi ni Cedric na katabi si Elisha. Napansin ko lang na anim na tao lang ang narito at kasama na ako do'n,nasaan 'yong dalawa? Bumitaw naman sa pagyakap sa akin si Ara. "Nababaliw ka na ba?" Inis na sabi nito na ikinagulo ng isipan ko. "Bakit?" "A-alam mo bang tatlong oras ka ng nawawala," Natigilan naman ako sa sinabi niya. Tatlong oras? Paano nangyari 'yon? Lumapit naman ako sa labas ng bintana para tumingin sa langit. Gabi na?! Ang bilis naman, "Ano bang pinagsasabi mo?" Napakamot ako ng ulo ng lingunin ko sila. Anong mga tingin 'yan? Kinakaawaan ba nila ako? Nakakunot na binalik ko ang paningin kay Ara,"tatlong oras? Imposible 'yon. Samantalang nakita ko pa nga si Ethan ng mga oras na maaga, tapos no'n pumunta ako sa tindahan." "Miracle walang tindahan sa lugar na 'yon!" Naging matalim naman ang tingin ko kay Raphael dahil sa sinabi niya. "Nababaliw ka na ba? Kausap ko pa nga 'yong matanda sa tindahan." Nabaling ko ang paningin kay Daisy na pasimpleng pinunasan ang luha sa pisngi nito. Ano bang nangyayari sa kanila? "Anong nakakaiyak Daisy sa sinabi ko?" Naiiritang tanong ko. Bakit sila nagkakaganyan? Masama ang loob ko na isa-isa silang tiningan at kahit si Elisha na alam kong maldita ay nakita ko na tumulo ang luha habang nakatingin sa akin. "Ano ba! Wala man lang ba magsasalita sa inyo?!" Tumayo sa pagkakaupo si Cedric. "Miracle, relax. Okay?" "Paano?! Sige nga,'di ko kasi kayo maintindihan." Ibinaling ko ang paningin kay Raphael. "Lalo ka na, naguguluhan ako sa sinabi mo." Ibinalik ko ang paningin sa kaharap. "Please Cedric, sabihin ninyo sa akin. 'Wag ninyo naman akong gawing tanga at manghuhula kong anong nangyayari sa paligid ko." "Miracle, tulad ng sinabi nga ni Ara. Tatlong oras kang nawala,'di ka nga namin mahanap sa buong lugar. Alam mo ba kung saan ka nahanap ni Raphael?" "Iwan ko sayo Daisy,paulit-ulit nalang ba? Sinabi ko na nga na kausap ko 'yong matanda sa may magandang tindahan." Hinanap ko naman sa paligid si Ethan pero wala siya dito. Nasaan ang isang 'yon? "Nasaan ba kasi si Ethan? Tanongin ninyo siya. Nakita niya ako na pumunta sa tindahan ng mga oras na 'yon. Gusto niya pa nga akong sundan e," "Ano namang dahilan para sundan ka niya?" Tanong ni Elisha. Iniwas ko naman ang paningin ko sa kanya ng sabihin ni Elisha iyon. Ano bang dahilan ni Ethan ng mga oras na 'yon? Nagtataka din ako sa kinikilos ni Ethan sa harapan ko kanina. Nagtataka ako sa kinilos ng lalaking 'yon, Bakit gano'n? "Bakit 'di ka makasagot?" Nakatitig lang siya sa akin ng tingnan ko siya. "Kasama ko si Ethan ng mga oras na wala ka Miracle,"nabaling ko ang paningin kay Raphael ng magsalita siya. Kumunot ang noo ko. "Ano!?" "Ako ang unang nakapansin na wala ka, sinabihan ko si Ethan na samahan ako para puntahan ka sa kwarto ninyo ni Ara. Tapos do'n lang namin nalaman na ilang oras na palang nawawala at si Ara nakita nalang namin na umiiyak na habang binabanggit ang pangalan mo." "Hindi ko alam ang sasabihin ko." Napaupo nalang ako sa lapag. Agad naman na lumapit sina Cedric at Raphael para alalayan ako ng tumayo pero pakiramdam ko walang lakas ang tuhod ko. "Weird." Bulong ng bagong dating na si Green ng makita namin siya na nakasandig sa pinto, samantalang ang katabi naman nito nasi Ethan ay nakatingin lang sa akin. Bakit ganyan ka tumingin sa akin Ethan? Kahit nanghihina ako ay nakuha kung tumayo para tumungo sa kuwarto. "Sasamahan kita," Sinulyapan ko lang si Ara bago ibinalik ang paningin sa daanan ko. Agad siyang lumapit sa akin para alalayan niya ako. Umupo ako sa kama ng makapasok kaming dalawa sa kuwarto namin ni Ara. "Ayos ka lang ba?" Sinulyapan ko lang siya bago ibinalik ang paningin sa labas ng bintana. Hindi ko sila maintindihan Ara, "Ayos lang ako,'wag ka mag-aalala sa akin." Malumanay na sabi ko bago inihiga ang sarili sa kama. "Nag-aalala ako ng husto sayo Miracle," Lumapit ito at marahang umupo sa gilid ng kama. "Tulad ng sinabi ko ay ayos lang ako,"bumuntong-hininga ako. "Gusto ko na magpahinga dahil maaga pa tayo bukas." Dugtong ko bago ipinikit ang mga mata at nagpapasalamat nalang ako dahil 'di na nagsalita si Ara dahil tumayo na ito sa kama ko,bagsak ang balikat nito ng lingunin ko bago ito humiga sa kama. Sorry, Itinagilid ko ang katawan ko at ipinikit ang mga mata hanggang sa tuluyan akong makatulog. ༒︎ KINABUKASAN DAY 2 06:30 AM "Tulungan na kita,"napalingon ako sa nagsalita at nakangiting si Daisy ang bumungad sa akin. Ibinalik ko ulit ang atensyon ko sa pag-aayos ng gamit,"hindi na." Tipid na sagot ko bago isinara ang bag ko. Kaya ko naman ang sarili ko, Humarap ako at nando'n pa rin siya na halatang walang balak na umalis sa harapan ko, makikita sa mukha niya ang lungkot habang nakatingin siya sa akin. "May sasabihin ka pa ba?" Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. "Hindi ka sana magalit sa kanila,"sabi nito bago ako tinalikuran. Ano bang alam niya? Bumuntong-hininga akong kinuha ang bag sa kama bago sumunod sa kanya na nakalabas na ng kuwarto. Agad namang lumapit sa akin si Ara ng makita niya ako. "Kamusta ang pakiramdam mo?" Agad niyang kinuha ang isang bag sa akin at siya ng ang nagdala. "Maayos na," "Mabuti naman." Nilibot ko naman ang paningin sa paligid naming dalawa at napansin ko na kaming tatlo labh ang narito sa loob. Nagtataka kung tiningan si Ara,"nasaan ang iba?" Ngumiti naman siya. "Nasa labas na. Tayo nalang ang hinihintay at aalis na ang sasakyan," Napatango naman ako bago sumunod sa kanila ng lumabas na sila ng bahay at tumungo sa paradahan ng sasakyan. Sisikat palang ang araw ng umalis kami sa bayan ng San Pablo at sa araw na ito ay mamimiss ko ang kinalakihan kong lugar at masasabi ko na mabubuti ang mga taong nandito dahil ginawa talaga nila ng paraan para maging masaya sila kahit na gipit sila ay nakukuha nilang ngumiti sa isa't isa na parang walang dinaramdam na kahirapan. Tulad ng dati ay katabi ko pa rin sa upuan si Ara sa sasakyan. "Malapit na ba tayo sa pupuntahan natin?" Nabaling ko ang paningin kay Daisy na nakatayo sa gilid ko habang kausap nito si Cedric na kakaupo lang sa driver seat. "Oo malapit na tayo, nagtanong kasi muna ako bago bumalik dito. Ang sabi nila ay isang oras ang byahe para makarating sa Desiro." Nakikinig lang ako sa dalawa ng mabaling ko ang atensyon sa labas ng bintana, kumunot naman ang noo ko ng makita ang nakangising batang babae na nakatingin sa akin at 'di pa nito iaalis ang paningin sa akin ng hilahin siya ng lalaking sa tingin ko ay kaidaran lang namin. "Aalis na tayo,"anunsyo ni Cedric para ialis ko ang paningin sa labas at umayos ng upo. 07:30 AM Naging tahimik ang kalahating oras na byahe namin hanggang sa halos dumikit na ang mukha ko sa likod ng upuan ni Daisy ng biglang huminto ang sinasakyan namin. Agad na tumayo si Cedric at hinarap kami. "Ayos lang ba kayo?" Bakas sa boses nito ang pag-aalala sa amin. "Cedric naman,ano ba 'yan." Angal ni Raphael na ikinakamot ng ulo ni Cedric. Napansin ko lang na tagilid ang sasakyan namin kaya naman tumayo ako para sana bumaba ng sasakyan. "Oh bakit Miracle?" Tanong ni Ara ng tumayo rin sa tabi ko. Huminto ako para pigilan ko siya,"diyan ka lang." Tinalikuran ko siya at tuluyang bumaba. Bumungad sa akin ang wasak na gulong ng sasakyan namin. "Anong nangyari?" Tanong ni Cedric sumunod pala sa akin. Hindi ko siya pinansin dahil lumuhod ako para tingnan ang gulong napansin ko lang na 'di lang sa unahan ang wasak na gulong dahil gano'n na rin ang nasa hulihan. "Hindi aksidente 'to," "What are you talking about?" Naguguhang tanong ng katabi ko. Agad kong pinasok ang kamay ko sa gulong para kapain ko at sana naman ay mali ang hinala ko na hindi aksidente ang nangyari sa sasakyan namin. Dahil 'pag nagkataon na totoo ang hinala ko ay mahihirapan kami. At 'yon ang ayaw kong mangyari, Nasa kalagitnaan ako ng pangungusisa ng gulong nang biglang makarinig kaming putok ng baril. Bwisit! Saan ng galing 'yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD