Trap

1517 Words
Miracle's Point Of View 07:50 AM "LALAKAD tayo?" Hindi makapaniwalang tanong ng iba sa amin ni Cedric matapos naming sabihin sa kanila ang nangyari sa sasakyan. Nilingon ko si Ara na seryosong nakatingin sa hawak hawak niya. "Kukunin ko na,"sabi ko sa kanya ng makalapit ako. Tiningan niya ako na may pagtataka bago ibinigay sa akin ang hawak niya. "Paano nangyari sa atin 'to Miracle?" Malungkot niyang tanong sa akin habang ang paningin niya ay nasa ibang kasama namin na nag-aayos ng mga gamit. Alam ko naman na 'di lang siya ang naguguluhan sa nangyari sa amin ngayon, pero 'di maaring malaman ng iba ang napag-usapan naming dalawa ni Cedric. Tinago ko ang bagay na nakapag-sira sa gulong ng sasakyan at nilapitan ang iba. "Wala ka man lang ba balak na sabihin sa akin ang nangyari Cedric?" Nilingon ko ang lalaki na kausap niya ang pinsan niyang si Elisha. "Just please,kunin mo na ang mga gamit mo at tumigil ka na sa kakatanong sa akin." "I don't understand what's going on,"napailing-iling ito na umalis sa harapan ni Cedric. Bumuntong-hininga akong lumapit sa kanya na nag-a-asikaso ng gamit niya. Nag-simula akong magsalita ng tuluyan akong makalapit sa kanya. "Sorry," Lumingon siya sa akin at humarap,"don't say that." Aniya na may ngiti sa labi. Tinulungan ko naman siya sa ginagawa niya. "Selfish ba ako?" "No,'di ka gano'n. Alam ko naman na ginagawa mo lang 'to para sa iba," Napakamot ako ng ulo ko ng guluhin niya ang buhok ko. "Sana maintindihan nila,"iniangat ko ang tingin sa kanya. Tumango siya,"maiintindihan nila ang ginawa mo. Hindi nga lang ngayon," Naging tipid ang ngiti ko. "Sinabi mo ba sa pinsan mo?" Tanong ko sa kanya bago binigay ang huling gamit niya. Umiling siya,"kapag ginagawa ko 'yon ay 'di niya naman maiintindihan at baka marami siyang itatanong sa akin na 'di ko masagot. Ikaw? Sinabi mo ba sa kaibigan mo?" "Hindi ko siya kaibigan,wala akong kaibigan. Pinakita ko lang sa kanya ang bagay na nakita ko kanina sa loob ng gulong." "Yeah right,I forgot. Nakalimutan na gano'n ka pala," inayos niya ang bag sa balikat niya. "Kailangan nating mag-ingat dahil sa nangyari kahapon at ngayon nakakasiguro ako na may susunod pa na mangyayari sa atin." H'wag naman sana mangyari, Tumango-tango ako,"kilala mo naman ako. Dumating si Ara sa buhay ko ay sinabihan ko na siya," tumalikod ako sa kanya. "H'wag ka mag-alala dahil ako ang bahala." "Wala ka namang magagawa sa isang 'yon dahil laging nasusunod no'n ang gusto." "Tama ka,pinamukha ko nga siyang 'di ko siya kailangan pero hanggang ngayon ay nasa tabi ko pa rin siya." "Gano'n mag-mahal ang babaing 'yon,"nakangisi siya sa akin. Inayos ko naman ang back pack ko sa likuran bago nagsimulang bumaba ng sasakyan. "Magsisimula palang ang lahat, nakakasiguro ako na nasa paligid lang natin ang may gawa sa nangyari." Sabi ko matapos na tuluyang makalayo sa sasakyan. "Tatahakin ba natin ang kahabaang daan na 'yan?" Tanong ni Daisy habang sinisipat ang layo ng kalsada. Pansin ko lang na walang masyadong dumadaan dito na sasakyan mula pa kanina ng nasa byahe palang kami ay napansin ko na. Samantalang ang daanan na ito ay papunta sa Desiro 'yon ang sabi sa akin ng matandang nakausap no'ng sinabi nila na tatlong oras akong nawawala. "Wala tayong magagawa,"giit ng bagong dating na si Cedric. "Sa ngayon kailangan nating tahakin 'yan,"sang-ayon ni Ara ng tingnan ko siya. "Mahaba-habang lakad 'to kung gano'n." Puna ni Ethan na naunang naglakad kasunod niya sina Green at Raphael. Binalingan ko naman ang dalawang babae na nakatingin sa tatlong lalaki na nauna na. "Wala ng choice,"tugon ni Daisy na nagsimula na rin maglakad. "Bakit 'di natin ayosin ang sasakyan?" Suhestyon ni Elisha. "Mag-isa ka,"katwiran ni Ara na ikinailing naming dalawa ni Cedric. "Tara na?" Anyaya niya sa akin na ikinatango ko. "Tara na Elisha,"sita ko matapos na 'di ito kumikilos. Nilingon niya ako na nakahalukipkip ang braso na ikinataas ng kilay ko. "Ayaw kong sumama," "Sige." Nilagpasan siya namin ni Cedric. Tila na tigilan naman ito sa sinabi ko. "Saglit!" Padabog itong sumunod sa amin na ikinatawa naming dalawa ng katabi ko. "Himala at napasunod mo," "Ibahin niya ako sayo." "Ang sungit mo," "Ang ingay mo." Hirit ko na ikinangiwi nito. ༒︎ 08:40 AM Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad ng may bumagsak sa likuran namin ni Cedric kaya ng lingunin naming dalawa 'yon ay si Elisha na nakahandusay sa sahig ang nakita naming dalawa. Agad naman na lumapit si Cedric sa pinsan niya samantalang sinabihan ko naman ang iba na tumigil muna. "Bakit nawalan ng malay?" Tanong sa akin ni Ara ng tumabi siya sa akin. Nakatingin kaming lahat kay Daisy na ginagamot si Elisha. "Hindi ko alam,"sagot ko. "Anong nangyari sa kanya Daisy?" Mahihimigan sa boses ni Cedric ang pag-a-alala niya sa pinsan. "Nawalan siya ng malay dahil sa pagod,"sabi nito na ikinahinga ko naman ng maayos. Mabuti naman at ayos lang siya, "Nasa kalagitnaan palang naman tayo ah,"bulong ni Raphael. Hindi naman ako makapaniwalang tumingin kay Raphael dahil sa narinig ko sa kanya, nagulat pa siya ng mapatingin sa akin at do'n niya lang napagtanto ang sinabi niya dahil umiwas ito ng tingin sa akin. Nabaling ko naman ang tingin sa katabi ko at ng hawakan ko ang kamay nito ay 'di ko maiwasang tanongin siya. "Ninerbyos ka ba?" Gulat siyang tumingin sa akin at ngumuso,"kasi naman dahil sa nangyari kanina sa atin." Mahigpit ko namang hinawakan ang kamay niya bago ibinalik ang tingin kina Cedric. "H'wag ka mag-alala dahil walang mangyayaring masama," "Maski na 'di pa rin kase pinoproseso ng utak ko ang nangyari kanina, paano nalang kung napahamak tayo?" Hinapit ko ang baywang niya papalapit sa akin at ngumiti. "Wala namang masamang nangyari sa atin,'wag ka na mag-alala." Hinaplos ko ang likod nito ng yakapin niya ako. "Ako nalang ang bubuhat sa kanya,"presenta ni Raphael na ikinagulat ko. Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Ara para tingnan si Raphael na seryosong nakatingin sa akin. "Bakit? Kaya mo ba?" Tanong ko sa kanya at akmang lalapit ako ng talikuran niya ako at lumayo sa akin. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya 'yon lalo na't alam ko na 'di sila masyadong close ni Elisha. Lumapit ito kina Cedric at Daisy bago lumuhod para kunin sa kanila si Elisha. "Pst,ang bigat niya pala." Napangiwi ito ng mabuhat niya na ang babae. Inobserbahan ko lang ng mapansin ko na lumayo sa akin si Ara para sundan ko siya ng tingin na naunang lumakad sa amin. Susunod na sana ako kay Ara ng may pumigil sa kamay ko kaya nagtataka akong tumingin sa gilid ko. "May kailangan ka ba?" Tanong ko kay Ethan na siyang pumigil sa akin. Binitawan niya ang kamay ko habang seryosong nakatingin sa akin. "Kamangmangan ang ginagawa mo,"matapos niyang sabihin 'yon sa akin ay siya mismo ang naunang naglakad. Nangungusisang sinundan ko siya ng tingin. Ano daw? "Saka mo nalang isipin ang nangyari kapag alam mo na ang katutuhanan na nangyari sa sasakyan," Nabaling ko ang paningin kay Green na dumaan sa harapan ko, tumingin lang siya sa akin at sumunod sa kaibigan niya. May alam ba silang dalawa? Napahilot nalang ako ng ulo bago nagsimulang maglakad. Hindi ako makapaniwala na sumang-ayon ako sa kanila na sumunod. Ramdam ko na ang malagkit kong katawan dahil sa pawis ko,saan ka ba naman kasi nakakita na nagla-lakad sa gitna ng tirik na araw. Malamang kami, Malapit na magtanghali kaya naman ganito na kainit ang sikat ng araw. Mabuti nalang at may suot akong kalo na nakakatulong sa akin, Napapunas nalang ako ng pawis ko bago kumuha ng bottle water sa bag. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa hawak ko dahil wala ng tubig na laman ang hawak ko. "Ano namang gagawin ko dito?" Nakangusong sabi ko sa sarili habang nakatitig sa hawak ko. "Hindi magkakalaman 'yan kung titigan mo nalang," Sinulyapan ko ang tumabi sa akin. "Pst,wala ng laman ang tubig ko." Tumulis lalo ang nguso ko ng makita ko siyang tinawanan lang ako. "Dahil diyan ay nagkakaganyan ka na?" Iiling-iling na sabi nito sa akin. Napakamot naman ako ng ulo habang nakatitig sa kaharap ko. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko sa kanya kaya iniwas ko nalang ang tingin at itinuon ang atensyon sa kalsada. Mabilis ang bawat lakad ko para iwan si Cedric pero napahinto ako ng marinig ang isang malakas na tinig para ikahinto naming lahat. Agad naman na bumalik si Ethan at ang iba pa papunta sa amin ni Cedric,nasa tabi ko agad ang lalaking 'to. "Narinig ninyo ba 'yon?" Tanong ni Raphael. Kinalibutan ako "May tainga kami Raphael." Sarkastikong sabi ni Green na ikinanguso lang ng lalake. "Hindi basta sigaw 'yon," Sabi ni Ethan na seryosong nakatingin sa paligid namin kaya 'di namin maiwasan na gumaya rin sa kanya. "Ano bang nangyayari sayo Elisha?" Nabaling ko ang paningin kina Elisha at Daisy makikita sa mukha ni Daisy ang pag-aalala. Agad namang lumapit ang pinsan ni Elisha sa kanya. "Bakit Elisha? May problema ba?" Lumayo nalang ako sa kanila habang iniisip ang susunod na mangyayari sa amin. Kanino kayang boses ang narinig namin kanina? At bakit gano'n nalang ang kinikilos ni Elisha?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD