Arrow

1480 Words
Raphael's Point Of View 09:50 AM "Sumuko ka din?" Nabaling ko ang paningin sa nakangising si Ethan na nasa tabi ko. Huminto ako para tingnan siya,"hindi ka ba nagtataka?" Naguguluhan kasi ako sa mga kinikilos ko sa tuwing nakakasama ko si Miracle. Anong meron sa kanya at bakit ganito ako sa kanya? "Bakit?" Nagtatakang tanong niya sa akin. "Napansin ko lang kasi na masyadong nag-a-alala tayong tatlo sa kanya,"napakamot ako ng ulo ng sabihin ko 'yon. Nakakunot ang noo niya at ang tingin niya sa akin ay nagtataka. Ianalis niya ang tingin sa akin bago mahinang bumuntong-hininga,"akala ko ay ako lang ang nakapansin." "Pansin mo mga?" Tumango siya at binalingan ng tingin ang kaibigan naming pinauna ko para makausap ko lang si Ethan. "Sinong 'di makapansin, samantalang ngayon lang nating tatlo nakasama ang babaing 'yan. Pero pakiramdam ko ay mahalaga siya sa akin." Iiling-iling na sabi niya. Napatango-tango naman ako,"ganyan na ganyan ang pakiramdam ko ng mga oras nga na nawalan siya ng malay ay 'di na ako mapakali," "At gano'n din siya,"nasunod ko naman ang tingin niya kay Green. "Kahit 'di niya sabihin sa atin, nakakasiguro ako na nagtatanong siya sa sarili niya." Sabay kaming napabuntong-hininga. Agad naman akong tumigil sa paglalakad ng marinig ko ang sigaw ng babae,agad kong nilingon ang tatlong babae na nasa likuran namin at gano'n nalang ang kaba ko ng makita ko na kumpleto ang tatlo na kasama si Cedric. Nagkatinginan kaming dalawa ni Ethan bago nilingon si Green na papalapit sa amin na nakakunot ang noo. "May napahamak ba?" Bungad na tanong nito ng makalapit siya sa aming dalawa ni Ethan. Agad na umiling si Ethan bago nito binalingan ng tingin si Miracle na mahimbing natutulog sa balikat ni Green. Pagtataka ang namutawi sa aming lahat dahil sa tinig na narinig namin, napagdisesyonan naming tatlo na lumapit sa apat. "Kaninong boses kaya 'yon?" Tanong ko bago sinulyapan si Miracle. Parang masaya pa ata ang lalaking 'to, 'di manlang nakaramdam ng pagod "Tara na, walang mangyayari sa'tin nito kapag huminto tayo." Sabi ni Cedric na ibaling ko ang paningin sa kanya na naunang naglakad, sumunod naman sa kanya si Green at ang iba pa. Napansin ko naman si Elisha na hanggang ngayon ay tahimik pa rin, anong nangyari sa kanya? Maayos na ang kalagayan niya pero pumalit naman si Miracle. Ano ba'ng nangyayari sa amin? Akmang lalapitan ko siya ng hawakan ni Daisy ang braso ko kaya nagtataka ko siyang tiningnan. "Mula pa kanina ang pananahimik niya,"sabi niya na nakatingin kay Elisha. Lumingon ako para makita si Elisha na nasa likuran namin. "Bakit 'di mo kausapin?" Ibinalik ko ang paningin sa kanya. Umiling siya. "Ayaw niya ng kausap," Kumunot ang noo ko,"paano mo naman nasabi?" Bumuntong-hininga siya, huminto siya sa paglalakad para harapin ako. "Gano'n ang ugali niya na mahirap intindihin,'wag ka mag-aalala sa kanya." Ngumiti siya sa akin at muling naglakad. Kahit na nagtataka ako ay nagawa ko nalang tingnan ang likuran nito na papalayo sa akin. Nagulat naman akong tumingin sa likuran ko at 'di maiwasang mapaatras ng makita ko ang pumumutla ng mukha ni Elisha ng malapit siya sa akin. Dahan-dahang nitong iniangat ang paningin sa akin. "Tabi,"paos nitong sabi bago iniwas ang paningin sa akin. Napalunok muna ako bago gumilid para makadaan siya sa gilid ko, ramdam ko ang kaba na 'di ko mawari kung bakit gan'on ang nararamdaman ko kay Elisha. May dapat ba akong katakutan sa kanya? Napailing-iling naman ako dahil sa naisip ko. "Raphael!" Nagitla naman ako ng marinig ko ang sigaw ni Ara, nakakunot ang noo nito na nakatingin sa akin. Mabilis ang bawat hakbang ko ng malagpasan ko si Elisha hanggang sa nakatabi ko na si Ara. "Anong nangyayari sayo?" Hindi naalis ang nakakunot na noo nito ng tingnan ko siya. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya dahil sa nangungusisang tingin sa akin. "W-wala," "Anong wala?!" Nagulat naman ako dahil sa biglaan na pagtaas nito ng boses na kahit siya ay nagulat din sa sarili. Iniwas niya ang paningin sa akin bago nagsimulang maglakad. "Ilang ulit kitang tinawag sa pangalan mo," "Oh tapos?" Inosenteng tanong ko sa kanya habang hinihintay ang susunod niyang sabihin sa akin. Hindi naman siya makapaniwalang tumingin sa akin,"anak ng... alam mo ba kung ilang tawag ko na sa pangalan mo?" Isang bises ko lang naman narinig ang tawag niya sa pangalan ko ah, Hindi ako nagsalita at tanging iling nalang ang ginawa ko para makita ko ang pagsalpok ng dalawang kilay niya habang masamang nakatingin sa akin. Sunod-sunod ang naging paglunok ko habang nakipagtitigan sa mga nanlilisik nitong mga mata. Hindi ko akalaing matitigan ko siya na ganito katagal at kataka-taka na siya mismo ang kusang umiwas ng tingin sa akin at nagsimulang maglakad siya. "Bakit ba napakainit ng ulo mo babae ka?" Hindi ko maiwasang magtanong sa katabi ko. Naguguluhan ako sa ikinikilos niya, samantalang 'di naman siya ganito sa akin ng umalis kami. Nasa punto naman na alam kung ayaw niya sa akin pero walang dahilan para maging ganito siya sa akin. Anong problema ng babaing 'to? Nagulat naman ako ng tingnan niya ako at taasan ng kilay niya,"anong tinitingin-tingin mo d'yan lalaki?" Bakas sa boses niya ang inis. Mahina akong natawa bago iniwas ang paningin at sa harapan ko nalang tinuon ang atensyon ko. "Napakasungit mo babae!" Inalis ko ang paningin sa kanya ng tingnan ko siya. "Mukha kasing hanggang ngayon ay 'di pa rin okay ang kaibigan mo,"sinulyapan ko lang siya,agad ko namang naiwas ang tingin ng makita ko ang matalim niyang titig sa akin Muntikan na,natawa naman ako dahil sa pumasok sa isipan ko. "Anong meron sa inyong apat?" Seryosong tanong nito Nagtataka naman akong nilingon siya,"what do you mean?" "Magkakilala kayo 'di ba?" Nilingon ko muna sina Green, miracle at si Ethan na nasa unahan. Hindi ko alam,'yon ba dapat kong sabihin sa kanya? Naguguluhan kasi ako, alam ko naman na ngayon ko lang nakilala si Miracle pero nakapagtataka sa tuwing titingnan ko kasi ito ay parang matagal ko na siyang kilala. Gusto ko siyang yakapin pero naguguluhan ako kung bakit gusto ko 'yon gawin. Bumuntong-hininga kong ibalik ang paningin sa kanya. "Bakit mo natanong?" Iniwas niya ang tingin sa akin,"halata namang kilala ninyo ang isa't isa." Pinasok ang kamay ko sa bulsa,"hindi ko siya kilala." "Paano mo naman nasabi?" "Iwan," "Anong iwan?" Kumunot ang noo ko na tiningan siya at bakas sa mukha niya ang gulat kaya agad niyang iniwas ang tingin sa akin. Bakit ba gusto niyang malaman? Samantalang ako nga ay naguguluhan, "Kailangan ko bang sabihin sayo ang detalye?" Hindi ko tuloy maiwasang mainis sa katabi ko. "Nagtataka lang ako, okay?" Nag-uusap lang kami ni Ara hanggang sa may bigla nalang humila sa kanya papalayo sa akin at 'di ko na alam ang sunod na nangyari sa akin dahil sa gulat na naramdaman ko. "Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ko kay Cedric ng harapin ko siya. Hindi niya nakuhang sagotin ang tanong ko sa kanya dahil tumakbo ito sa gilid, dahil sa layo niya sa amin ay 'di ko alam kung ano ang pinulot niya sa lupa. Nagtataka akong sumunod kay Cedric at huminto ako sa pagtakbo ng humarap siya sa akin ay hawak na niya ang isang palaso. "Sa'n galing 'yan?" Hindi ko maiwasang titigan ang hawak niya. "Sa kung saan,"nabaling ko ang paningin kay Ethan na naglalakad papalapit sa puwesto naming dalawa ni Cedric. "Pa'no nangyari 'yon?" Napakamot ako ng ulo habang nakatingin sa palaso,"pwede ko bang mahawakan 'yan?" Nakalahad ang kamay ko sa kanya. Ibibigay na sana sa akin ni Cedric ang hawak niya ng makarinig kami ng putok ng baril. Putok na naman ng baril, Nakakasiguro ako na nasa gubat galing 'yon, Lumingon ako sa gubat na nasa likuran ni Cedric. "Hindi tayo pwedeng tumagal dito sa kalsada." Giit ni Cedric na ikinatango naman naming dalawa ni Ethan, binalingan ko si Ara na nakatitig sa kawalan. "Mas maganda siguro na ako muna ang magbabantay sa kanya,"suhestyon ko sa dalawa. Sinulyapan muna nila si Ara bago ibalik ang tingin sa akin. "Mas mabuti na ang gano'n, nakakasiguro ako na may hindi magandang nangyayari sa paligid natin." Ani ni Cedric bago bumuntong-hininga. "Kailangan nating mag-ingat,"iyon lang ang sinabi ni Ethan bago niya kami talikuran ni Cedric. Pareho kaming napakamot ng ulo ni Cedric habang nakatingin kay Ethan na papunta kay Green. Ibinaling namin sa isa't isa ang paningin bago tipid na ngumiti at nagsimulang maglakad habang inaalalayan ko si Ara, samantalang siya naman ay ang nakatingin sa paligid na parang inaalam niya kung saan banda binitawan ang palaso papunta sa amin kanina ni Ara. Sinong gusto niyang panain sa aming dalawa ni Ara? Hindi magiging madali sa amin 'to Itinuloy namin ang paglalakad habang ang paningin namin ay 'di mapakali na tinitingnan ang paligid namin hanggang sa matanaw ko ang dulo ng kalsada. Anong nangyari? Nagtataka man ay binilisan ko ang paglalakad para puntahan ang nasa unahan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD