Miracle's Point Of View
10:20 AM
"Magpahinga naman tayo!" Bumagsak sa pagkakaupo si Raphael sa lupa habang nakatingala sa akin dahil sa harapan ko siya umupo.
"Tumayo ka nga d'yan,"akmang hahawakan ko ang kamay niya ng iiwas niya 'to sa akin.
"Hindi ko na kaya,"iiling-iling na sabi niya bago humalukipkip sa harapan ko.
Nang lumingon ako sa ibang kasama namin ay doon ko lang napansin na lahat sila ay may kanya-kanyang inuupuan maliban na nga lang sa akin.
So anong gagawin ko pa? Pipilitin ko pa siya kung lahat sila nakaupo na?
"Lalapitan mo ba talaga siya?" Bakas sa boses ni Ara ang pag-alinlangan.
Ngumiti ako sa kanya at marahang inalis ang kamay niya na nagpipigil sa akin na lapitan ang isang tao na nangangailangan ng tulong.
"Kailangan niyang may makausap,"tinapik ko ang balikat niya bago tinalikuran siya.
Mula dito sa kinatatayuan ko ay inobserbahan ko lang si Daisy sa paraan na kinakausap niya ang kaibigan niyang nanlilisik ang paningin sa kanya.
"Masama ang loob niya sa sarili niya dahil sa nangyari sa kaibigan niya,"
Nilingon ko si Raphael sa tabi ko na nakamasid rin sa dalawang taong pinapanood ko.
Nakalapit agad siya sa akin
Ibinalik ko ang paningin sa dalawang tao,"ano sa tingin mo ang mangyayari sa kanya?"
"Sino sa dalawa?"
"Ang may deperensya,"
Bumuntong-hininga kong iniwas ang tingin sa dalawa at itinuon nalang ang atensyon sa paligid natin.
"Hindi ko masasagot ang tanong mo, mabuti nalang at napaaga na nalaman natin ang totoong kalagayan niya."
"Kakaiba siya,"
"May hindi tama sa kanya,'yon 'di ba dapat ang sasabihin mo?"
Agad akong lumingon sa likuran ko at si Ethan ang bumungad sa akin na nakasandig ito sa katawan ng puno habang ang kanyang paningin ay nasa akin.
Agad kong iniwas ang tingin sa kanya. "Ano bang pinagsasabi mo?" Nang ibalik ko ang paningin sa kanya ay 'di na siya nakatingin sa akin kundi sa katabi ko.
"Hinahanap niya ako?" Turo ni Raphael sa sarili niya sabay sulyap sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay,"oh bakit?"
Hindi niya ako sinagot dahil tumayo na siya sa pagkakaupo sa ugat ng puno na parang ang kaharap niya lang ang nasa paligid niya.
Kinalimutan niya na kausap ako?
"Wala kang mapapala kung tatanawin mo lang siya,"
Nabaling ko ang tingin sa kanya,"kausap ko pa kasi siya pero pinalayas mo na." May inis na sabi ko sa kanya bago inalis ang tingin.
"Kakausapin siya ni Cedric,"aniya bago umupo sa tabi ko.
Lumayo naman ako sa kanya ng maramdaman ko ang pagdampi ng balat niya sa akin.
Anong nangyayari sa akin?
"Ayos ka lang?" Gulat kong tiningnan siya ng hawakan niya ang braso ko.
Agad ko namang inalis ang kamay niya sa braso ko.
"Anong ginagawa mo?!" Inis na sabi ko sa kanya kasunod no'n ang pagtayo ko.
Lumayo ako sa kanya ng tumayo agad siya sa harapan ko.
"Nag-a-alala lang ako sa 'yo,"pahina nang pahina ang boses nito ng banggitin niya ang mga salitang narinig ko sa kanya.
Ano ba'ng nangyayari sayo Ethan?
Napatitig nalang ako sa kanya habang ang mga mata ko ay may nangungusisang tingin sa kanya na inaalam kung may katutuhanan ba ang narinig ko mula sa kanya.
Nang araw na 'yon ay lalong nilayuan ko si Ethan dahil sa mga ikinikilos nito kapag nasa malapit ako sa kanya.
NATINAG naman ako sa kinatatayuan ko ng iniasta na pagtulak ni Ara sa akin nang naging dahilan para 'di ko na maibalanse ang katawan ko.
Sa bilis ng pangyayari ay napapikit nalang ako habang hinihintay ang pagbagsak ko sa lupa.
"Ayos ka lang?" Malamig na boses ang narinig ko para maimulat ang mga mata.
Bumungad sa akin ang nakakunot na noo nasi Green,ang seryosong mukha nito sa tuwing susulyapan ko siya ng tingin ay walang ipinagbago.
Hindi ko maiwasan na ngumiti sa kanya bago hinawakan ang noo niya at hinimas ito,"lagi nalang nakakunot ang noo mo." Puna ko sa kanya bago umayos ng tayo at ako na ang kusang lumayo sa kanya dahil masyadong malapit ang distansya naming dalawa sa isa't isa.
Ngumiti lang ako ng tipid sa kanya ng 'di siya magsalita at parang walang nangyaring hinarap ko si Ara na nagpapalitan na ng tingin sa aming dalawa ni Green.
Agad ko si Ara na hinila papalayo kay Green na bumalik ang nakakunot na noo nito na tinanaw kaming dalawa ni Ara kaya iniwas ko ang paningin sa kanya at itinuon sa kaharap ko ngayon.
"Bakit mo kase ginawa 'yon?" Inis na bulong ko sa kanya.
Pinoproseso ng utak ko kung ano nalang ang iisipin ni Green sa akin dahil sa ginawa ng kaharap kong 'to.
Nakakahiya
Pero bakit gano'n,sa pandinig ko ay may bahid ng pag-a-alala ang tuno niya o ako lang talaga ang nag-iisip no'n
Nakaramdam naman ako ng bahagyang lungkot dahil sa nasaisip ko.
"Sorry na Miracle,'di ko naman kase inaasahan na gano'n ang mangyayari sayo."
"Sa susunod ay 'di na ako
magaatubiling kaltukan ka sa harapan ng crush mo,"banta ko sa kanya para ikalaki ng mga mata nito.
"Miracle naman,"ngumuso siya. "H'wag ka namang ganyan sa akin,"inangat niya naman ang kamay niya. "Promise,'di na mauulit,'wag mo lang sabihin sa kanya."
Nanunuyang tinitigan ko siya bago tinalikuran. "Pag-iisipan ko,"tugon ko.
"Miracle!" Aniya na may inis na boses.
Napailing-iling nalang ako at bahagyang ngumiti.
"Everyone!"
Agad akong napatingin kay Cedric ng huminto siya sa paglalakad.
"Nakarating na ba tayo?" Tanong ni Daisy na may galak sa sinabe.
Ngumiti lang sa kanya si Cedric ng tingnan siya nito bago kami iniisa-isa nitong tiningnan at huminto ang tingin niya ng magtagpo ang mga mata naming dalawa.
Kapwa kaming napangiti sa isa't isa bago nilingon ang kalalapit na si Ara sa tabi ko.
"Excited ka na ba?" Bulong ko sa kanya sa gitna ng pagsasalita ni Cedric.
"Oo naman,"mahihimigan sa boses niya ang tuwa at kita naman sa mata niya ang kislap ng katuwaan na ikinagagalak ko para sa kanya.
Dahan-dahang hinawi ni Cedric ang malaking dahon sa harapan niya at namutawi sa aming lahat ang paghanga ng bumungad sa amin ang gandang kapaligiran ng Desiro.
Nakarating din sa wakas
"Finally,nakarating na tayo sa wakas." Bulong ni Ara na nakahawak sa braso ko.
"Tara na,"nakangiting sabi ni Cedric sa amin.
Dahil malapit kaming dalawa ni Ara sa kanya suminyas siya na mauna kaming dalawa kaya gano'n nalang ang tuwa ng kaibigan ko ng higitin ako nito.
Napakamot ako ng ulo dahil sa hiya nilingon ko ang iba na wala namang pakialaman kaya binalingan ko ng tingin si Cedric na tumabi sa akin ng umalis si Ara sa pagkakahawak at nauna itong maglakad.
"Halata namang siya ang pinakamasaya sa'tin,"iiling-iling na sabi niya.
"Oo nga e,"napakamot ako ng ulo ko.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya.
"Maayos naman."
"Mabuti naman,"aniya.
Naging tahimik na siya kaya naman itinuon ko nalang ang paningin ko sa daang tinatahak ko.
"Elisha!" Isang palahaw ang nakapagpahinto sa aming lahat at sabay naming tiningnan si Daisy na nasa likuran namin.
"D-daisy,"lumapit si Cedric sa kaibigan ng pinsan niya ng may pag-a-alala ng makita niya ang babaing balisa.
Nang humarap ito sa amin do'n lang namin napansin na nag-iisa siya.
"Nasaan si Elisha?" Bulalas naming lahat habang nakatingin kay Daisy na luhaan.
Anong nangyari?
Mabilis ang kilos ni Cedric ng mawalan ng malay si Daisy sa harapan niya at nakuha niya itong sambutin.
"Daisy, gumising ka, anong nangyari kay Elisha? Nasaan si Elisha?!"
"Cedric,"nabaling ko ang paningin kay Raphael ng lumapit siya dito. "Hintayin natin siyang magising,"bulong nito kay Cedric bago kinuha si daisy na walang malay sa bisig ni Cedric.
Paano nangyari 'yon?
Hindi manlang namin napansin na nawawala si Elisha sa tabi namin.
Nakapagtataka lang dahil wala kaming narinig bago sumigaw si Daisy sa pagbanggit ng pangalan ni Elisha.
"Mahahanap natin siya 'di ba?" Nilingon ko si Ara.
"Oo naman, mahahanap natin siya." Suminyas naman akong lumapit siya para yakapin.
Ayaw kong pati siya ay mawala sa akin dahil 'di ko alam ang gagawin kapag siya ang nawala na sa akin.
༒︎
12:20 AM
"Kailangan mo kumain,"inalok ko siya ng dala kong pagkain dahil para naman talaga iyon sa kanya.
Inangat niya lang ang tingin sa akin bago tiningan ang hawak ko.
"Nakakasiguro ako na nagugutom na siya at sa mga oras na 'to ay sinusungitan niya na ang pinsan niya."
Hindi ko naman maiwasang tingnan si Cedric na nasa gilid lang ngunit mapapansin naman ang tingin nito sa kawalan.
Nag-a-alala rin siya sa pinsan niya,
"Magagalit si Elisha 'pag 'di ka kumain at alam mo naman ang isang iyon,hindi ba?"
Ngumuso siya ng tingnan niya ako bago kinuha ang hawak ko.
Napangiti nalang akong minatyagan siyang kumain hanggang sa maubos niya ang dala ko para sa kanya.
"Masaya ka naman ata?"
Lumingon ako sa likuran ko at nakakunot ang noo ni Ara ang bumungad sa akin.
"Hindi ba pwedeng maging masaya kahit na may bahid ng lungkot?" Tanong ko sa kanya para titigan niya ako.
"At sa tingin mo tama iyang ginagawa mo?" Nagulat naman ako ng ilatag niya sa harapan ko ang dalawang bote ng alak.
Saan niya naman nakuha iyan?
"Mas maganda kung kasama mo ito 'di ba?" Nakangising sabi niya bago binuksan ang hawak na alak at binigay sa akin.
"Tama ba itong ginagawa natin?"
"Na ano?"
"Iyong ganito,nagsasaya tayong dalawa samantalang may dalawang tao na nasasaktan."
"Bakit kailangan ba na damdamin natin ang nangyari? Sa hawak nating dalawa na alak ilabas natin ang lahat ng sakit na nararamdaman ng puso natin sa tuwing iinom tayo." Aniya sabay inom ng hawak niya.
Napangiwi naman ako ng makita ko ang mukha niya na halatang 'di nagustuhan ang iniinom niya.
Tirik na tirik ang araw ay umiinom kaming dalawa para ilabas ang hinanakit namin sa ilang araw na nangyari sa amin.
Nakakasiguro ako na nagsisimula palang kami bumagsak ako sa damuhan ng maubos ko ang laman ng alak na hawak ko.
Narinig ko pa na nagsasalita si Ara pero 'di ko na siya pinansin.