Dead Or Alive

1737 Words
08:30 AM Napatitig ako sa babaing walang malay sa harapan ko ngayon. Hindi ko inaakalang makikita ko siya ng ganito ang sitwasyon niya. Dapat ba ako magpasalamat sa taong nagbigay sa akin sa babaing 'to? "Anong gagawin mo diyan kapag nagising 'yan?" Tinititigan ko lang ito bago nilingon ang katabi. "Panandalian lang 'to dahil sa oras na malingat lang siya ay ang totoong punterya ko ang mawawala sa kanya,"ngumisi ako bago umupo sa upuang kahoy na nasa harapan ng babaing walang malay. "Hindi ka ba natatakot sa kanya na bumalik siya dito?" Natahimik naman ako sa sinabi nito,'di ko naisip ang bagay na 'yan "Iba ng ang takbo ng buhay niya,"agad kong kinuha ang tasa upang humigop ng mainit na kape. "Pero anong dahilan niya para bumalik dito?" Iniwas ko ang tingin sa kanya,"dahil sa isang tao na 'di ko inaasahan na makita ulit sa tagal na panahon ang nakalipas." "Ang taong kasama niya ba ang tinutukoy mo?" Tumango ako at ngumiti na tumitig sa kisame,"masaya ako na makita siyang buhay sa panahon na wala ako sa tabi niya." Humila siya ng silya papunta sa puwesto ko na may ngiti sa labi na umupo. "Kuwento ka naman sa pinag-samahan ninyong lahat," Kumunot ang noo ko sa sinabi niya,"para saan pa? Iniwan nila ako dahil sa taong 'yon." Puna ko na may galit na tuno. "Hindi mo manlang ba inalam ang totoo?" Ang kulit niya talaga, Hinarap ko siya ng may inis,"bakit ka ba nandito? Gawin mo na kaya ang pinapautos ko sayo ng matapos na ang trabaho mo." Ngumuso naman siyang tumayo sa pagkakaupo, tinitigan niya muna ako bago nagpapadyak na tinalikuran ako at lumabas ng silid. "Nasaan ako?" Napangisi naman akong tumingin sa kaharap ko na pilit inaalis ang sarili sa pagkakagapos. Mabuti nalang talaga at nakatabon ang mukha niya para 'di ako makilala. May panginabang rin pala ang isang 'yon, "Kamusta ka?" Tumayo ako sa pagkakaupo para lapitan siya. "Sino ka?" Tanong niya na may bahid ng takot. "Isang tao na 'di muna dapat malaman," Nakakamangha lang siya dahil nakuha niyang ibaling ang paningin sa kinatatayuan ko. "Anong kailangan mo sakin? Paano mo nagawa ang bagay na 'yon?" Sunod-sunod na tanong niya. Napangiwi naman akong napatitig sa kanya dahil sa sunod-sunod niyang tanong. Pero napalitan rin agad ng ngisi,humakbang ako para sana hawakan siya pero 'di ko na nagawa dahil sa pangyayaring 'di ko inaasahan na ginawa niya. "Bwisit!" Daing ko,napaluhod ako dahil sa sakit ng ginawa ng babae sa akin. "H'wag mo akong hawakan!" Sigaw niya. Tumayo ako kahit namamanhid ang gitna ko ay wala akong pakialaman dahil naiinis ako sa kaharap ko, ngunit ang katutuhanan na kailangan ko pa siya ay 'di ko siya makuhang patayin kaya naman... gano'n nalang ang gagawin ko sa kanya. "Alam mo bang naiingganyo ako na makita kang nahihirapan?" Mariin kong hinawakan ang baba niya para iharap siya sa akin. "B-bitawan mo 'ko,"aniya na parang iiyak na. "Tsk,"sinampal ko siya nang dahilan para tuluyan siyang humikbi sa harapan ko. Hindi ganito ang inaasahan ko,pinahihirapan ako ng taong 'yon. Ayaw niyang ibigay ang nais ko? Sige,bibigyan kita ng dahilan para ibigay mo ang gusto ko Nagsimula akong lumakad papunta sa likuran niya,"magbibigay ako ng mensahe sa mga kaibigan mo." Nilapit ko naman ang mukha ko sa gilid ng nakatalikod niyang mukha bago lumuhod. Napangiti naman ako sa ganda ng mga diliri nito sa kamay. Sayang nga lang at 'di niya na magagamit "A-anong ginagawa mo sa kamay ko?" Binitawan ko muna ang kamay niya at tumayo sa pagkakaluhod bago binusalan ang bibig niya. "Ang ingay mo,"bumalik ako sa ginagawa ko,ngunit napahinto ako ng wala sa oras ng mapansin ko na wala pala akong gamit para sa gagawin ko. "Hasyt, bwisit!" Tumayo ako bago nilingon ang paligid ko para maghanap ng mabilis na gamit para pangputol. Nagpapadyak ako ng walang makita sa paligid ko,"bakit kase dito ko naisipan na dalhin siya?" Napasabunot nalang ako ng buhok ko at muling bumaling-baling sa paligid ko. Nabaling ko ang paningin sa pinto ng niluwal nito ang kasama ko. "Oh bakit?" Inosenteng tanong niya sa akin ng makalapit siya sa akin. Pinanood ko siyang kumilos sa paligid ko ng mapansin ko ang nasa tagiliran niya. Kasalukuya'ng naghahain siya ng makakain namin ng lumapit ako sa kanya at walang pakundangan kong kinuha ang maliit na kutsilyo na ikinabigla niya. "Oy, anong gagawin mo diyan?" Nakakunot ang noo na tanong niya bago kinuha ang pirasong tinapay sa lamesa at muling tumingin sa akin ng may pagtataka. "Bakit ang bilis mo naman atang bumalik?" Umiwas naman ako sa tanong niya at mas maganda na ilayo ko ang usapan naming dalawa. Hindi pa sa oras na'to na malaman niya ang totoong gagawin ko sa babaing 'to Ngumiti lang siya,"nakarating na ang mga bisita mo." Natigilan naman ako sa narinig ko sa kanya. Minamadali niya? Gusto kong matawa dahil sa naisip ko sa lalaking 'yon pero nakakasiguro ako na haharap siya sa akin ng handa at may panindigan na dapat ko ng asahan sa taong 'yon. Hihintayin kita, "Magandang balita kung gano'n,"tugon ko sa kanya na may ngiti sa labi. "Tulad ng sinabi ko sayo ay gano'n lang ang gagawin mo," "Ano na ang gagawin mo diyan?" "Ako na ang bahala sa kanya," Tiningnan niya muna ako bago niya nilingon ang babaing nakaupo sa upuang kahoy,"napansin ko lang na ang tahimik ng babaing 'yan. Anong ginawa mo?" Inosenteng tanong niya sa akin. Lumapit naman ako sa kaharap ko at marahas na kong hinawakan ang buhok nito para itingala. Nilingon ko ang kausap na may ngisi sa labi,"alam mo namang ayaw ko na maingay 'di ba?" Binitawan ko naman agad ito. Bumuntong-hininga siya,"para sa kanya ba 'yang hawak mo?" Turo niya sa hawak ko. Naibaba ko ang tingin ko sa kaliwang kamay ko na hawak ang kinuha kong kutsilyo sa kanya. Inangat ko ang hawak ko para iwagay-way sa harapan niya. "Ito ang paraan ko sa pagbigay ng mensahe sa kanila," "Paano?" "Manuod ka,"ngumisi ako na tumungo sa likuran ng babae bago lumuhod. ༒︎ Miracle's Point Of View 02:40 PM "Ano? Masakit pa rin ba ang ulo mo?" Nakakunot ang noo ni Raphael habang nasa likuran ko siya para hilutin ang sintido ko. "Sino na kase nagsabi na uminom kayo?" Namaywangan naman sa harapan ko si Cedric na halatang 'di niya nagustuhan ang ginawa namin ni Ara. "Kinosente iyan ni Ara kaya uminom,"sinulyapan ko si Ethan na siyang nagsalita. "Ano ka pa,"sang-ayon ni Green para ikataka ko. Anong nangyari sa kanila at nagkakaganito sila? Hinanap ko naman ng tingin si Daisy at napangiti naman ako ng makita siyang natatawa na inaasikaso si Ara. "Ayos na,"tumayo naman ako sa harapan nilang apat para ipakita na kaya ko ang sarili ko. Humakbang ako ay naging maayos naman pero ng ihakbang ko na ang kanan kong paa ay muntik na akong madapa at nagpapasalamat nalang ako dahil nasa harapan ko si Cedric na naging dahilan nang lapitan niya ako para alalayan. "Hindi mo pa kaya,"umiiling-iling na sabi niya. "Pero kailangan ko na bumalik sa katinuan ko," "May apekto pa din ang alak sa katawan mo." Tiningan ko lang si Ethan bago nilingon si Ara at binalik ang tingin sa apat na nasa harapan ko. "Hanapin natin siya,"pagtutukoy ko kay Elisha. Tumingin muna sila sa isa't isa bago tiningan ako. Sana maging maayos na, ༒︎ 04:30 PM "Paano kaya kung maghiwalay-hiwalay tayo?" Suhestyon ni Raphael na nakaupo sa bato na nakapatong sa ugat ng puno na katabi niya. "Tama siya, mapapadali natin ang paghahanap kay Elisha," Sang-ayon ni Daisy na bumalik na sa ulirat. "Paano naman kung isa sa atin na naman ang mawawala,'di ako papayag sa sinabi mo Raphael." Katwiran ni Ara na nakasandig sa katawan ng puno, nakaharap siya sa akin samantalang nakahilig naman ang ulo niya kay Raphael. "Pero mapapadali natin ang paghahanap sa kanya,"giit ni Ethan para ikanguso ni Ara. Sumang-ayon nalang kami at napagdisesyonan na ihahati kami sa dalawang grupo. "Sobra ng isa,"singit ni Raphael na nakatingin kay Daisy kaya lahat kami ay napatingin sa kanya. "Sa amin kana Daisy," Nilingon ko si Cedric ng siyang nagsalita. "Oh ayan sakto na,ikaw cedric at kayong dalawang babae ay sasama sa kanya." "Hep,hep,"awat ni Ara kay Raphael. "Bakit ako sasama kay Cedric? Aba! Dapat kasama ko ang kaibigan ko,"nagulat naman ako ng hilahin niya ako papunta sa puwesto niya. "Hindi pwede!"hindi naman ako makapaniwalang tumingin kay Ethan ng hawakan niya ang braso ko at hinigit papunta sa kanya. Nangungusisang inobserbahan ko si Ethan na iniwas ang tingin sa akin ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. Nabaling ko ang paningin kay Ara na nakahalukipkip ang braso nito habang ang kilay niya ay nakasalpok na nakatingin kay Ethan. Bakit ako ang na pagdeskitahan nilang pag-agawan? "Tigilan mo na 'yan,"sita ni Green kay Ethan at sinulyapan lang si Ara bago binalik nito ang paningin sa kaibigan. "Sa akin siya sasama." Wala akong nagawa ng tumayo siya bago humakbang palapit sa akin na 'di nakapag-imik si Ara dahil malayo na ako sa kanila. "Bakit mo naman 'yon ginawa?" Inis na tanong ko sa kanya ng balingan ko siya ng tingin. "May nakita akong kahina-hinala," Kumunot ang noo ko na tinitigan siya,"ano naman 'yon?" Tiningnan niya lang ako,"about Elisha." Natigilan ako dahil sa narinig ko. Anong ibig niyang sabihin? Huminto kaming dalawa sa malaking puno na nasa harapan namin. "Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanya ng tingnan ko siya. Sinundan ko lang siya ng tingin ng lumuhod siya sa harapan ng puno at parang may pilit siyang kinukuha sa malaking butas. Nang mailabas niya ito ay bumungad sa akin ang itim na kahon. Tumayo siya at humarap sa akin. "Ba—open it,"inilahad niya sa akin ang hawak niya. Nag-a-alalangan pa ako ng una pero wala na akong nagawa ng kunin niya ang kamay ko at inilapag ang maliit na kahon sa kamay ko. Nang buksan ko ito bumungad sa akin ang puting papel na may bahid ng dugo. Dead or Alive Kukunin ko na sana ang sulat ng umalingasaw ang malangsang amoy sa kahon. "D-daliri!" Nabitawan ko ang kahon at doon bumungad sa akin ang putol na daliri. Sinong gumawa nito? Bahagyang umatras ako dahil sa takot na nararamdaman ko. Bakit gano'n? Sinong may gawa no'n? Anong kasalanan namin sa taong nagbigay sa amin ng daliring iyan? Bago pa ako magkalat sa harapan ni Green ay tinalikuran ko na siya at tumakbo para bumalik sa mga kasama namin. Hindi ko kaya 'to,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD