6

3534 Words

KATE "Kuya? Are you okay? May nasabi ba akong masama?" sunod-sunod na tanong ko kay kuya dahilan para mapahinto ito. Lumapit ako at pumunta sa harapan niya. Nag-iba rin ang reaksyon sa kaniyang mukha. Ang kaninang maaliwalas na mukha ay bigla na lamang nangulimlim. Biglang napalitan ng pait ang matamis na ngiti na kanina'y naka-ukit sa mga labi nito. "Kuya?" Muling sambit ko habang mataimtim na nakatingin kay kuya. "May problema ba? May masakit ba sa 'yo?" nag-aalalang tanong ko ngunit nanatiling tahimik si kuya mula sa kanyang pagkakatayo. Hindi man sabihin ni kuya ay ramdam ko na mayroong bagay na bumabagabag sa kanya. Nakita kong humigpit ang pagkakahawak ni kuya sa polo shirt na nakasampay sa ibabaw ng kanyang balikat. Bahagyang ikiniling ni kuya ang kaniyang ulo sa gawing kanan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD