Tristan
HABANG nasa meeting ako with my staff, panay lang ang kagat ko sa mamahalin kong ballpen. Nakatitig ako sa laptop ko ngunit hindi naman talaga roon ang nakatuon ang atensiyon ko ng isipan ko. Hindi pa rin nawaglit sa isipan ko ang nangyari noong isang araw sa pagitan namin ni Georgette.
I remembered her face, her lips, her legs and her seductive moves. Ilang beses din akong nagpigil at heto ako ngayon na pinagkasya ang sarili kong isipin na lang siya. Hindi ko rin makalimutan ang feminine scent niyang naaalala ko ang amoy nito. God! Move on na ako pero bakit ganito pa rin ang epekto niya sa akin? Hindi na dapat pa kaming magkita pa dahil sa tuwing nangyayari iyon, disaster ang nagaganap.
“Sir, Tristan?” untag ng isang staff ko.
“Y-Yes?” tanong ko. “Where are we?” Nagkatinginan ang mga ito. “Uhm, kung wala na kayong sasabihin pa, let’s end this meeting.”
“S-Sir… kakaumpisa pa lang po natin. May problema po ba?” tanong ng isa sa manager ng showroom ko sa Makati.
“Ganoon ba? Well…” Umayos ako ng pagkakaupo. “Tapos na ang meeting natin. Re-schedule niyo na lang at…” Tumayo ako kaagad. “I have to go.” Malalaki ang mga hakbang kong naglakad palabas ng conference room.
“P-Pero, Sir Tristan!” sigaw ng sekretarya ko. Sinundan niya rin ako hanggang sa paglabas ko.
“May important meeting ako sa labas, Ara. Just tell them na may lakad ako.”
“S-Sir, m-may meeting din kayo ni Miss Sabina mamayang gabi.”
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ang sekretarya ko. “Sabina?” Tumango siya. “Just tell her, I will meet her tomorrow night.”
“S-Sige, ho.”
I fixed my coat and then I walked through my office. May kinuha lang akong gamit ko saka ko nilisan ang opisina ko. May balak kaming tumungo sa restobar ni Kaiser na madalas naming tambayan ng mga kaibigan ko. Dadaanan ko pa si Rendell sa kanilang bahay at ayon sa kaniya, nagpapalamig lang siya.
Pagdating ko naman sa kanila, sinalubong agad ako ng kaniyang katiwala. Inihatid pa niya ako sa sa sala kung saan naroon si Rendell na may hawak na cold compress. Nagpapalamig nga naman.
“Hey!” sambit ko sa kaniya nang naroon na ako sa malawak niyang sala.
“Hi,” seryoso niyang bati sa akin.
“Oh, what happened to your face, bro?” Agad akong umupo malapit sa kaniya.
“Wala lang ito at tumama lang sa pinto,” tugon niya.
“Tumama sa pinto? Oh, c’mon!” Sumilip pa ako sa pisngi niya. “Iyan ba ang tumama sa pinto at mukhang namumula iyan. Napakalakas naman yata ng pagkakatama mo sa pinto. Are you sure?” Ayokong maniwala sa mga sinasabi niya at mukhang sinampal siya ng babae. “Mukha kang sinampal ng kung sino.”
“It doesn’t matter, bro.” Ipinilig niya ang ulo sa sofa. “Napa-trouble lang naman ako.”
“So, hindi talaga iyan tumama sa pinto katulad nang sinasabi mo? Care to share? Pwede mo naman itong sabihin sa akin habang wala pa rito ang bestfriend ng bayan na si Raven.”
“Malayo ito sa bituka. Naligaw ka yata?” tanong niya saka siya sumulyap sa akin.
“Nakalimutan mo yatang nagyaya si Kaiser sa restobar niya. Gusto ko rin naman uminom at mukhang kailangan ko ito.”
“Sounds new. May problema ka siguro kaya gusto mong uminom?”
“Uhm, not so. Mga kaunting problema lang na dapat lusutan.” Gusto kong makalimot sa mga nangyayari sa buhay ko nitong mga nakaraang araw.
“Business?” tanong niya.
Umiling ako sa kaniya.
“Babae?” hula niya.
Hindi ako sumagot. Since pareho naman kaming tila may problema sa babae, nanahimik na lang ako.
“Babae nga.” Napahugot siya nang malalim na buntong hininga. “Sa lahat ng mga bagay na dapat nating pagtuunan ng pansin, babae pa rin ang sentro ng ating problema.”
“Women are headache sometimes. Idagdag mo na ang kapatid kong patay na patay sa kapitbahay naming si Kameron Severino. Gusto ko na siyang ipatapon sa malayong lugar. Ano sa tingin mo?”
Napangiti na lang siya sa akin saka siya umaayos sa pagkakaupo. “Huwag na huwag mo iyang gagawin, bro. I’ll go with you.” Tinanggal na niya ang cold compress sa mukha saka siya tuluyang tumayo. “I’ll change my clothes.”
Napapailing na lang ako at hinintay siya sa sala. Alam ko namang babae ang dahilan ng pagkakasampal kay Rendell kahit hindi niya aminin sa akin. Makalipas ang ilang oras, muli siyang bumaba. Sabay na rin kaming nagtungo sa restobar ni Kaiser.
PASADO alas-otso ng gabi nang dumating kami sa restobar ni Kaiser. Maaga pa lang pero crowd na ang lugar dahil dinadagsa rin naman ito ng mga tao. Ang ganda ng ambiance ng restobar ni Kaiser at world class ang dating. Nakapuwesto na kami sa isang sulok kung saan madalas naming tinatambayan.Tampulan din ng tukso ang kaibigan naming si Rendell dahil namumula pa rin ang pisngi niya ngunit hindi na katulad kanina.
“Sino ang sumampal sa iyo, Rendell? Dapat pagbayarin natin siya,” wika ni Wigo.
“Wala ito,” tugon naman ni Rendell.
“Sinampal iyan ng ex niya,” direkta kong tugon. Ipinaalam ko na agad sa kanila para hindi na sila mag-isip pa.
“What?!” natatawang wika ni Wigo. “Ginawa iyan ng ex-girlfriend mo? Hindi ka man lang umiwas at sinalo mo lahat ng sampal niya?”
“Nabigla ako,” tugon ni Rendell. “Hindi agad ako nakaiwas.”
Nagtawanan kami para kay Rendell pero naging seryoso rin. Minsan, hindi lang negosyo ang pinag-uusapan namin, isama na riyan ang mga babae. And speaking of them, napuna ko na ang pagpasok ni Georgette kasama pa ang isang babae. Naalala ko siya dahil minsan ko na rin siyang nakilala noon at ang babaeng first love ni Rendell. Si Riexen Clave.
“Speaking of the girls.” Napatingin si Kaiser hindi kalayuan at sumunod naman ang iba.
Lahat kami ay nakatanaw sa kanilang direksiyon sa bar counter at ilang sandali pa, may mga lumapit sa kanilang dalawang lalaki. Nakaamoy na agad kami na may hindi magandang gagawin ang mga ito kaya alerto na kami.
Ang kaibigan ko na si Rendell, kinuha ang baril niya sa likuran niya. Tumayo na rin ako kasabay nila dahil hindi ko na rin nagugustuhan ang kilos ng mga lalaking ito. Gette, bakit ba laging nasa magulong sitwasyon? Bakit laging napapa-trouble ka? Sa tuwing nagtatagpo tayo, gulo ang dulot mo. I sighed. Napailing na lang din ako sa huli.
Tama nga kami, hindi nga maganda ang nangyayari sa mga ito. Nakita pa naming nagkagulo sa bar counter hanggang sa pagtulak ng pinsan ni Georgette sa lalaki at nabasag ang basong may lamang alak.
“Oh, my god!” sigaw ng mga naroon.
“Matapang kang babae ka! Ipakita mo sa akin iyang tapang mo kung hindi bubutasan ko ang leeg ng kasama mo!” banta ng lalaki.
Bakas sa mukha ni Georgette ang takot nang pagmasdan ko siya. Lalapit na sana ako ngunit pinigilan ako ni Rendell. Si Kaiser naman na sumenyas sa dalawang security na maging alerto.
“Let her go,” sambit ni Rendell.
Mas lalong natakot at humiyaw ang mga tao sa loob nang itutok ng kaibigan ko ang baril niya sa ulo ng lalaki. Natigilan ang lalaking ito saka binitawan si Georgette.
“Riex…” Nagmamadali siyang lumapit sa pinsan niya ngunit nakita na niya ako.
Itinaas naman ng dalawang lalaki ang kamay nila hanggang sa naging maayos na ang tensiyon sa loob. Ini-utos din ni Kaiser na ilabas ang dalawang lalaki at sinabihan ang mga customer na huminahon na. Sa totoo lang, nag-aalala ako sa sitwasyon niya.
“Hey… May sugat ka,” wika ko.
“Tristan?” Bahagya siyang nagulat at noon lang yata niya na-recognize ang presensiya ko. Maya-maya lang, napahawak siya sa leeg niya.
“Let me help you.” Nag-atubili akong dumukot ng panyo sa bulsa ko at inilagay sa leeg niya. “Halika.” Hinawakan ko ang braso niya at niyaya siyang lumabas kami.
Narinig na lang namin ang pagtawag ng pinsan niya ngunit nagmamadali na lang kaming nagtungo sa parking lot. Pagdating namin sa kotse ko, binuksan ko ang harapan upang sumampa siya. Naramdaman ko na lang din na lasing na lasing na siya at kahit paglakad niya, hindi na diretso.
“T-Tristan… S-Saan mo ba ako dadalhin?” tanong niya.
“Sumakay ka na,” seryoso kong wika.
“H-Ha? S-Saan mo nga ako dadalhin?” muli niyang tanong.
“Sakay na,” mariin kong sabi.
Sumakay naman siya ngunit padabog. Ako naman na isinara ang pinto at lumihis upang sumampa sa driver’s seat. Minani-obra ko ang kotse palayo sa restobar ni Kaiser. Hindi na rin naman ako hahanapin ng mga loko dahil alam na nila ang diskarte ko.
Dinala ko si Georgette sa condo unit ko na malapit lang sa showroom ko sa BGC. Magkatapat lang ang unit namin ni Wigo, at katabi ko naman ang unit nina Kaiser at Raven. Sa unahan naman ang unit nina Rendell, Zack at Kameron.
“T-Tristan… H-Hindi naman ito ang bahay namin…” usal niya habang naglalakad kami patungo sa unit ko.
“Will you please… Damn it, Gette! Nagpapakalasing ka, hindi mo naman pala kaya. Kamuntik ka pang mapahamak sa mga lalaking iyon at tingnan mo nga iyang ayos mo!” pinagalitan ko pa siya.
“A-Ano ba kasi⸻hek! A-Ang ayos ko?” Lasing na nga siya at kahit ang salita niya, hindi na tuwid. Wala na nga siyang lakas na maglakad pa ngunit inalalayan ko naman.
“Umayos ka kung hindi, ihuhulog kita sa bintana!”
“Eh. ‘di ihulog mo…” Bigla siyang nawalan ng balanse at kumalas sa pagkakahawak sa akin. “Ay!!” hiyaw niya.
“Georgette!” Humandusay si Georgette pasilyo sa tapat ng unit ko kaya agad ko siyang kinarga. “Damn you, woman! Halika’t⸻shit!”
“Tristan…” anas niya. Ilang beses din niyang inulit-ulit ang pangalan ko hanggang sa pumasok kami sa loob. “T-Tristan…”
Inihiga ko siya sa kama ko. “Tumigil ka na sa kakatawag pangalan ko at hindi ako aso…”
“A-Aso lang ba.. ang t-tinatawag? U-Unggoy ka… U-Unggoy ka…”
Asar talo na naman ako sa tuwing sinasabi niyang unggoy ako. Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya. “A-Akala ko ba lasing ka?”
“L-Lasheng… a-ako? L-Lasheeng? I-I hate you, T-Tristan… F-Ferrer!”
“I hate you too!” Inilayo ko ang sarili ko sa kaniya at baka maubos na ang pasensiya ko.
Bumangon siya. “T-Tristan… na-i-ihi ako…” Tumayo siya ngunit nawalan ulit ng balanse.
“s**t!” Mabilis ko siyang sinalo.
“T-Tristan… n-naiihi n-na ako…” Inipit niya ang mga paa niya na talagang ihing-ihi na.
Halos na-wendang ang mundo ko nang kargahin ko siya na parang bata at dinala sa banyo. Halos pumutok na ang sentido ko sa pagiging isip-bata ni Georgette habang lango siya sa alak. Ngayon ko lang siya nakitang ganito at hindi maganda ang tama ng alak sa kaniya. What if she did it to the other men? Paano kung ibang lalaki ako at may ginawa sa kaniyang kalokohan? Why do I care to her?
“T-Tristan…”
“What?!” inis kong tugon.
“S-Stay there…”
“Georgette… you’re going to pee! Anong gusto mo? Gusto mong nandito ako sa tapat ng pinto habang umiihi ka riyan?” galit na ako. Hindi na rin tama ang ipinapakita niya at sobra na.
“B-Basta! D-Diyan ka lang!” Ini-angat niya ang skirt niyang suot at ibinaba ang undies niya.
“S-s**t!” mura ko na naman. Hindi ako tumingin habang napahilot na lang ako sa sentido ko. God, Georgette! Hindi rin ako umalis sa kinatatayuan ko. Nagsisi na ako kung bakit ko pa siya isinama rito at ilang saglit lang…hindi na siya umiimik. Ilang minuto na rin ang nakalipas nang pindutin niya ang toilet flush.
Ayoko sanang lumingon dahil respeto na lang din sa kaniya ngunit hindi ko rin natiis. I turned my gaze to her but then again…I was stunned. Nakatulog na siya sa kinauupuan niya at mabuti na lang tapos na siya. f**k! Napamura na lang ako sa isipan ko habang dinaluhan siya. Muli ko siyang kinarga at dinala sa kama ko. Ang masaklap pa, kailangan ko siyang palitan ng damit.
This isn’t right, Tristan! Bahala na kung magalit siya. And I did it. Pikit-mata na lang ako habang pinalitan ko siya ng damit niya. Mahimbing na rin naman ang tulog niya at patawarin nawa sana ako sa itaas. Kaya lang, umandar din ang kapilyuhan ko sa kaniya. Malaya ko naman pinagmasdan ang babaeng hanggang ngayon, hindi pa rin talaga ako nakaka-move on.