Chapter 6

1923 Words
Tristan “Tristan, tapos na ba?” tanong niya. “Hindi pa,” pagsisinungaling ko. Hindi ko lang masasabi-sabi sa babaeng ito na kanina ko pa tapos nilagyan ng band-aid ang kaniyang hita na may sugat. Malaya ko lang pinagmasdan ang hita niya na kanina lang ay sinabihan kong hita ng alimango pero hindi. Alam ko sa sarili ko na isa akong matapang na lalaki na kayang pigilan ang tukso pero ang babaeng nasa tabi ko ngayon, god! Isa lang ang gusto kong gawin sa kaniya, gusto ko siyang yapusin sa mga braso. Gusto kong idampi ang mga labi ko sa kaniyang mapuputing hita. Yes! And she has that perfect shape of legs. Sabihan niyo na ako ng kung ano pero lalaki ako. Hindi ko alam kung kaya ko pa ba hanggang sa naisipan ko na lang na haplusin ang kaniyang hita hanggang sa gitna ng dalawang hita niya. Dinama ko kung ano ang hugis nito, iniisip ko na rin kung ano ang bango nito na kay halimuyak ng sampaguita at kung paano ko siya babaliwin sa mainit kong paghalik. Damn! Bakit ba ako nagkakaganito? Nababaliw na ba ako? Nag-iisip na ako ng mga kamalian na hindi dapat gayong nangako na ako sa sarili kong hindi na. Tama na ang mga panahong…naging bahagi rin siya ng kabaliwan ko. Hindi na ako dapat apektado sa nararamdaman ko dahil gusto kong maranasan niya ang naranasan ko noon, ang maiwan. “Hoy, Tristan!” untag niya. “H-Huh?!” Nanumbalik ako sa kasalukuyan, and I was slightly shaken my head. “What?!” galit kong tugon. Ayokong malaman niya ang mga iniisip ko. God! What are you doing, Tristan? Hindi ako ito. Curse it! “Ang sabi ko kung tapos na ba? Lalagyan mo lang iyan ng alcohol at band-aid, tapos ang tagal-tagal pa!” reklamo niya. “Tapos na, kamahalan. Oh, heto ang gamit mo!” Halos pabagsak ko pa itong inilagay sa tabi niya. Napaismid siya. “Salamat, ha,” sarkastiko niyang sabi. “Bumaba ka na at kailangan ko ng umalis,” wika ko. Napatingin siya sa labas ng sasakyan. “Tristan, nandiyan pa iyong mga malalaking aso. H-Hindi ba pwedeng ihatid mo ako kahit sa gate lang?” “Where’s your car?” “May lagnat ang sasakyan ko kaya hayun, nasa bahay. Hindi ka ba maaawa sa akin at kunsensiya mo na kapag nilapa ako ng mga aso,” pagsusungit na naman niya. “Hindi charity itong kotse ko, madam. But since mukhang kaya mo ang magbayad ng gas ko, sige, ihahatid na kita. Saan ba ang punta mo?” “Ano?! M-Magbabayad pa ako ng gas mo? Ikaw talaga, ang kuripot mong unggoy ka!” “Magbabayad ka o hindi?” asik ko. “S-Sige na. S-Sige na! Magbabayad na ako kahit e-full tank ko pa!” Bakas sa mukha niya ang labis na inis sa akin. “Ayan. Nagkaintindihan din tayo. Lumipat na tayo sa harapan.” Binuksan ko ang pinto ng kotse at bumaba. Sumunod naman siya sa akin na tila nagmamadali pa. Marahil ay natakot sa mga aso sa unahan na malalaki nga naman. “Ang yaman-yaman mo tapos naniningil ka pa ng pang-gas,” reklamo na naman niya. “Natural. Mahal na ang litro ng gas ngayon. Iyang pang-grab mo, akin na lang. Sakto at wala ng gas itong si Kotkot.” “Who is he? Itong kotse mo?” “Oo.” Sumampa na ako sa driver’s seat at siya naman sa passenger’s seat sa harap. “This is my baby.” “Baby? Pati iyong kotse, may pangalan na rin. Hanep!” Umiling ako saka ko minaniobra ang kotse. “Alam mo, hindi pa rin nagbago iyang ugali mo. Napakabulgar mo pa rin magsalita. Iyan ba ang natutunan mo sa ibang bansa?” “So? Eh, ano naman? Magmaneho ka na lang diyan at ihatid mo na ako.” Pinagsalikop niya ang kaniyang mga hita na tila inaakit na naman ako. God! Ibinaling ko ang tingin sa kalsada. Huwag sana akong magkasala at ako’y mabuting nilalang na. Niluwangan ko ang pagkakatali ng necktie ko dahil nakasuot ako ng business suit. I have my meeting this afternoon pero dumaan muna ako sa bahay ni Wigo dahil may kinuha lang ako. Late ko na nalaman na magkapitbahay lang pala sina Wigo, Kaiser at Riexen. “Saan ka ba magpapahatid?” “Sa lalaki ko,” taas noo niyang sagot. “Lalaki⸻ano?” ulit ko. Tila nabingi yata ako sa sinabi niyang sa lalaki niya siya magpapahatid. “Maayos akong nagtanong, Gette.” “Sa lalaki ko nga. May date ako.” “May date ka pero hindi ka man lang nagpasundo,” inis ko. “Dumaan ako sa pinsan ko, okay? At sinabi ko naman na sa may gate lang ako dahil pwede naman akong mag-taxi. Ikaw itong nag-i-insist na gusto mong ihatid ako pero ako magbabayad ng gas mo. Ang labo mo rin kausap, ha.” “Oo. Ako na ang malabo. Tumahimik ka na lang at hawak ko itong manibela.” “Fine.” Tumahimik na siya as what I said. Dumaan muna kami sa isang gas station at nagpa-gas. Dumukot pa siya ng pera niya sa wallet niya pero hindi ko rin naman tinanggap. Nagbibiro lang naman akong singilin siya at saka na lang ako maniningil kapag kailangan na. “Akala ko ba, ako ang magbabayad? Nag-iba agad ang ihip ng hangin?” “Na. Thank you. Sasakyan ko ito at nakakahiya naman sa ihahatid ko sa lalaki niya kung siya pa ang magbabayad,” mariin kong sabi sa salitang lalaki. Hindi na maganda ang timpla ko lalo na nang marinig kong makikipag-date siya. So, ano naman kung makikipag-date siya? “Sinabi mo iyan, ha. Huwag mo na akong sisingilin.” “Hindi na.” Nagmamaneho na ako palayo ng gas station. “Gette…” wika ko. “What?” Sumulyap siya sa akin. “Just promise me that this is the last. I mean…huling pagkikita na sana natin ito.” “Sure! Pero hindi ko maipapangako na magtagpo tayong muli dahil hindi ako may-ari ng kalsada. Magpatayo ka na lang kaya ng sarili mong daanan. Skyway, pwede.” “Bumalik ka na lang sa ibang bansa.” “Malapit na. I’m just waiting for my cousin na e-handle niya ang negosyo ng pamilya dahil may buhay din ako sa ibang bansa. Itong bansa mo, sa iyong sa iyo na. Akala mo naman ang lalaking ito, may-ari ng Pilipinas! Hindi ka pa siguro maka-move on, ano?!” Bigla kong inapakan ang preno ng sasakyan at napahinto. “Ayy!” sigaw niya. “Ano ba, Tristan?! Gusto mo bang magpakamatay?!” galit na naman siya. Sinulyapan ko siya. “May tumatawid.” Mga bebe ang tumatawid sa daan. Saan ba galing ang mga bebeng ito? “Anong tumatawid?” Sumilip siya sa unahan ng kotse. “May tumatawid nga.” Bumaling siya sa akin. “Matatanggalan ako ng matres sa pagmamaneho mo, alam mo ba? Hindi na ako magkakaanak sa ginagawa mo. My god!” “Gumagana pa ba iyang…” Hindi ko maituloy. Parang gusto ko na naman siyang asarin sa kadaldalan niya. “Matres ko? Huh! Authentic ito. Malamang, gumagana pa. I hate this day, my god! Siguro nga, tama ka. Kailangan ko na talagang bumalik ng ibang bansa at para hindi na ako malasin⸻” Natigilan siya. “Tristan…” “Ano?!” angil ko. “Tristan… parang… parang mayroon ako.” “Ano?!” Pasimple lang akong tumitingin sa kaniya at sa daan. “Tristan, itabi mo muna diyan sa fastfood chain at may sisilipin lang ako. I have, eh!” “Ha?!” Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa babaeng ito. Agad ko rin naman itinabi ang sasakyan at nag-park sa mismong tapat ng fastfood chain. Nagmamadali siyang bumaba ng kotse. “H-Hintayin mo ako rito.” Isinara niya agad ang pinto ng kotse pagkababa niya. Bumuntong-hininga ako sabay napasandal. Naiinis na ako sa mga kilos at pananalita niya pero deep inside, gusto ko pa siyang makasama. Napahilamos ako saka naisipan ko siyang sundan sa loob. Bumaba ako ng kotse upang pumasok sa fastfood chain kung saan nakigamit siya ng comfort room. Maya-maya lang ay biglang nag-ring ang cell phone ko sa bulsa ng trouser ko. Kinuha ko ito at naka-rehistro ang pangalan ni Georgette sa screen. She’s calling me and then I answered it. Naisip ko na naman na may kailangan na naman siya kaya napatawag. “Hello?” “Tristan! I told you, mayroon ako, eh. Can you just please buy me a sanitary pads. May nakita akong convenience store sa tabi ng fastfood chain. Please!” pagmamakaawa niya. “Wala ka bang dalang extrang… Damn it! Okay, fine! Bibili na ako.” Ibinaba ko agad ang tawag at napakamot sa ulo at muling nagmamadaling lumabas. Mabuti na lang at ilang hakbang lang ako sa convenience store kaya agad na nakarating ako dito. Pagpasok ko sa loob, dumiretso agad ako sa women section. Tumambad sa akin ang maraming brands ng sanitary pads at ako naman na…kaunti na lang at sasabog na. Hindi niya sinabi kong alin dito! Muli kong kinuha ang cell phone ko at tinawagan siya. “Hello, Gette! Alin ba rito ang kukunin ko?” “Nasaan ka na ba?” “Nasa sanitary pads section. With wings or without wings?” tanong ko. Gusto ko na rin matawa sa mga choices ko sa kaniya pero naroon pa rin ang pagkayamot ko. “May pakpak! Tristan, pwede bang bilisan mo?!” sigaw na naman niya sa kabilang linya. “Heto na! M-Malakas ba?” “Medyo! Teka, bakit mo ba tinatanong?” “Baka gripo na iyan at hindi na kaya ng sanitary pads. Gusto mo diaper na lang?” asar ko pa. “Gago ka ba?! Can you make it faster?” mura niya. “Heto na, okay?! Ibababa ko na ang tawag at babayaran ko na!” Ini-off ko agad ang phone ko dahil magpapanting lang tenga ko sa mga sasabihin niya sa kabilang linya. Pagkarating ko sa cashier, napangiti pa ang kahera. Binigyan ko na lang siya ng isang tingin na hindi na niya uuliting ngumiti pa sa akin. After that, patakbo na akong tinungo ang kinaroroonan ni Georgette hanggang sa maibigay ko ito sa kaniya. Sa labas na lang ako naghintay at nakasandal sa kotse ko. Habang hinihintay ko siya, naisipan kong buksang muli ang phone ko. Nagtitingin din ako ng mga emails sa akin at ilang sandali lang ang lumipas, lumabas na rin siya. Isinara ko ang lock screen ng phone ko, inilagay ito sa bulsa at sinalubong ang tingin niya. “Ano? Okay ka na?” tanong ko. “Okay na,” nakanguso niyang sagot. “Hindi mo ba alam kung kailan darating ang period mo at hindi ka man lang nagdala ng extra?” “Expected ko sana, sa susunod na araw pa. Malay ko ba na darating nang mas maaga.” “Tsk.” I sighed after. “Georgette Clave, sinira mo na ang araw ko, kamuntik mo pang tagusan ang kotse ko. Sumakay ka na at bago pa mandilim ang paningin ko sa iyo.” Hindi na siya umimik. Hindi ko alam pero naawa naman ako sa ipinakita niyang tila siya pa itong biktima. Wala akong nagawa kung hindi ipagpatuloy ang pagmamaneho ko at ihatid siya sa hospital. Hindi naman pala totoong may date siya at gusto lang yatang ipamukha sa akin na may ka-date nga siya. Cursed this day with you, Georgette!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD