Tristan “Akala ko, sa office na tayo magkikita,” wika ko kay Sabina matapos lumabas si Georgette sa unit ko. “You cancelled our meeting yesterday, Tristan. Akala ko, may hindi magandang nangyari sa iyo kaya personal na akong nagtungo rito. Mukhang naabala ko yata kayo ng babae mo.” “She’s not my woman, Sabina. Make yourself at home, and I need to take a bath.” “Okay.” Si Sabina ang isa sa mga manager ng showroom ko sa Alabang. Hindi ko naman na matatawag siyang girlfriend pero nagkakaroon lang kami ng ugnayan pagdating sa intimate relationship. No commitments. Hanggang pagpapaligaya lang ang alam namin sa isa’t isa at wala ng hihigit pa roon. Alam din naman niya ang tungkol sa mga naging babae ko at tumatagal lang sa loob ng isang linggo. Siya lang ang tumagal sa akin at hinayaan ko n

