Georgette “Tay, dapat regular ang pagpapatingin niyo sa akin once nakalabas na kayo rito at hindi niyo dapat binabawasan itong gamot na nasa reseta ko para sa inyo. Hindi naman ito nakakasira sa atay niyo dahil safe naman ang mga gamot na ibinibigay ko. Mahina na ang puso niyo at sa tingin ko hindi niyo na kakayanin ang surgery. I want the best for you so you need to choose the right medicine and healthy food,” paalala ko sa pasyente nang mag-rounds ako isang umaga. “Dok, sinabihan ko na ang tatay ko pero matigas pa rin ang ulo. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko dahil kahit kaming mga anak niya, nag-aalala na rin,” wika ng anak ni Tatay Nilo. Si Tatay Nilo ang isa sa mga pasyente kong may mahina na rin ang puso at hind na niya kakayanin pa ang surgery. Binigyan ko na lang ng alternati

