Hindi maipinta ang mukha ni Tristan nang malaman niyang may menstrual period ako. Alam kong sabik siya sa akin at ganoon din naman ako sa lokong lalaking ito na hindi man lang ako binalitaan sa lakad nila. Nagtatampo ako pero kapag nakikita ko na siya, nawawala na ang inis ko. Muli kong inayos ang robe sa katawan ko at tinakpan ang kahubdan ko. Mukhang nararamdaman ko na rin na magiging badtrip siya dahil alam naman na ang lalaki kapag may gusto at hindi nasunod, dalawang ulo ang iinit. God! Wrong timing naman kasi ang period ko. “Magbihis ka na at aalis na tayo,” wika niya. Tumayo na rin siya at muling isinuot ang kaniyang cotton shirt. “Ano ba kasi ang naisip mo at nandito ka sa kwarto ko? You can wait for me at the living room.” Tinungo ko ang mga susuotin ko sa small couch na inihan

