NAG-IINAT ako ng katawan ko nang magising ako isang umaga. Ayoko pa sanang bumangon pero tila nauulinigan ko na ang maingay na boses na nagtatalo sa labas. We are in a beautiful beach house and since we arrived last night, I never see the entire place. Gabi na kami nakarating kagabi pero maganda naman ang lugar at may mga ilaw sa paligid. Nag-iisa lang akong natulog sa malaking beach house na ito at sa magkabilaan naman ay ang daddy at si Tristan. Ang KJ talaga ng daddy at hindi man lang kami pinagtabi ni Tristan. Hindi ko tuloy masolo ang unggoy na iyon. Ipinusod ko ang mahaba kong buhok saka ako pumasok ng banyo. Kung kailan na magkakaroon na kami ng time na dalawa, saka naman umepal itong daddy ko. At sino na naman kaya ang nag-iingay sa labas? Akala ko peaceful ang lugar na ito katula

