bc

The CEO's Maid

book_age18+
124.6K
FOLLOW
1.5M
READ
possessive
arrogant
CEO
maid
mafia
bxg
enimies to lovers
Writing Academy
love at the first sight
wild
like
intro-logo
Blurb

COMPLETED

Natutong tumayo sa sariling mga paa si Charm nang namatay ang kanyang mga magulang. Dahil sa kahirapan sa probinsya napilitan syang lumuwas at makipagsapalaran sa Maynila. Batid nitong mahihirapan sya dahil hanggang highschool lamang ang natapos nya. Kaya napilitan itong mamasukan bilang isang kasambahay sa isang matandang babae. Ayos naman sa nakalipas na 3 araw nya sa bahay na iyon. Masaya sya kahit na sya lang magisa. Ngunit sa paapat na araw nya 'di nya akalain na magbabago ang masaya nyang pamumuhay bilang isang kasambahay. Dumating ang isang matipuno at gwapong lalaki sa bahay na pinagtatrabahuhan nya. Hindi nya lubos akalain na magiging empyerno ang buhay nya kasama ang tunay nyang amo.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
PAALALA Status: COMPLETED You may notice an adult setting in some chapters and if you're not comfortable at this aspect you may avoid those stuff. Don't worry because there's nothing reflected in the flow of the story. In other words, you'll understand the whole story even without reading that part. Many grammatical errors need to be remedied and I am sorry for that. I'll try my best to edit the errors immediately. Again, maraming grammatical errors, sana po ay maintindihan n'yo. If you have any questions about the story or things you need to clarify you may contact me through sss account, sss Group, and Email just search Red Rain Bow (sss Acc) and The CEO's Maid - Redrainbow (Official Group) DREAME. I'll try my best to answer your inquiries instantly. Happy Reading! -RdRnbw Kabanata 1 Naiiyak ako tuwing naaalala ko sina inay at itay, napaka agang kinuha nila sa akin ng panginoon pero wala akong magagawa kung iyan ang nakatadhana. Sa edad na dalwangput tatlo, haharapin ko na ang mundo. Habang nakatingin sa labas ng bintana nitong bus na sinasakyan ko, iniisip ko kung ano nga ba ang pwede mangyari sa akin sa Maynila. Ngayon lang ako makakarating sa lugar na iyon kaya medyo kinakabahan ako. Kung saan nalang siguro ako pulutin. Hindi ko naman ito gagawin kung wala lang talaga opurtunidad sa probinsya, mahirap ang buhay kaya kahit walang kasiguruhan tumuloy na ako. Tutulog muna siguro ako, saka ko nalang iisipin ang lahat ng problemang ito pag kagising ko. ~~~ Nagising na lamang ako ng may kumukulbit sa may balikat ko. "Ineng, gising na nandito na tayo." Isang mataba at may tangay tangay na yosi ang bumulaga sa akin, tingin ko'y ito ang konduktor. "S-salamat po," pagpapasalamat ko. Nakita ko ang mga nanlilisik n'yang tingin, binalewala ko ito. Inilibot ko ang aking mata sa kubuoan nitong bus. Ako na lang pala ang natitira dito. Mabilis akong bumaba ng bus dahil hindi ko na kaya ang mga malalaswang tingin nung matabang konduktor. Kasama ang dalawang bayong kung nasaan lahat ng aking gamit ay naroroon. Kasama ang isang bag na nakasakbit sa aking braso. Pagkababa ko palang ng bus ay sumalubong na sa akin ang mabahong amoy ng lugar na ito, hindi ko akalain na ganito pala dito, mas masarap talaga sa probinsya. Matataas na istraktura, maingay at magulong tao at mainit na panahon. 'Yan agad ang sumalubong sa akin, Manila. Naglakad lakad ako, hindi ko alam kung saan ako papunta dahil wala akong alam na lugar dito. Masyadong mainit sa lugar na ito na tila umaapoy sa init. Napapahid naman ako ng noo dahil sa pawis na naroroon, idagdag pa ang dala dala 'kong bayong, may kabigatan din ang mga ito kaya naman dinaig ko pa ang sinentensyahan. May nakita akong waiting shed kaya pumunta muna ako 'dun. Napaupo nalamang ako, ngayon ko lang naisip kung saan ako tutulog. Kung makitulog nalang kaya ako sa ibang bahay? Kakapalan ko na lang ang mukha pero parang imposible 'yun. Napaka abala ng mga tao sa lugar na ito, mukhang delikado dahil hindi mo kilala ang nakakasalamuha mo. Ibang iba ang probinsyang kinalakhan ko. Pagkapahinga ko ng konting oras ay nagtuloy na ulit ako sa paglalakad. Kailangan ko ng makukuhang trabaho pero paano ako makakakuha n'yan kung wala man lang akong kakilala sa lugar na ito. May nakita akong karenderya sa isang kanto, pinuntahan ko ito at nagbabasakaling may bakante silang trabaho. "Ah, tao po!" sigaw ko habang nakatayo sa tapat ng karenderya. Maraming tao ang nakain at tingin ko'y sikat ang kainang ito. "Tao po!" ulit ko. Sa padalawang pagkakataon at sa pagkakataong ito ay nakuha ko ang atensyon nilang lahat. Pati na ang mga nakain, napayuko naman ako sa hiya, hindi ako sana'y na pagtuunan ng pansin. "Anong kailangan mo, Miss?" Isang tonong panlalaki ang aking narinig. Isang lalaki ang sumalubong sa akin, may itsura ito at mukhang mayaman dahil sa kutis, malawak na nakangiti ito saakin. "A-ah." Hindi agad ako nakapag salita dahil sa mga matang nakamasid saakin. "Ano 'yan?!" Isang mataray na boses ang aking narinig mula sa loob ng karenderya. Nakita ko ang isang matabang babae na nakakunot na nakatingin sa amin. Ngunit itong lalaking kaharap ko ay nanatiling naka tingin lamang sa akin. "Bago ka lang dito no?" tanong niya na binalewala ang babaeng sumigaw na sa tingin ko ay s'ya ang may ari ng tindahan. Tiningnan ko ito, nanatiling naka ngiti ito. Tumango naman ako upang sumangayon. Tiningnan n'ya ako mula ulo hanggang paa saka tumango. "Halatang halata nga." "Justin, ano ba 'yan?! Nakaka istorbo na 'yan sa nakain!" sigaw nung babae. Hindi pa rin ito pinansin nung nasa unahan ko at matiyaga parin n'ya akong tinititigan. Iba ang tingin n'ya sa mga tao dito, hindi malaswa at hindi nakakailang. "'Yaan n'yo na Aling Bebang ng may makita naman kaming maganda ganda dito sainyo," sabat 'nung isang lalaki na may nakasubong bbq sa bibig. "Oo nga! Nakakasawa na rin 'yang pagmumukha n'yo e," sang-ayon naman nung katabi n'ya na nakapangalumbaba. "Hoy, mga kutong lupa! Ang kakapal din ng mukha n'yo. E, ni kanin nga na nilamon n'yo hindi n'yo mabayaran!" sagot naman ni Aling Bebang. "Libre naman ah!" sabay na sagot naman nung dalawa. "Kung hindi lang gawa ng magaling n'yong kaibigan! Hanga din naman ako kay Justin at nagkameron ng kaibigang tulad n'yo!" Hindi ito pinansin 'nung dalwa na para bang sana'y na sana'y na sa pagbubunganga ni Aling Bebang. "Anong kailangan mo, Miss?" muling tanong saakin ni Justin? "Ah, kailangan ko ng pera—" "Hoy, babaeng probinsyana! Hindi bangko ang karenderya ko kaya lumayas kana!" Halos maputol na ang ugat 'nung babae sa kakasigaw. "Hayaan mo nalang s'ya, isipin mo nalang na isa s'yang malaking sirang plaka," sabat ni Justin saka ngumiti. "Kailangan ko ng mapapasukan na trabaho at nagbabakasakali sana ako na may bakanteng trabaho rito." "Gano'n ba?" muli n'yang tanong. Niyakag n'ya ako sa loob ng karenderya, maliit lamang ito ngunit maaliwalas at punong puno ng masasarap na pagkain. Nakita ko naman 'yung dalawa na nakatitig sa akin, tama ba ang narinig ko kay Aling Bebang na kaibigan ito ni Justin? Parang imposible naman. "Tita Bang? May bakante ba tayo d'yan?" Narinig ko naman na kausap ni Justin si Aleng Bebang. "Hoy, Justin! Tama na ang dalawang ugok na 'yun ang pinapalamon ko ha! 'Wag ka ng magdagdag pa!" galit na sigaw ni Aleng Bebang. "Tita Bang, ibang kaso naman to e. Mag tatrabaho naman 'to, hindi palamon," saad naman ni Justin habang nakaturo saakin. "Walang bakante Justin," turan ng kausap. "Tita Bang," pangungulit ni Justin. "Baka malugi na ako n'yan kapag nagdagdag paako ng tauhan. Do'n pa nga lang sa mga bulok mong kaibigan e, halos wala na akong tubuin sa katakawan," saad nito habang nagpupunas ng lamesa. "Tita Bang, magtatrabaho naman s'ya e, hindi sya palamun," saad muli ni Justin. "Ayun na nga, baka wala na akong maipasweldo sa kanya at napaka dami ko pang kinauutangan," wika nito saka ito umalis at pumasok sa isang pinto. Nakita ko naman ang dismayadong mukha ni Justin. Lumapit ito saakin habang kakamot kamot sa kanyang leeg. "Ah, sorry, wala na palang bakanteng trabaho," aniya habang hindi makatingin ng ayos saakin. "Ayus lang, naiintindihan ko." Lumapit ito ng bahagya saakin at muling napayuko, napatawa naman ako. "Sendo! Ando!" sigaw ng isang babae. Sa tingin ko ay si Aling Bebang ito, nakita ko naman na tumingin si Justin doon sa dalawang nakaupo. Napatingin naman ako doon, nakatitig pa rin sila sa akin. Iniiwas ko nalang ang aking tingin. "Oy! Tawag kayo ni Tita Bang," bulyaw ni Justin sa dalawa. Hindi man lang pinansin nung dalawa si Justin at patuloy pa rin sa pagtitig saakin. May mali ba sa mukha ko? "Sendo! Ando! Ano ba?!" Nakita ko naman napairap 'yung may nakasubong bbq kanina. "Ano ba 'yan!" impit na sigaw n'ya. "Kailan ba mamamatay 'yang Tita mo, ha? Justino?!" sabat naman no'ng isa. Tumayo naman sila at pumunta saakin. Napahakbang naman ako patalikod. "'Wag kang mag-alala, mukha lang silang papatay pero good boy sila," saad ni Justin. Sigurado ba s'ya? Madumi at punit punit na ang damit nila. Madungis ang pagmumukha at hindi mo talagang aakalaing kaibigan nila si Justin. "Ye! Justin iz rwart bay da way aym Sendo Batongbakal, da wan en ownli handzam in dis wurld," pagpapakilala nito sabay abot ng kanyang kamay. Inabot ko naman ito saka s'ya nginitian. S'ya pala si Sendo, yung may tangay tangay na bbq. "Excuse me, my dearest brother hood. My future wife is here and i think u need to go because she'zzz dangerous from u!" Saka ako inakbayan, napaigtad naman ako. "Ando, alisin mo nga 'yan!" sabat naman ni Justin. Napahinga naman ako ng malalim, gusto 'kong magpasalamat sa kanyang ginawa. "Just kidding!" "I'm Ando StoneMetal, 'ur future huzband," wika nito sabay kindat. Napalunok naman ako. Napatawa naman si Justin "Mapagbiro talaga sila, hayaan mo nalang. Ako nga pala si Justin Morgan, half half ako kaya ganiyan ang epelyido ko," aniya saka ito ngumiti, ako naman ay napangiti din dahil sobrang nakakahawa ang kanyang ngiti at hindi ko alam kung bakit. "Ikaw, anong pangalan mo?" saba'y na tanong nila. "A-ah, Charm Umali." "Oy! Gandang pangalan ah!" "'Yan ang asawa ko!" "Nice to meet you, Charm." Nginitian ko naman sila, mukhang ambabait nila sa totoo lang. "Sendo!!!!Ando!!!" "Ay! naku!" sabay na pasaring ni Sendo at Ando. Napatawa naman ako, hindi ngang magkakalayong magkapatid nga sila. "Sige na, beautiful Charm." "Bye, my Wife!" Saka sila lumisan, napaka masiyahin nilang dalawa. Tiningnan ko naman si Justin. "Mauuna na ako, kailangan ko pang maghanap ng trabaho," saad ko at akmang aalis na. "Pasensya na talaga," muling paumanhin nito. "Ako dapat ang humingi ng pasensya, naabala ko pa kayo," wika ko habang tinatahak ang labas. "Wala 'yun, ingat ka," pagpapaalala niya. Saka ko ito sinuklian ng ngiti, saka nilisan ang karenderya. Mahirap makahanap ng trabaho dito sa Maynila, ibat ibang tao ang nakakaharap mo kaya ibat ibang ugali din ang makakasalamuha mo. May nakita akong ale na nagtitinda ng mga candy sa may tabi lang ng karenderya nina Justin. Bahagya itong nakaupo at nagmamasid, nilapitan ko ito. "Ahm, Ale? May alam po ba kayo ditong pwedeng pasukan?" tanong ko. Mukha naman s'yang mabait kaya mukhang sasagutin naman n'ya ako ng matino. Tiningnan n'ya ako "May alam akong pwede kaya nga lang masyadong matapobre ang may ari ng bahay kaya baka mahirapan ka," sagot 'nung ale. "Ok lang po saakin, basta may maayos na matutulugan at pagkain," saad ko. Sa ngayon 'yan ang kailangan ko kahit na matapobre pa yung amo ay ayos lang. "Sigurado kaba d'yan, ija?" tanong sa akin 'nung ale. "Opo, kailangan ko po kase," sagot ko. "Naku! Mukhang hindi bagay sa'yo ang trabahong 'yun," wika nung ale sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa. "Ho?" nagtatakang tanong ko. "Makinis ka at mukhang hindi ka marunong ng gawaing bahay," pula nito at akmang aalis na pero pinigilan ko s'ya. "Ale, marunong ako ng gawaing bahay. Marunong akong magluto, magdilig, maglaba, maglampaso, kahit ano alam 'kong gawin," pigil ko. "Sigurado ka ba talaga d'yan, ija?" tanong nito saakin, agad naman akong napatango sa sinabi n'ya. "Oh, s'ya sige, sasamahan kita." Agad namang nagliwanag ang mukha ko sa sinabi nung ale, kailangan na kailangan ko talaga nang trabaho. "Maraming salamat po!" pagpapasalamat ko. Gumanti naman ng ngiti yung ale saakin. Mukhang swerte ko ng maituturing ang sarili ko dahil sa matandang 'to. Mabuti naman at hindi pa ako pinapabayaan ng Diyos. Kakasakay lang namin ng taxi nung ale. Sinabi n'ya saakin na medyo malayo pa daw yung pagtatrabahuhan ko kaya naman may oras pa ako para magpahinga. "Ahm, ale? Maraming salamat po," sabi ko sa kalagitnaan ng byahe namin. Napatingin naman s'ya saakin. "Walang anuman, handa akong tumulong sa nangangailangan," nakangiting sagot n'ya. Bakas ang magandang mukha sa kanya kahit na matanda na s'ya, tingin ko nga 70 pataas na ito. "Ahm, Ale? Puwede po ba akong magtanong? Kayo lang po ba magisa?" tanong ko. Nabaling naman saakin ang atensyon n'ya "May mga anak ako," saad n'ya. "Tsaka, tigilan mo na ang pagtawag mo saakin ng ale, nakakatanda," naiiritang saad nito saakin. Medyo nagulat ako do'n pero agad naman akong nakarekober. "Ah, pasensya na po," paumanhin ko. Nakakahiya naman sa kanya. "Flor, flor ang pangalan ko," aniya napatango naman ako. "Ikaw? Anong pangalan mo? Mukhang bago kalang dito," paguusisa n'ya. "C-charm po, tama po kayo bago lang ako dito," sagot ko. Napatango-tango naman si Lola Flor sa sinabi ko. Mga ilang minuto ay nakarating na din kami. Nahihiya ako kay Lola Flor kase s'ya pa 'yung nagbayad ng pamasahe. "Lola Flor! Eto, meron po ako ditong bente pesos." Sabay abot ng pera, ito nalang ang natira 'kong pera doon sa 400 na dala ko. Naipamasahe ko na kase 'yung iba. Napatawa naman si Lola Flor, nagtaka naman ako. "Naku ija! Saiyo na iyan mukhang 'yan nalamang ang perang meron ka," tanggi n'ya, napatungo naman ako kasi tama s'ya. "Pero ok lang po, tanggapin n'yo na ito," pagpupumilit ko pero umiling lang si Lola Flor. "Sige na po, kahit sa konting halagang 'to, maidaan ko po ang pasasalamat ko sainyo," wika ko. "'Wag na, sa pagkakataong 'to ikaw ang may kailangan n'yan," turan n'ya at binigyan ako ng matamis na ngiti. "Maraming salamat po talaga sainyo, napaka buti n'yo pong tao." Hindi ko na napigilan ang aking sariling yapusin s'ya. Maya maya lamang ay bumitiw na ako sa yakap. Ang sarap sa pakiramdam ng may kayakap ka. "Tara na muna maglalakad pa tayo bago tayo makarating sa bahay na sinasabi ko," anyaya n'ya kaya naman sumunod na ako. Para itong village, kitang kita dito sa labas kung gaano ka ganda ang mga bahay, mukhang mga sosyal ang mga nakatira. "Excuse me, Lola sa'n kayo papunta?" tanong sa amin nung manong guard. "D'yan lang," balewalang sagot ni Lola Flor at nagtuloy tuloy sa paglalakad papasok sa malaking gate. "Teka! teka!" Humarang saamin si manong guard ''Bawal kayo dito at kung maaari umalis na kayo!" pagtataboy n'ya saamin. Grabe naman s'ya. Mukhang si Lola Flor ay naiinis na rin kay manong guard. "Ayaw mo kaming papasukin ha," bulong ni Lola Flor at tinanggal ang kanyang balabal na nakabalot sa kanyang ulo. Nakita ko kung paano nagulat 'yung guard noong nakita n'ya yung mukha ni Lola Flor. Bakit naman kaya s'ya nagulat? "A-ah, Madam!" nauutal na sambit ni manong guard. "Naiinis na ako sa'yo, Joel!" iritang sigaw ni Lola Flor. "A-ah, s-sorry po. Hindi ko po alam na kayo 'yan," nakatungong paumanhin ni Manong Joel? "Hay, Joel! Papasukin mo kami, nilalamok na ako oh!" Sabay pagpag sa kanyang mga braso. "Ah, o-opo! opo!" Nagdali dali naman nitong binuksan ang gate kaya malaya na kaming nakapasok sa loob. "Madam! Sorry po, hindi ko na po ulit uulitin." Halos mabali na ang batok nito kakayuko saamin. "Diyos ko! Sa susunod, ayusin mona ang trabaho mo!" sabi naman ni Lola Flor. "Opo! opo!" saad ni Manong Joel. Tumalikod na kami at nagtuloy na sa paglalakad. Hanggang ngayon ay nagtataka parin ako kase bakit ganoon n'ya itrato 'yung guard at bakit ganoon s'ya itrato 'nung guard? "'Wag mo ng isipin 'yung nangyari kanina," biglang sambit ni Lola Flor. "Bakit naman po?" tanong ko. "'Yaan mona ang bagay na iyon," sabi n'ya at nauna ng maglakad. Kahit nagtataka sinundan ko na s'ya. Nakarating kami sa mala mansyong bahay na ito, grabe sa laki. Ngayon lamang ako nakakita ng ganitong kalaking bahay. "Hanggang dito na lamang ako maiwan na kita," sabi ni Lola Flor na kinagulat ko. "Pero Lola, ano ang dapat kong gawin dito? Paano ako makakapasok d'yan?" Sabay turo sa malaking bahay. "E, problema mo na 'yun. Ang sakit na ng balakang ko kakalakad." Napasimangot naman ako kase naman may pagka pilosopo pala itong si lola. "Pero lola—" "Naku! Kaya mo na 'yan, Malaki ka na! Kita nalang ulit tayo," putol n'ya saakin habang papalayo na. Grabe naman si lola pero okay na 'yon at least sinamahan n'ya ako papunta dito. Nagtuloy ako sa may gate at nag doorbell, habang nag do-doorbell tiningnan ko ang malaking gate kung may nakasabit bang 'yaya 4 hire' pero wala e, mukha yatang mali 'yung bahay na napuntahan namin. Paalis na sana ako ng biglang bumukas ang gate. "May kailangan po ba kayo?" tanong saakin ni kuya, mukhang s'ya 'yung guard nila dito. "Ah, mag aapply po sana ako dito," sabi ko. Napatingin naman s'ya saakin, ulo hanggang paa. "Sigurado ka?" muling tanong niya saakin, tumango naman ako bilang sagot. "Sige, pasok ka." Mukhang nagaalinlangan 'yung guard pero pinapasok n'ya parin ako. Sinamahan n'ya ako hanggang dito sa malaking pinto. Ang laki. "Nga pala, ako si Bert," pagpapakilala n'ya saakin sabay lahad ng kamay. "Ako naman po si Charm," sabi ko at saka kinuha ang kanyang kamay. "Charm, magandang pangalan para saiyong magandang mukha," puri n'ya. Napatawa naman ako "Marunong pala kayong mambola," ani ko. Napatawa din ito "Hindi ako nambobola, totoo 'yun," sabi ni Kuya Bert. Napayuko nalamang ako kase hindi ako sanay. "Sige, pumasok kana sa loob. May magaasikaso saiyo 'don," saad nito sabay alis. Tulad ng sinabi n'ya ay pumasok na ako, namangha ako sa nakita dahil diko akalain na ganito pala ito kaganda sa loob. Mukhang mamahalin ang mga gamit. Habang nagtitingin tingin ay bigla nalang may sumulpot na matandang babae kaya napatayo ako ng tuwid. "Sino ka?" tanong niya saakin. Nakakatakot naman s'ya. "C-charm Umali po," sagot ko. Diko napigilan na hindi mauutal dahil sa kabang nararamdaman ko. "Sino naman ang nagpapasok sa'yo dito?" tanong n'ya habang papalapit ng papalapit saakin. "S-si Kuya Bert p-po," sagot ko muli habang napahigpit ang hawak sa bayong na dala. "Si Bert?!" Nagitla naman ako dahil sa pagsigaw n'ya. "Opo, 'yung guard," sagot ko. Nakita ko naman na napatango s'ya sa sinabi ko. "Anong kailangan mo dito?" usisa n'ya. "Mag a-apply po sana akong bilang kasambahay," sagot ko. Nakita ko kung paano nangunot ang kanyang noo sa sinabi ko. "A-ahh, 'wag po kayong magalala, marami po akong alam gawin. Lahat po ng gawaing bahay ay alam na alam ko kaya wala po kayong problema saakin." Nangangatal ang aking kamay sa bawat segundong nalipas dahil sa kaba. "Marami na ang nag apply dito pero hindi sila tumatagal, baka kagaya ka rin nila." Sabay talikod ng matanda. Hinawakan ko ang kanyang kamay, hindi maaari 'to, kailangan ko na ng trabaho. "'Wag po kayong magalala, hindi ko po sila katulad. Kayang kaya ko ang lahat ng ipag utos n'yo saakin. Alam n'yo ba na nag sasaka pa ako sa probinsya? Nagpapalapa rin ako, nangangahoy—" "Sandali! Ang dami mo ng sinabi!" pigil n'ya, kasalanan ko ba e kailangan ko na talaga ng makukuhang trabaho. "Oh s'ya! Sige, kung mapilit ka rin lang naman, sige tanggap kana." Napangiti naman ako sa sinabi n'ya "Maraming salamat po, malaking utang na loob ko po sainyo ito. Napakabait n'yo, hulog po ka–" "Sshh! Napaka ingay mong bata ka. Basta sa oras na nahirapan ka, 'wag mo kong sisisihin dahil napagsabihan na kita," mataray na paliwanag n'ya saakin. Kahit nagtataka ako ay napangiti na naman ako ng malawak. "Salamat po!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Son's Father

read
582.5K
bc

Billionaire's Twins

read
262.8K
bc

Married By Mistake

read
170.1K
bc

Spending Night With The Millionaire (TAGALOG-18+)

read
397.6K
bc

The Young Master's Maid

read
748.1K
bc

His Property

read
945.2K
bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
851.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook