Kabanata 2

1740 Words
Kabanata 2 •CHARM POV• Masayang masaya ako ngayon dahil natanggap agad ako sa trabaho kahit na halos magmakaawa na ako sa harapan ni lola- Ano nga bang pangalan n'on? Nandito ako sa kwarto ko, hindi mo masasabing masikip at hindi mo din masasabing maluwag. Tamang tama lang para saakin, tanging hangin lang sa bintana ang nagbibigay hangin dito sa loob ng kwarto, wala man lang bintilador dito pero ayos lang dahil sanay na naman ako dahil sa probinsya. Meron naman sana dito kaya lang sira na. Inaayos ko na 'yung mga gamit ko, may nakita akong aparador at doon ko na inalagay. Simpleng mga damit at paldang abot hanggang paa ang mga damit ko, dito ako komportable kesa sa mga short at sando tsaka hindi din naman uso 'yun sa probinsyang pinanggalingan ko. Pagkatapos sa mga damit ay 'yung mga panlinis na sa katawan. Kinuha ko na 'yung habon na nakalagay sa plastik, nagamit ko na ito kaya inalagay ko sa plastik para tipid, kasunod ay 'yung shampoo. Dalawang sachet lang dahil wala naman akong pera para makabili ng marami, siguro titipirin ko nalang. Kasunod ay toothbrush at toothpaste pagkatapos ay 'yung batong panghilod, sana'y akong gamitin ito. Feeling ko kapag hindi ko ito nagamit ay parang ang libag libag ko. May nakita akong isang pinto, siguro ito na 'yung banyo. Napagpasyahan 'kong tahakin na 'yung pinto para ilagay na 'yung mga gamit ko, pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako dahil para na itong convince store sa dami ng gamit na nakalagay. Kompleto lahat ma pa habon, shampoo, toothpaste. May mga nakalagay pa sa bote na hindi ko naman alam kung para saan. Halos lahat naka plastik pa at 'yung iba naka kahon pa. Napatingin naman ako sa dala ko, napahiya naman ako, inalagay ko nalang yung bato at yung toothbrush. May nakita akong toothbrush pero hindi ko na 'yun gagamitin dahil meron na naman akong akin. Sa isang tabi, may nakita akong mga napkin. Ang sosyal naman, lahat na ng pangangailangan mo nandito na. Bumalik na ako pagkatapos ko doon, inayos ko na 'yung mga bag at bayong na dala ko at inalagay sa may isang sulok nitong kwarto. Maganda ang bahay na ito at napakalaki, may nakita akong hardin dito kanina at napaka ganda n'on. Mahilig ako sa mga bulaklak lalo na sa pulang bulaklak, ewan ko kung bakit ako nahilig sa bagay na iyon pero isang lang ang alam ko, 'yung bagay na 'yon lang ang nakakapagpasaya saakin. Siguro lumabas kaya muna ako para naman mapamilyar naako sa pasikot sikot dito. Saktong pipihitin ko na ang doorknob ng bigla itong bumukas, niluwa n'on ay si Lola- ewan! Dere-deritso s'ya at inilapag n'ya sa kama ang dala n'yang damit na sa tingin ko ay uniporme ng isang katulong. Humarap ito saakin at tiningnan ako ng mapanuri. Medyo naiilang ako sa tingin n'ya pero okay lang 'yan. Wala naman s'yang gagawing masama, hindi ba? "Nakikita mo ba 'to?" tanong n'ya saakin. Nakaturo sya sa damit na nakalagay sa kama. "Opo," magalang na sagot ko. "'Yan ang magiging uniporme mo simula bukas bilang katulong," sabi n'ya. "Sige po," muling 'kong sagot sabay tango. Naglakad s'ya at nagsimulang magtingin-tingin. Habang ako naman ay nakamasid lamang sa kanya. Tumigil s'ya sa tapat ng bintana at maya-maya ay bumaling na ang tingin n'ya saakin. "Alam mo ija," panimula n'ya habang papalapit nasa pwesto. "Maganda kang bata," puri n'ya. Napatingin naman ako ng deritso sa kanya. Napangiti naman ako dahil sa sinabi n'ya. "Salamat po," nakangiting sabi ko. Sinuklian naman n'ya ako ng mapaklang ngiti. Nangunot naman ang noo ko dahil sa ginawa n'ya. "Maganda ka, pero natatakpan naman ng pigiging manang mo ang mala anghel mong mukha." Napayuko naman ako sa narinig mula sa kanya. Ayus na nung una e, pina pangit n'ya lang. "Hay!" buntong hininga nito kaya naman napataas ang ulo ko at napatingin sa kanya. "Hindi mo yata alam ang salitang fashion," pangungutya n'ya. Tumalikod sya saakin at nagsimula ng maglakad papuntang pinto. Pero bago 'yun ay lumingon muna s'ya saakin at sinabing.. "Ano nga ba ang aasahan ko sa isang hamak na probinsyana?" Saka ito tuluyang lumabas ng silid. Saka naman ako napahinga ng malalim. Kung hindi ko lang yata amo yun e, nasagot ko na. Pero hindi ko naman ikinahihiyang probinsyana ako, saakin lang 'wag naman nila akong maliit. Pero pabayaan na, gayon naman ang matatanda e, nagiging masungit. Kinuha ko naman ang damit na dala ni Lola- Mamaya nga itatanong ko 'yung pangalan n'ya. Maganda ito kahit na sabihing pangkatulong ang yari ng damit, halatang mamahalin ang telang ginamit dito at mukhang kasyang-kasya ito saakin. Isinabit ko na iyon sa hanger at lumabas na ng kwarto. Bumungad saakin ang mahabang pasilyo, mabuti nalang ay natandaan ko ang papunta dito at madali na para saakin ang pabalik. Naglakad ako hanggang sa naabot ko na ang kusina, naabutan ko do'n si Lola na kumakain, nilapitan ko ito. "Ah, Ma'am? Gusto n'yo pong tubig?" alok ko. Napansin ko naman na wala s'yang tubig na handa kaya tinanong ko s'ya. Agad naman itong napatingin saakin at tinaasan ako ng kilay. "Kaya 'kong kumuha mag isa," pagtataray n'ya. Agad naman akong napatungo, bakit ba ang taray n'ya? "Anong tingin mo sa akin? Uugod-ugod na at hindi na kayang kumilos mag-isa?" Agad naman akong napatingala. "Hindi naman po sa gano'n, obligasyon ko po 'yun bilang katulong," sagot ko. "'Wag mo na akong pakealman, kaya ko ang sarili ko," sagot n'ya sa mababang tono at nagpatuloy sa pagkain. Ako naman ay nakatayo lang sa likod n'ya. Naguguluhan ako sa kanya, katulong ako dito pero simpleng bagay na pagsilbihan s'ya ay ayaw n'ya. Siguro ay dahil tumatanda na, gustong mapag-isa. Kumakain lang s'ya ng payapa, habang nakatayo ako ay napansin 'kong walang ibang tao akong nakikita dito bukod kay kuyang guard at kay lola. Sa laki ng bahay na ito ay sila lamang dalawa ang nakatira ay napaka imposible. At sa tingin ko ay parang ako lang ang katulong dito. 'Wag naman sana na ako lang dahil baka bago matapos ang araw ay balda na ang aking katawan kakalinis ng dambuhalang bahay na ito. Habang naglilibot ng paningin na patingin ako kay lola na ngayon ay nakatingin saakin. Agad naman aking napatayo ng ayos. "Ma'am? May ipaguutos po ba kayo?" alanganing tanong ko. "Talaga bang hihintayin mo munang may tumubong ugad d'yan sa mga paa mo bago ka gumalaw?" mataray na tanong nito saakin. "A-ah.." Ako naman ay hindi na alam ang sasabihin dahil hindi ko naman matantsa ang sinasabi n'ya. "Hala sige! Umupo ka dito at kumain na!" sigaw nito. Nabigla ako dahil sa ginawa n'ya kaya naman hindi ko na naintindihan ang sinabi n'ya. "P-po?" tanong ko kase hindi ko talaga naintindihan ang sinabi n'ya. Napakamot naman s'ya sa ulo n'ya. "Pakiramdam ko'y dumadami na ang mga uban ko ng dahil sa'yo bata ka," bulong nito. Napakagat naman ako sa labi ko. E, ano bang magagawa ko? Hindi ko naintindihan dahil sa gulat. "Halika," yaya n'ya saakin kaya agad naman akong lumapit sa kanya Itinuro n'ya ang upuang malapit sa kanya at sinasabing maupo ako, kaya naman umupo ako kahit na nagtataka. Nanatili lamang akong nakaupo at nakamasid, hanggang sa napatingin naman ako sa gawi ni lola na masama na ang tingin sa akin. Ano bang ginawa ko at ganito 'to makatingin? "Anong gusto mo? Lalagyan ko pa ng pagkain 'yang pinggan sa harapan mo o susubuan pa kita para naman tapos na?" sarkistong tanong nito. Agad ko namang nahawakan ang pansandok ng kanin at agad na naglagay sa pinggan. Maraming lutong bahay na nakahain at hindi ko alam kung ano ang kukunin ko, napatingin naman ako kay lola na nakatingin saakin. Agad naman akong napa iwas ng tingin sa kanya at kinuha 'yung pinaka malapit na putahe sa akin. Tahimik kaming kumakain, hindi ko maitatanggi na masarap ang luto at hindi maiwasang humanga sa nagluto nito. Maya-maya ay tumayo na si lola. "Ako na po," sabi ko ng akma n'yang kukunin ang pinagkainan n'ya. Agad naman n'ya akong sinuklian ng matalim na tingin kaya naman dahan dahan 'kong nabitiwan 'yung pinggan. Agad ko ng tinapos ang pagkain ko at dinala na yun sa lababo kung nasaan si lola habang naghuhugas. Dali dali naman akong lumapit sa kanya. "Ako na." Naputol ang sasabihin ko ng bigla itong magsalita. "Ang kulit mo talagang bata ka! Ilang beses ko bang sasabihin na 'wag mo akong pakealman sa ginagawa ko dahil kaya ko naman." Saka ito humarap saakin. "Pero diba, dapat ako po ang gumawa ng ginawa n'yo bilang isang katulong n'yo?" paliwanag ko. "Hindi kita tinanggap para pakealman mo ako sa ginagawa ko." "Gusto ko lang pong tumulong," nakayukong sabi ko. "Pwes! Kung gusto mong tumulong, tumulong ka sa gawaing bahay, hindi 'yung ako ang ginugulo mo." Sabay kuha ng towel at nagpunas ng kamay. "Isa akong katulong at ako dapat ang gumagawa ng ginagawa n'yo, ang dapat lang na ginagawa n'yo ay maupo at magpahinga. Kayo ang amo ko kaya naman pabayaan n'yong ako ang gumawa n'yan para sainyo," ani ko. Napatingin naman ng deretso sa akin si lola. "Amo? Ako?" tanong n'ya kaya agad naman akong tumango. Agad naman s'yang humagalpak ng tawa kaya naman napangunot ang noo ko. Ano bang nangyayari dito? Kanina lang seryosong seryoso, ngayon naman daig ko pang nagpatawa para mapatawa sya ng ganiyan. Mga matatanda nga naman. Unti-unti naman itong napatigil sa pagtawa n'ya. "Nalimutan 'kong sabihin," bulong n'ya pero hindi ko na iyon pinansin dahil baka masigawan nanaman ako. "Iwan mona 'yang plato d'yan at matulog kana," sabi n'ya. "Pero-" "Sige na! Bukas na bukas, sasabak ka na sa trabaho dito. Kailangan mo pa ng lakas kaya sige na, pumunta ka na sa kwarto mo." "Sige po, huhugasan ko lang-" "Isa," banta n'ya. "Huhugasan ko-" "Tatanggalin kita sa trabaho mo," banta n'ya. Agad naman akong napatingin sa kanya nang makita 'kong seryoso s'ya, agad naman akong kumaripas ng takbo. Pero bago yun "Ah! Ma'am? Pwede ko po bang malaman ang pangalan mo?" tanong ko. Nanliit naman ang kanyang mata sa sinabi ko. 'Wag n'yang sabihin na tatarayan ulit n'ya ako? Nagtatanong lang ako. "Gloria." Napatango ako sa narinig, Gloria. "Sige po Ma'am Gloria, good night," sabi ko at saka tumakbo papuntang kwarto. Gloria pala ang pangalan n'ya ha? Diko akalain na ang moody ng amo ko. Hay! Ano kaya ang mangyayari saakin bukas bilang kasambahay?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD