Kabanata 3

1525 Words
Kabanata 3 •CHARM POV• Ala's kwatro palang ng umaga ay gumising na ako. Ayoko naman na magpatanghali ng gising dahil unang araw ng trabaho ko ngayon kaya ayoko ng may makuha akong bad impression sa akin si Ma'am Gloria, nagmadali akong maligo at nagbihis. Tama nga ako, kasyang kasyang sa akin ang damit na ibinigay sa akin ni Ma'am Glo, pagkatapos ay nagmadali na akong pumunta sa kusina. Habang naglalakad ay inisip ko ang pwede 'kong lutuin para kay Ma'am Glo. Adobo kaya? Masyado ng pangkaraniwan e, kung sinigang? Baka ayaw naman n'ya sa maaasim, kung caldereta kaya? Masarap akong magluto ng caldereta, madalas akong naiimbitahan dati sa mga okasyon para lang makapagluto ng caldereta. Tama, caldereta nalang para naman kahit papaano ay may good shot agad ako sa amo ko. Dali dali na akong dumeritso sa kusina dahil na e-excite na akong magluto dahil matagal na ulit no'ng huli akong makapagluto. Nang makarating ako sa kusina ay inabutan ko do'n si Maam Glo na nagluluto? Naku, naman oh! Ang aga n'ya gumising at naunahan pa ako, patay na! "Ma'am Glo?" tawag ko. Agad naman s'yang napatingin sa akin. "Mabuti naman at gising ka na," sabi n'ya at agad bumalik sa niluluto n'ya at nagpatuloy sa paghalo ng kung ano. Dapat ako ang gumagawa n'yan e, bakit sya? Akma ko na s'yang lalapitan ng bigla s'yang magsalita. "Gusto mo yatang matanggal agad sa trabaho," turan nito ng hindi nag abalang lumingon sa akin. Nagtaka naman ako sa sinabi n'ya, sino ba ang gustong matanggal sa trabaho? Siguro 'yung mga adik lang ang magkakagusto n'on pero ako hindi. Hindi ko na 'yun pinansin dahil ganiyan naman ang mga matatanda, may mga sariling mundo. Magsasalita nalang mag-isa, kaya nagtuloy ako papunta sa kinaroroonan n'ya para akuin ang ginagawa n'ya. Pero nakakailang hakbang palang ako ng bigla s'yang humarap sa akin at itinutok ang hawak n'yang sandok. Nagulat ako dahil ano nanaman bang problema ni Lola? "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na 'wag mo ako papakealman sa mga ginagawa ko? Kung ayaw mong mapaaga ang pagbabalot mo ng damit," mataray na sabi nito. E, ilang beses ko rin po bang kailangang sabihin na ako ang katulong dito at ako dapat ang gumagawa ng mga bagay na 'yan. 'Yan sana ang gusto 'kong sabihin pero 'wag nalang, dahil baka nga mapaaga ang pagalis ko dito pag sinabi ko pa 'yun. "Po? Ano po bang sinasabi n'yo? E, maghuhugas po ako ng mga plato," palusot ko ng may halong pekeng tawa. Sana naman 'wag n'yang mahalata na nagyayabang lang ako. Nanliit ang mga mata n'ya kaya naman mukhang nararamdaman n'yang nagsisinungaling lang ako. Naku naman! Okay naman yung palusot ko, diba? "Maghuhugas ka ng plato?" tanong n'ya kaya naman na patango ako. "Sige, maghugas ka," sabi n'ya habang may nakakalokong ngiti. Minsan, na tatakot na ako dito kay lola e. Hindi umakto sa edad n'ya pero sa kabila n'on mukha namang naniwala s'ya sa palusot ko. Pweh! Kala n'ya ha! Magtatagal ako dito, tandaan mo 'yan Lola Glo. Kaya naman dumeritso na ako sa lababo para makapag hugas. Nang makarating ako, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. 'Yung lababo, wala kang makikitang dumi man lang o kahit na plato. Halos hindi ako makatingin sa gawi ni Maam Glo, alam ko na nakatingin s'ya sa akin. Kaya naman inilibot ko ang paningin ko sa lababo kung sakaling may maligaw man lang na platito o kahit kutsara man lang, pero wala. Halos maihi na ako sa kinatatayuan ko dahil sa kahihiyan, ay naman oh! "Mukhang kailangan mo ng magbalot-balot ng mga gamit mo." Napatingin naman ako kay Maam Glo, hindi ba s'ya nagbibiro sa mga sinabi n'ya. "Ma'am, 'wag naman po. Pangako, hindi ko na talaga kayo pakikialman sa lahat ng gagawin n'yo, pangako 'yan Ma'am." Halos maiyak na'ko habang sinasabi 'yun. Masisisi n'yo ba ako kung gusto ko lang s'yang ituring na amo na nakahiga, masayang nagpapahinga at nandito ako sa lahat ng iuutos n'ya. Pero sa pagkakataong 'to mukhang ayaw n'ya ng ganoon. "Ma'am? Promise, hindi na ako magiging makulit. Pababayaan ko na kayo sa lahat ng gusto n'yong gawin, hindi ko na kayo iistobruhin kahit kailan," sabi ko habang nakataas ang kanan 'kong kamay na mukhang nanunumpa. Hindi s'ya nagsasalita kaya naman halos mawalan na ako ng pag asa. Grabe naman, 'di pa ako nakaka isang linggo dito at ito na agad ang sinapit ko. Hindi ko pa nga nalilibot ang buong mansyon at eto ako, mukhang mapapalayas agad. Nanggigilid na ang luha ko, s'an naman ako pupulutin nito pagkatapos? Dito na ba ang katapusan ko? Unti unti akong lumuhod sa kanyang harapan para mag makaawa pero bago pa ako makapagsalita ay umalis na s'ya sa harapan ko. Ito na ba talaga ang katapusan ko? "Tumayo ka d'yan, kunin mo 'yung mga kurtina sa storage room at dalhin mo sa likod, pagkatapos mong gawin 'yun bumalik ka na dito para makapag almusal na tayo." Agad naman akong napatayo dahil sa sinabi n'ya, tama ba ang narinig ko? Hindi n'ya ba ako paaalisin? Bigla naman s'yang humarap sa akin. "Tutunganga nalang? Hindi ka sinuswelduhan para lang maging real life statue," pagtataray n'ya saakin. Bigla naman akong napangiti. Ibig sabihin, hindi pa ako nominated para mapaalis dito. "At hindi ka sumisweldo para lang ngumiti na parang tanga d'yan." Napabalik naman agad ako sa realidad dahil sa pagmamataray ulit ni Ma'am sa akin kahit naman pala papaano mabait naman pala s'ya. Kaya bago pa ako tarayan ulit agad na akong umalis sa pwesto ko at agad hinanap ang storage room. Habang naglalakad, hindi ko maiwasang mapangiti, akala ko 'yun nanaman ang simula ng paghihirap ko dito sa Maynila bilang probinsyana pero buti nalang naawa sa akin si Ma'am. Nasaan ba 'yung storage room? Tanong ko sa sarili ko na napagtantong hindi ko pala alam kung saan 'yung storage room na 'yun. Wala akong nagawa kun'di buksan ang lahat ng pintong nadadaaan ko para tingnan kung 'yun na nga ba ang kwartong hinahanap ko. Nakailang pinto na ako pero wala pa rin, hanggang napatigil ako sa isang kwarto. Nasa pinaka dulo ito ng pasilyo at napapalibutan ng ibat-ibang ilaw paikot sa pinto nito. Mula sa desinyo ng pinto, halatang babae ang may ari ng kwarto. Kaya agad akong lumapit doon, hindi ko alam kung bakit pa ako pumunta kahit alam ko naman na hindi 'yun ang kwartong hinahanap ko. Pero dahil curious ako at gusto ko makita ang nasa loob nito ay tinuloy ko pa rin. Pinihit ko ng dahan-dahan ang doorknob ng pinto at sumalubong sa'kin ang matamis na amoy ng kwarto. Unti-unti akong pumasok, may nakita akong kama na katamtaman lamang ang laki. May vanity rin na may mga nakalagay na pabango at ibat ibang pampahid sa mukha, may ibat ibang brand din ng make up. 'Yung iba ay halos gamit na at yung iba naman ay hindi. May nakita din akong cabinet, malaki ito at mukhang mamahalin. Napapaligiran din ito ng ibat ibang paintings, ang gaganda nito at halos ibat ibang bulaklak ang naka paint. Halos lumuwa na ang mata ko dahil sa ganda ng kwarto, diko sukat akalain na makakakita ako ng ganitong kagandang kwarto. Nakakaaliw pagmasdan ang bawat bagay na naririto. Gusto ko rin ng ganito kaya lang suntok sa buwan 'yun, napaka imposible. Bago pa ako maaliw ng tuluyan sa kwartong 'yun ay lumabas na ako. Sinarado ko ng mabuti iyon bago bumalik sa pagahahanap ng storage room. Habang patuloy parin sa paghahanap, nahagip ng mata ko ang isang pinto. Mas maliit 'to kung tutuusin sa ibang pintong napasukan ko, kaya naisip ko na baka ito na nga 'yung storage room. At hindi nga ako nagkamali, ito na nga ang kwartong hinahanap ko. Nakita ko ang mga kurtina na nakatambak sa isang sulok, agad ko naman itong kinuha. Masyadong madami at medyo maalikabok na pero okay lang. Nagtuloy na ako sa paglabas at agad na isinarado ang pinto. Agad na akong naglakad dahil naalala ko si Ma'am na naghihintay, baka sumasabog na 'yon ng apoy kaya naman lalo ko pang binilisan ang aking paglalakad. Habang naglalakad, diko mawaglit 'yung kwartong napasukan ko. Napaka ganda talaga at mukhang ang sarap tulugan. Napangiti nalang ako ng mapakla ng mapagtanto ko ng imposible ang bagay na 'yun. "Mabuti naman at nakabalik ka pa." "Hinanap ko pa po kase 'yung storage room kaya medyo natagalan," pagdadahilan ko. "Nasaan na ang mga kurtina? Nadala mona ba sa likod?" tanong n'ya habang naghahain. Ako naman ay hindi ko na s'ya tinulungan dahil baka sa pagkakataong 'to mapalayas na ako kaya gaya ng pangako ko, diko s'ya tutulungan. "Opo, nadala ko na po," sagot ko sa tanong n'ya. "Mabuti naman, pumarito ka na ng tayo'y makakain na at makapagsimula ka na sa trabaho mo." Napatango naman ako sa sinabi n'ya kaya naman agad na akong umupo at kumain. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit ko s'ya kasabay sa pagkain. Pinabayaan ko nalang, hindi ko na s'ya kokontrahin baka mapasama pa ako kaya naman wala akong ginawa sa mga oras na iyon kun'di mag pakabusog dahil alam ko pagkatapos nito, sasabak ako sa matinding labanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD