Kabanata 4

1842 Words
Kabanata 4 •CHARM POV• 'Diko sukat akalain na magiging ganito kahirap ang trabaho ko dito sa mansyon. Ansakit ng balakang ko kakalampaso ng sahig, ang kamay ko naman ay halos mag sugat na kakakusot ng mga kurtinang pinalabhan saakin ni Ma'am Glo. Mahirap pero kakayanin dahil sa ngayon ito lamang ang bubuhay saakin. Tatlong araw na ako dito at kahit papaano ay naging maganda naman ang trato saakin ni Ma'am Glo. Gumagawa s'ya ng gawaing bahay kahit na nagtataka ako kung bakit pa n'ya ginagawa 'yun ay hindi ko na pinakealman dahil may binitawan akong pangako sa kanya na hindi na s'ya papakealman sa lahat ng gagawin n'ya kaya naman pinabayaan ko na lang. Habang nagdidilig dito sa labas ng mansyon ay hindi ko maiwasang humanga sa mga bulaklak na naririto. Gusto 'kong pumitas kahit isa pero 'wag nalang dahil baka magalit pa saakin si Ma'am Glo at maisipang palayasin ako. May sapak pa naman ang matandang yun. Umaga ngayon at masarap sa pakiramdam dahil nasisinagan ako ng araw, si Maam Glo naman ay nagluluto ng umagahan. Masarap talagang magluto ni Ma'am, talaga namang napaparami kami ng kain ni Kuya Bert at tama nga ang hinala ko na kaming tatlo lang ang nandidito. Gusto ko sanang magtanong kung bakit kami lang pero lagi nalang umuurong ang dila ko kapag nagtatangka akong magtanong kay Ma'am Glo e. Patapos na akong magdilig nang may biglang magsalita sa may tagiliran ko. "Who the hell are you?" Isang malalim na boses ang narinig ko at agad akong napaharap kung kanino galing ang boses na 'yun kasabay ng pagharap ko sakto din na naitutok ko sa kanya ang hawak 'kong host. "Fvck! Remove that from my face! Damn!" Sigaw n'ya kaya naman agad agad akong pumunta sa may gripo para patayin. Pagkatapos ay pumunta ako doon sa lalaking nagsalita. Nakita ko na basang-basa s'ya mula don sa polo n'yang suot hanggang sa pants n'ya. Kaya agad ko s'yang nilapitan. "Ayos kalang ba? Sorry, hindi ko sinasadya," paumanhin ko sa lalaking kaharap ko ngayon. "Look what you did?! Sino ka ba?!" galit na galit na sigaw n'ya saakin. "A-ah s-sorry po, hindi ko po sinasadya," naka yukong paumanhin ko. Hiyang hiya ako sa nangyari, hindi ko talaga kasalanan, nagulat lang ako. "Sorry? Anong magagawa ng sorry mo?!" sigaw ulit n'ya habang papalapit saakin kaya naman napa atras ako ng napaatras hanggang sa maramdaman ko nalang ang pader saaking likod. Hindi ko maiwasang mapatingin sa katawan n'ya, nagsisinungaling ako kapag sinabi 'kong patpatin 'to. Malaki ang katawan n'ya at bumabakat ang abs n'ya sa damit dahil basa ito. "Kasalanan ang pagtitig, alam mo ba 'yun stupid girl?" Napalunok naman ako at napaiwas ng tingin. Ano kaba naman Charm, umayos ka! "Do you like my abs?" nanghuhuling tanong n'ya. Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi n'ya. Ang kapal naman n'ya, 'di porket napatitig na ako sa abs n'ya e gusto ko na 'yun. "H-hindi!" depensa ko. "Stuttering huh?" nakangising sabi n'ya kaya naman nadagdagan ang inis ko. Ikaw kaya ang hindi mautal ng ganyan kalapit ang mukha n'ya. Kaya naman napa busangot ako. Nakakainis s'ya! Lalo pa n'yang inalapit ang kanyang mukha saakin kaya napakurap ako. Gwapo s'ya mula sa magulo at basang kulay itim na buhok, brown at mapupungay na mata, makapal na kilay, matangos na ilong, may perpektong panga at mapupulang labi. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong ka gwapo. Madami din naman na gwapo sa probinsya kaya lang na iiba ang taglay n'yang kagwapuhan. "Staring again? Kanina lang sa abs ko at ngayon ay sa gwapo 'kong mukha, nakakadami kana." Napamaang ako sa sinabi n'ya, napaka yabang n'ya. Alam ko naman na gwapo s'ya ah. "I think you're starting to like me." Napakurap ako ng mabilis at napamulagat sa kanya. Ang yabang n'ya talaga! "Do you like a kiss from me?" Malambing na saad n'ya na s'ya ko namang kinagulat. Hindi lang s'ya mayabang, manyakis pa. Sayang naman pala 'yung kagwapuhan n'ya kung ganiyan din pala ang ugali n'ya. Hindi porke't gwapo s'ya gugustuhin ko na agad ang halik n'ya, hindi ako tulad ng ibang babae na magpapahalik lang basta guwapo. Bago paman ako maka sagot ay may biglang ssumigaw, "Adam! Charm!" Sabay kaming napalingon nitong mayabang at manyakis na lalaki sa sumigaw at nakita ko si Kuya Bert. Kumuha ako ng lakas para maitulak ang lalaking ito at hindi ako nabigo, naitulak ko s'ya at agad nagtatakbo kay Kuya Bert. "Kuya Bert!" sigaw ko habang patakbong lumalapit sa kanya. "Oh ija!" "Kuya Bert, itago mo ako," sabi ko at pumunta sa likod n'ya at nagtago. "Itago? May ginawa kang kasalan no?" saad ni Kuya Bert kaya naman agad akong napasimangot. Ako pa ang may ginawang kasalanan? "Kuya Bert, ano ba? Wala po akong ginawang kasalanan, baka 'yun oh!" Sabay turo ko do'n sa manyakis na lalaki. "Huh?" naguguluhang tanong saakin ni Kuya Bert. "Kuya Bert, ilayo mo ako sa kanya. Mayabang s'ya at manyakis pa," wika ko na parang nagsusumbong na bata sa kanyang ama. "Anong sabi mo, ija?" "S'ya! S'ya! Manyakis s'ya! Sabi n'ya, kung gusto ko daw ng halik n'ya. Napaka manyakis talaga!" sigaw ko at tiningnan ng masama ang estrangherong lalaki. Tiningnan ko naman si Kuya Bert nang hindi ito nagsasalita kaya naman bumalik Ang tingin ko dito, nakita 'kong nanlalaki ang mga mata n'ya at mukhang gulat na gulat. Ha! Tama lang Kuya Bert na magulat ka dahil may nakapasok na manyakis sa village natin. Tiningnan ko muli 'yung lalaki, basang basa parin s'ya at nakangising nakatingin saakin. Anong tinitingin-tingin n'ya d'yan? Tama lang sa kanya na mabasa dahil napaka manyakis n'ya. Kaya naman hindi ako nagpatalo, tinitigan ko din s'ya at ngumisi. 'Kala n'ya ha! Security guard yata ang kasama ko. "Charm, ija." Naramdaman ko nalang na hinawakan ako ni Kuya Bert sa braso kaya tiningnan ko ito. Bakas ang pag aalala sa kanyang mukha. Nangunot naman ang noo ko, 'wag n'yang sabihin na natatakot s'yang paalisin 'yang manyakis na 'yan dito? "Kuya Bert, bakit? Natatakot po ba kayong paalisin 'yan dito?" tanong ko at itinuro 'yung lalaki na ngayon ay papunta na sa deriksyon namin. "Charm ija, hindi sa gano'n pero kase.." Saba'y kamot ng ulo. Napailing nalang ako. Paano naging guard 'tong si Kuya Bert kung hindi n'ya kayang palayasin ang manyak na katulad ng lalaking ito. Bago paman makarating 'yung manyak na lalaki ay hinarang ko na s'ya. "Hoy! Manyak!" tawag ko at nakita ko naman na bumakas agad ang galit sa mukha n'ya. Pero wala akong pake kailangan n'yang umalis dito. Kailangan 'kong maging matapang, kung hindi kaya ni Kuya Bert, pwes! Ako ang gagawa. "Saan ka pupunta ha? Umalis ka dito, mayabang at manyakis na lalaki!" taboy ko sa kanya, s'ya naman ay nanatili lamang na nakatingin saakin. "Ano? Titingin kana lang? Umalis kana bago paako tumawag ng pulis at ipadampot ang manyak na tulad mo!" sigaw ko. Naramdaman ko naman na hinawakan ako ni Kuya Bert sa balikat. "Charm, tama na, pabayaan mona s'ya," bulong n'ya saakin. "Kuya Bert? Ano kaba? Paalisin natin 'yan. Mamaya, magnanakaw pala 'yan," baling na sagot ko sa kanya "Pero kase Charm–" Hindi ko na s'ya pinatapos at bumaling na doon sa lalaki. Nagulat ako na nawala na 'yung lalaking manyakis. "Nasaan na s'ya?" tanong ko, ano ba naman 'yan nasalisihan agad. Pagbaling ko sa may bandang gate ay nakita ko s'yang pumapasok. Ito na nga ba ang sinasabi ko e, mayabang na manyakis na magnanakaw pa. 3 in 1. Kaya naman tumakbo ako para harangan s'ya, iniisip ko ay si Ma'am Glo. Matanda na 'yun at hindi na n'ya kaya pang makipaglaban. Si Kuya Bert naman, bahag na ang buntot kaya naman ako nalang ang maasahan dito. "Manyak!" tawag ko at tumigil naman s'ya, agad naman akong pumunta sa harapan n'ya at iniharang ang dalawang kamay. Medyo nagulat ako dahil napaka seryoso na ng mukha n'ya kesa kanina na mapangasar ang mukha. Pero pinabayaan ko na 'yon. Tsh! S'ya pa talaga ang may ganang magseryoso? "Kung ano man ang binabalak mong gawin, itigil mo na 'yan! Sinasabi ko sa'yo!" banta ko sa kanya pero parang hindi yata epiktib kase hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha n'ya. "Umalis ka na di–" "Shut your annoying mouth," malamig na wika n'ya. Agad naman akong napatiklop at napalunok. Bakit ako? Kapag nagbabanta? 'Di manlang s'ya natakot, tapos sya 'yun lang napatahimik na agad ako? Para namang hindi patas 'yun. "Adam!" Nakita ko si Kuya Bert, kilala n'ya 'tong manyakis na 'to? Agad naman n'ya akong nilapitan. "Ah, Adam pagpasensyahan mo na 'tong si Charm ha? Alam mo na, ganiyan naman ang mga babae e, eskandalosa." Napatingin naman ako ng deritso kay Kuya Bert, tama lang na mag eskandalo ako dahil may mayabang, manyakis, at magnanakaw na nakapasok sa mansyon. Pero agad din n'ya akong pinaglakhan ng mata na parang nagsasabing 'tumahimik ka muna' kaya wala akong nagawa kun'di ang tumahimik. "Adam basang basa ka, maigi pa't pumasok kana sa loob ng makapagpalit kana." Napamaang ako sa sinabi ni Kuya Bert, anong papapasukin? Nasisiraan na s'ya ng bait! "Ano? Kuya Bert naman—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla s'yang nagsalita "Pero basang basa s'ya." "Oh? Anong pake natin dyan! E, magnanakaw 'yan e," sabi ko. "Ano bang sinasabi mo Charm?" suway saakin, aba! Mukhang kinakampihan n'ya pa 'yang manyakis na 'yan ah! "'Wag mona s'yang pansinin, kulang lang talaga s'ya sa tulog." sabi ni Kuya Bert d'on sa manyakis na ngayon ay nakangisi ng nakatingin saakin. "You, You're not just a stupid girl but also a scandalous woman." Nanlaki ang aking mata dahil sa sinabi n'ya, namumuro na s'ya ah! Bago ko pa s'ya masapak ay mabilis na s'yang umalis at derederetsong nagpunta sa loob ng mansyon. Ako naman ito, hindi parin maka get over sa sinabi n'ya, walanghiya s'ya! "Charm!" Napabalik ako sa realidad ng magsalita si Kuya Bert. "Bakit mo ginawa 'yun?" tanong n'ya habang naka hawak sa sentido, mukha s'yang problemadong problemado. "Kuya Bert, dapat nga ako ang nagtatanong n'yan sa'yo e," wika ko habang problemadong problemado na. "Ija, dapat marunong kang gumalang." Parang nagpinting 'yung tenga ko sa sinabi ni Kuya Bert, ako pa talaga 'yung dapat gumalang? "Ano bang sinasabi n'yo Kuya Bert? Magnanakaw 'yun tapos pinapasok n'yo pa. Yari tayo nito kay Maam Glo e." Akma na akong aalis nang bigla n'ya akong pigilan. "Charm, maling mali 'yung ginawa mo. Hindi s'ya magnanakaw o ano." Nangunot ang noo ko sa narinig at napatingin ng maigi sa mukha ni Kuya Bert na ngayon ay para ng naligo sa pawis. "Oh, e, ano? Akyat bahay? Budol budol? Tanim bala ga—" "S'ya ang nagmamayari ng Vergara Company, isa sa mga batang business tycoon at sa kanya ang lupang tinapakan mo, in short s'ya ang boss natin." Halos matumba ako sa narinig, hindi maaari 'to. Isang malaking 'ano' ang pumasok agad saaking isipan. Hindi puwedeng s'ya ang boss namin. Tila lahat ng nangyari kanina ay bumalik saakin. Sa isang iglap ay bigla 'kong pinagsisihan ang lahat. Patay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD