bc

Hanggang Kailan Pa Kaya

book_age16+
12
FOLLOW
1K
READ
brave
tragedy
sweet
humorous
lighthearted
discipline
like
intro-logo
Blurb

POV SELF

Ayaw ko na, Suko na ako, Ganto na lang ba ako lagi. Mga salita na sa ulo ko ay patuloy na tumatakbo. Tila di ko na alam ang gagawin sa sarili. Kikitlan na ba ng buhay o magpapatuloy pa hanggang sa bumigay na at di na rin kayanin pa. Tila wala nang tutulong sa akin. Tila ako na lang ba ang ganto, ang lumalaban kahit sugutan na at konting problema na lang bibigay na. Btw ako nga pala si Evan. Puro na lang kabiguan sa araw araw. Tila walang katapusang pagpapahirap sa araw araw na buhay. Tsssskkkk ayaw kona............... Ayaw konang mabuhay pa. Sana di na lang ako isinilang pa............

chap-preview
Free preview
KABANAT 1- SIMULA NA NGA BA?
    Ako si Evan Montives Salazar. Labimpitong taong gulang. Nag aaral sa Xavier State University. Na nasa senior high school na. Isa lang naman ako sa mga tao sa mundong ito na lagi na lang hinuhusgahan at kinakawawa ng mga tao sa paligid. Lumaki nga pala ako na walang mga magulang. Kase simula ng pinaganak ako di ko na nagisnan ang mga magulang ko at sina lola at lolo na ang nag alaga sa akin. Bagaman sila ang nagpalaki sa akin di rin naging maganda ang trato nila sa akin. Araw araw na lang na may husga ang natatanggap. Kung minsan pa ay minamaltrato nila ako na parang isang hayop. Palo dito, palo doon. Halos sa araw araw di ako mawawalan ng mga galos at sugat sa katawan dahil na nga sa mga palo at haplit ng sinturon. Oo nga pala ang mga magulang ko ay di ko alam kung nasaan kase kapag tinanong ko sina lolo at lola ang laging sagot ay patay na. Pero pag tinanong ko kung saan nilibing lagi na lang nila sinasabi na nasa malayo daw na lugar nilibing at di daw nila alam kung saan. Basta sa araw araw lagi akong nagtatanong kung nasaan ang mga magulang ko. Isang umaga.... "Lolo di nyo po ba talaga alam kung nasaan ang mga magulang ko" sambit ni Evan sa kanyang lolo. "Ang kulit mong bata ka diba sinabi ko sayo na patay na siya at di ko alam kung saan siya nilibing" sagot naman ng kanyang lolo. "Ehh bakit po ako napunta dito" tanong uli ni Evan sa kanyang lolo. "Ang kulit mong bata ka di ka ba marunong makinig. Siguro kaya namatay sila dahil sa kagagawan mo wala ka kaseng kwentang anak at puro ka na lang pasakit kaya iyon nagpakamatay na ata sila"sagot naman ng lolo ni Evan. " Okay po lolo" mahinang tugon ni Evan na tila paiyak na sa sobrang sakit ng naramdaman matapos masabihan ng lolo niya ng ganun. "Malas ka talagang bata ka kaya dapat lang sayo na maturuan ng leksyon kahit araw araw o di kaya kahit mayat maya pa" dagdag ng lolo ni Evan na galit na galit at akmang gugulpihin na naman si Evan. Tumakbo naman si Evan papunta sa kusina para kumuha ng tasa at mag timpla ng kape pero natakot din siya sa kanyang lolo kase baka magulpi na naman siya nito. Sa bawat araw nasanay na siya na bago pumasok sa eskwelahan ay makapag kape man lang upang malapatan ang tiyan niya kahit isang lagok ng kape para sa maghapon niyang pakikipagsapalaran. Bago umalis si Evan sa kanilang tahanan naabutan pa niya na nagising ang kanyang lola kaya pinagtimpla niya muna ito ng kape. "Lola ito po ang kape niyo" sabay abot ng kape sa kanyang lola na may ngiti sa mga labi. "Ano ka ba namang bata ka? Bakit ang bagal bagal mo kumilos. Para kape lang di mo pa mabilisin. Sa pagkaka kupad mo naman talaga di naman mabigat ang kape" sambit ng lola niya na may medyo malakas na boses. Umalis na si Evan sa harap ng kanyang lola dahil sanay na sanay na siya dito sa araw araw. Pero bago siya makarating sa pinto sumigaw ang kanyang lola at sinabing.. "Ikaw na bata ka. Umuwi ka ng maaga at wag kung saan saan pupunta pa. Kailangan ka dito a bahay. Wala na rin tayong panggatong kaya mangangahoy ka pa lag uwi mo. Mag iingat ka" saad ng lola ni Evan na parang pasigaw. Malambing naman kung maware ang lola ni Evan dahil sa kung minsan pag may raket si Evan na trabaho ay nakakahingi ito kahit gustong gusto na itago lagi ni Evan ang pera niya. Pero kahit ganun na medyo malambing lagi paring may ngulngol si Evan sa kanya. Bago pumasok si Evan napakaraming pahirap pa ang dadaanan niya bago siya makarating sa eskwelahan.Ito ang simula ng unang araw niya uli sa paaralan kaya di pa uli niya kilala ang magiging kaklse niya at magiging guro sa ibat iba niyang asigantura. Una na nga niyang madadaanan dito ay ang isang ilog na buhay na buhay na ang daanan lang ay dalawang kawayan na magkadakit. Na kapag nagsala ng tapak ay siguradong ikakamamatay niya at madadala siya kung saan man. Minsan pa nga naiisipan na rin niyang tumalon dito dahil sa mga sinasapit niya sa kanyang lolo at lola. Sa bawat try niya ng pagpapakamatay sana dito may nakakakita sa kanya o di kaya nasasabit ang kanyang damit sa kawayan. Pagkatapos naman ng ilog ay titibagin niya ang isang bundok na kung kakarkulahin ay parang mt apo ang taas. May dumadaan namang mga pwedeng sakyan ngunit mahal ang pamasahe at ang isa pa ay ayaw na niyang mabawasan ang bente pesos niyang nagiging baon sa maghapon. Binibigyan pa rin naman siya ng bente ng kanyang lola araw araw. Nang makalapas siya sa isang bundok tumitigil siya sa isang tindahan para maki inom. Buti na lang at mabait ang may ari dito kase araw araw siyang pinapainom at kung minsan pa ay binjbigyan siya ng biscuit para naman daw may makaalis sa pagod niya at para naman daw may itutulak ang iniinom niyang tubig. Pagkatapos uminom ni Evan ay pinagwawalis niya muna ito ng konti ng harapan ng tindahan dahil konting kalat lang naman ang nagiging basura doon. Nang matapos niya iyon agad siyang umaalis na may pagmamadali dahil malayo layo pa din ang kanyang lalakarin. Sunod namang dadaanan niya ay medyo malamig lamig kase sa isang kagubatan naman siya lalampas. Sa gubat na ito madalas makakita siya ng mga ahas, mga unggoy at kung minsan ay pugo na kinatutuwaan njyang habulin madalas. Di na siya natatakot sa gubat ba ito dahil sa araw araw ba niyang pagdaan dito nasanay na din siya at di na siya natatakot na masaktan pa dahil na rin sa pagka manhid na ng kanyang katawan. Pagkalampas dito matatanaw na niya ang kanilang paaralan na may malaking gate na tila gate papunta sa langit kase ito ay kulay ginto na pinakintab pa ng pintura. Pagdating niya sa gate ay agad niyang binabati ang gwardya ng usang magandang umaga na may mga ngiti sa labi. Sa Xavier State University     Ang Xavier State University ay isang  paaralan na kung saan marami ang nag aaral na mayayaman at syempre ang mga kagaya din ni Evan na kapos sa pera. Marami din ditong pumapasok na mga foreigner na galing sa ibat ibang ibang bansa, kase ito ay sikat na sikat na parang international school. Minsan pa nga ay nagkakaroon dito ng mga paligsahan ng ibat ibang kompetisyon. Kagaya na lang ng chess, badminton, volleyball at kung minsan pa ay basketball na din na nilalahukan ng mga taga ibang bayan, lugar at ang di mawawala ay mga manlalro ng ibang bansa dahil alam nila na pag nanalo sila dito ay magiging tanyag o kilala sila sa buong mundo. Sa malaking paaralan ding ito tunay na magagaling ang mga guro at talagang matataas ang tinapos. Merong mga guro na nagtapos na topnotcher sa kanilang entrance exam, mga una, pumangalawa at ang iba naman ay nakapasok sa ilalim ng top one hundred na mga kumuha. Kung ang ibang guro dito ay nag topnotcher ang iba naman ay dalawa na ang degree ang natapos. Mga doctorate at iba ay mga double licensed na. Syempre dahil kilala ang paaralang ito ang mga gwardiya dito ay mga nakatapos ng pag ka pulis kaya talagang matitiyak mo ang seguridad ng bawat estudyante. Binubuo ito ng sampo hanggang labimlimang na gwardiya sa buong laki ng paaralang ito na merong sampong gate na naglalakihan. Sa paaralang ito binubo ng mga establisyimento simula preparatory hanggang kolehiyo. Isama pa natin ang mga faculty na talagang lalamigin ka pag pumasok kana sa kanilang opisina dahil sa dalawang airconditioned na nakalagay dito. Tunay na makikitaan ng pagkatanyag ang eskwelahan na ito ngunit lahat naman ay tinatanggap nila upang makapag aral dito. Sa katunayan nagbibigay sila dito ng mga scholarship sa lahat ng mga estudyante na kinakikitaan ng abilidad na talino at galing sa paglalaro ng maraming sports. Ang mga scholarship na ito ay di basta basta iginagawad dahil kailangan ng estudyante mapagsabay ang galing sa pag aaral at ang pagsali ng kompetisyon ba halos linggo linngo nang merong laban. Madalas namang manalo ang paaralan nila dahil sa galing na din ng mga coach na may mga madami ng karanasan na dati ring  mga varsity ng mga kilalang paaralan kagaya ng Xavier State University. Ang Unang Kalbaryo kay Evan Ngunit May Ngiti     Habang naglalakad si  Evan sa hallway ng paaralan. Lahat ng nakaksalubing niya ay nakitingin sa kanya. Siguro dahil sa dumi sa pananamit ni Evan dahil sa malayo niyang pinanggalingan. "Ang dumi naman neto" sambit ng isang mag aaral na nakasalubong niya na kung titingnan at kikilitasin ng ayos ay mukhang nasa grade ten na. "Ang baho naman ng lalaking ito. Sinong kayang mga magulang neto. Bakit siya pinabayaan ng husto at di man lang binihisan ng ayos" sambit naman ng isang babae na masungit na kung kikilitasin ay mayaman at makinis na kung wawarein ay nasa ika siyam na taon ng baitang ng pag aaral sa eskwelahang ito. Ilan lang  iyan sa mga salita na naririnig niya habang naglalakad papunta sa kanyang magiging silid aralan na medyo malayo layo din mula sa gate na pinasukan niya. Ngunit may naka alis ng pagod niya ng may isang babeng nakakuha ng atensyon niya. Ito ay walang iba kundi si Daisy Garcia na naging kaklase na din niya noong siya ay nasa high school pa lamang. Ito rin iyong babae na anak noong may ari ng tindahan na tinitigilan ni Evan tuwing umaga para maki inom ng konting tubig na siyang pinag wawalisan din ni Evan. Si Daisy ay isang maputing babae na kinababaliwan ng maraming kalalakihan sa kanila dahil na rin sa angkin niyang kagandahan. Ilang lalaki na din ang nagkagusto dito at nanligaw ngunit sobrang ilap ng puso neto kaya di makuha ng sinumang kalalakihan ngunit iba ang tama niya kay Evan. Malakas ang tama niya ngunit di niya masabi ng maayos sa sobrang pagkahiya. "Hello sayo Evan" bati ni Daisy na may ngiti sa labi na parang may kilig ngunit di niya pinapahalata dahil siya ay nahihiya. "Hello naman Daisy. Aga mo ata ngayon ahh" bati ni Evan na may mga ngiti sa labi. "Ayy oo Evan, kase nakita na kita kanina na dumaan sa tindahan kaya bilis bilis din akong nag ayos at kumain at iniisip ko na baka abutan kita ehh dito na kita naabutan ahahahaha" saad naman ni Daisy na parang sobrang tuwa na wala ng bukas habang sila ay patuloy na naglalakad sa pagkaka habang hallway ng kanilang eskwelahan. " Kamusta ka naman Daisy, kamusta ang bakasyon mo. Tila lalo ka atang gumanda at kuminis ang balat" saad ni Evan sa harap mismo ni Daisy na ngadulot sa kanya ng pagpula ng mga pisngi. " Wag mo naman akong purihin ng ganyan baka mamaya may makarinig sayo. Nakakahiya iyon pati di naman tunay hahaha. Okay lang naman ako pati ang naging bakasyon ko" sagot ni Daisy na magkahalong sobrang hiya at kilig  dahil sa mga sinabi ni Evan." Wag kang ganyan sa akin Evan baka mafall ako tapos di mo saluhin, hahahaha joke lang Evan baka maniwala ka" dagdag pa neto na may halong pagbibiro at makikitaan mo ng pagiging masaya. " Ayy tunay naman iyon Daisy ehh kaya nga madami ang naghahabol sayo dito sa ating eskwelahan kahit mga nasa kolehiyo na talagang napunta sa building natin noong tayo ay high school pa lamang" saad namn ni Evan na medyo malakas ang pagkakasabi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook