Chapter-1
Maagang-maaga pa lang ay puno na ng mga estudyante ang hallway ng St. Aurelia Academy. May mga nagmamadaling pumasok sa classroom dahil malapit nang tumunog ang first bell, may mga magkakaibigang nagkukuwentuhan habang naglalakad, at may ilan namang abala sa kanilang mga cellphone kahit ilang minuto na lang ay magsisimula na ang klase. Sa gitna ng ingay at gulo ng buong hallway, isang pangalan ang madalas marinig mula sa iba't ibang grupo ng estudyante, at iyon ay si Madison Vane. Hindi na bago sa lahat ang atensyong natatanggap niya dahil bukod sa maganda siya, matalino rin siya at halos lahat ng ginagawa niya sa school ay napapansin ng mga tao. Para sa karamihan, siya ang perfect example ng isang estudyanteng kayang pagsabayin ang academics, talent, at popularity nang hindi kailangang pilitin ang sarili.
Pagpasok ni Madison sa hallway ay agad siyang sinalubong ng ilang kakilala niyang estudyante. May mga ngumiti sa kanya, may bumati, at may ilan pang tumingin lamang habang palihim na nagbubulungan. Sanay na siya sa ganoon kaya ngumiti lang siya at nagpatuloy sa paglalakad habang mahigpit na hawak ang strap ng bag niya. Nakasuot siya ng maayos na school uniform, simple ang ayos ng buhok niya, at wala siyang ginawang espesyal para mapansin, pero kahit ganoon ay parang natural lang na napupunta sa kanya ang atensyon ng mga tao.
"Madison"
Paglingon niya ay nakita niya si Xenna na papalapit sa kanya habang hawak ang isang baso ng iced coffee. Halatang kanina pa ito naghihintay dahil medyo magulo ang buhok nito at mabilis ang paglalakad papunta sa kanya.
"Five minutes early ka today," sabi ni Xenna habang nakangiti. "May nangyari ba sa'yo"
Napatawa si Madison at umiling. "Wala naman. Ayoko lang ma-late."
"Ikaw? Ayaw ma-late tinaasan siya ng kilay ni Xenna. "Usually ikaw yung papasok na sakto bago tumunog yung bell."
"At least hindi ako late."
"Okay, fine. I won't argue."
Sabay silang naglakad papunta sa kanilang classroom. Habang nagkukuwentuhan sila tungkol sa assignment na ipapasa nila sa araw na iyon, hindi nila napansin na may tatlong estudyanteng nakatingin sa kanila mula sa kabilang bahagi ng hallway. Sina Kiara, Victoria, at Celestine ay magkakasamang nakatayo malapit sa lockers, at tulad ng dati, hindi maganda ang tingin nila kay Madison.
"Look at her" mahina ngunit malinaw na sabi ni Kiara "As usual, everyone is looking at her."
Napangiti si Victoria nang may halong pang-iinis. "Hindi naman siguro masama kung mawala kahit isang araw yung pagiging star niya."
Tumawa si Celestine at inayos ang buhok niya bago muling tumingin kay Madison. "Let’s see kung hanggang kailan siya magiging star."
Hindi narinig ni Madison ang sinabi nila. Patuloy lamang siyang naglakad kasama si Xenna hanggang makarating sila sa classroom. Pagpasok niya roon ay dumiretso siya sa kanyang upuan na malapit sa bintana. Iyon ang paborito niyang lugar dahil mula roon ay tanaw niya ang malaking garden ng school at ang matataas na puno na nakapaligid sa old building. Madalas siyang maupo roon kapag gusto niyang mapag-isa o mag-isip pagkatapos ng klase.
Inilapag niya ang bag sa tabi ng upuan at kinuha ang ilang notebook. Habang inaayos niya ang mga gamit niya ay napansin niyang may maliit na bagay na nakapatong sa gitna ng kanyang desk. Noong una ay inakala niyang ordinaryong accessory lamang iyon na naiwan ng ibang estudyante, pero nang hawakan niya ito ay agad siyang napahinto.
Isang silver pendant iyon.
Simple lamang ang itsura nito, pero may kakaibang simbolo sa gitna na parang bilog na may maliit na marka sa loob. Hindi niya alam kung bakit, pero nang mahawakan niya iyon ay biglang nanlamig ang kanyang mga daliri. Hindi ordinaryong lamig ang naramdaman niya. Para bang dumaan ang malamig na hangin sa buong katawan niya kahit sarado naman ang lahat ng bintana sa classroom.
"Madison"
Napalingon siya kay Xenna na nakatingin sa kanya.
"Okay ka lang"
Tumango siya ngunit hindi agad binitiwan ang pendant. "Yeah. May nakita lang ako."
Lumapit si Xenna at tiningnan ang hawak niya. "Saan galing 'yan"
"Hindi ko alam nandito na sa desk ko."
"Maybe someone left it."
"Siguro."
Muli niyang tiningnan ang pendant. May kakaiba siyang pakiramdam habang nakatitig dito, na para bang pamilyar ang simbolong nasa gitna kahit hindi niya maalala kung saan niya iyon nakita. Bago pa niya maisip kung ano iyon, biglang may malamig na hangin na dumaan sa kanyang batok.
At kasunod noon ay may narinig siyang mahinang boses.
"Madison..."
Nanlaki ang mga mata niya.
Agad siyang napalingon sa paligid, pero walang ibang nakatingin sa kanya. Abala ang mga estudyante sa kanilang sariling ginagawa at si Xenna naman ay may kinakausap na kaklase sa kabilang bahagi ng room.
"Narinig mo ba yun? tanong ni Madison.
"Ano?
"May tumawag sa pangalan ko"
Umiling si Xenna wala akong narinig."
Napatingin muli si Madison sa pendant. Sa pagkakataong iyon ay wala na siyang naririnig, pero hindi na nawala ang kakaibang pakiramdam sa dibdib niya.
Makalipas ang ilang minuto ay pumasok ang teacher at nagsimula ang klase. Pinilit ni Madison na kalimutan ang nangyari at itinago niya ang pendant sa loob ng maliit na compartment ng kanyang bag. Ngunit kahit nakikinig siya sa lesson, paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip niya ang boses na narinig niya.
Madison....
Hindi niya alam kung bakit parang kilala siya ng boses na iyon.
Nang matapos ang unang subject ay agad na nag-ingay ang buong classroom. May mga estudyanteng lumabas para bumili ng pagkain at may ilan namang nanatili sa kanilang upuan. Si Madison ay kumuha ng notebook at nagsimulang magsulat ng ilang notes nang biglang may isang lalaking huminto sa tabi ng kanyang desk.
Pagtingala niya ay nakita niya ang isang lalaking hindi niya pa nakikita noon sa school.
Matangkad ito, maayos ang buhok, at seryoso ang mukha. Hindi siya katulad ng ibang estudyanteng madaling makipagkaibigan. Tahimik lamang itong nakatingin sa kanya na para bang may hinahanap sa kanyang mukha.
"I'm Jonathan," sabi nito.
Tumango si Madison "Madison."
Hindi ngumiti si Jonathan. Sa halip ay diretso nitong tiningnan ang bag niya.
"Where did you get that pendant"
Napahinto si Madison.
"Anong pendant"
"The silver one."
Biglang naging seryoso ang mukha niya. Hindi niya alam kung paano nalaman ni Jonathan na nasa bag niya iyon.
"Bakit mo alam na may silver pendant ako?
Saglit na hindi sumagot si Jonathan. Tumingin muna siya sa paligid bago muling ibinalik ang tingin kay Madison.
"Because I've seen it before."
"Saan?"
Hindi agad sumagot si Jonathan. Para bang nag-iisip siya kung sasabihin ba niya ang alam niya o hindi.
"That pendant belonged to someone who died twenty years ago."
Nanlamig ang buong katawan ni Madison.
"Ano"
"You heard me."
Napahigpit ang hawak niya sa notebook. "Paano mo nalaman"
Hindi na nakasagot si Jonathan dahil biglang tumunog ang bell. Maraming estudyante ang nagsimulang bumalik sa classroom kaya umatras siya ng isang hakbang.
"Keep it hidden" sabi niya bago tuluyang umalis.
Naiwan si Madison na nakatingin sa kanya habang hindi pa rin niya maintindihan ang sinabi nito. Dalawampung taon. Hindi niya alam kung bakit parang may bigat ang simpleng numerong iyon. Para bang may bahagi ng sarili niya na gustong maalala ang isang bagay na matagal nang nakalimutan.
Pagkatapos ng klase ay naiwan sandali si Madison sa classroom upang ayusin ang mga gamit niya. Lumabas muna si Xenna dahil may bibilhin ito sa canteen. Habang isinasara ni Madison ang kanyang notebook ay may maliit na papel na nahulog mula sa pagitan ng mga pahina.
Pinulot niya iyon.
Walang pangalan.
Walang kahit anong marka.
Isang pangungusap lamang ang nakasulat.
"Don't trust the boy who knows the pendant."
Biglang bumilis ang t***k ng puso niya.
Hindi niya alam kung sino ang naglagay noon sa notebook niya, pero malinaw na para sa kanya ang mensahe. At sa unang pagkakataon mula nang makita niya ang pendant, naramdaman ni Madison na baka hindi aksidente ang lahat ng nangyayari sa kanya.
Lumabas siya ng classroom at naglakad patungo sa hallway tahimik na roon dahil karamihan sa mga estudyante ay nasa canteen na. Habang naglalakad siya ay napansin niyang may isang lalaki na nakatayo malapit sa dulo ng hallway.
Siya si Lucas.
Hindi niya kilala ang lalaki nang mabuti, pero ilang beses na niya itong nakita sa school. Tahimik ito, palaging mag-isa, at parang laging may hinihintay.
Nang magtama ang kanilang mga mata ay hindi umiwas si Lucas.
Sa halip ay lumapit ito sa kanya.
"You're Madison Vane."
"Yes."
"Tingin mo ba alam mo kung ano yung hawak mo"
Napatingin si Madison sa bag niya.
"Kung tungkol sa pendant ang sinasabi mo, hindi ko nga alam kung saan galing iyon."
Huminga nang malalim si Lucas bago tumingin sa paligid.
"I've been looking for that pendant."
Bakit?
Hindi sumagot si Lucas sa halip ay lumapit ito nang kaunti at nagsalita nang mahina.
"Because people who find that pendant usually find something else with it."
"Ano?"
Tinitigan siya ni Lucas nang ilang segundo bago nagsalita.
"The curse."
Bago pa makapagtanong si Madison ay may narinig silang yabag mula sa kabilang hallway. Pareho silang napalingon at nakita nila si Jonathan na papalapit sa kanila.
Nagkatinginan sina Jonathan at Lucas.
Sa isang segundo ay parang may bagay silang pareho na alam, isang bagay na hindi kasama si Madison.
"You shouldn't be talking to her," malamig na sabi ni Jonathan.
Napangiti nang bahagya si Lucas. "And you shouldn't have told her about the pendant."
Nanigas si Madison.
"Wait. You two know each other?"
Walang sumagot.
Muling tumingin si Lucas kay Jonathan bago siya tumingin kay Madison.
"Don't ask questions you aren't ready to hear the answers to."
Pagkatapos ay umalis siya.
Naiwan si Madison na nakatingin sa kanyang likuran habang lalo lamang lumalalim ang kalituhan sa isip niya. Ilang segundo ang lumipas bago nagsalita si Jonathan.
"Forget what he said."
Why?
"Because some things are better left buried."
"Pero bakit parang lahat kayo may alam tungkol sa pendant ko"
Hindi sumagot si Jonathan. Saglit niya lamang tinitigan si Madison bago siya tuluyang lumakad palayo.
Mabilis na kinuha ni Madison ang pendant mula sa bag niya. Sa pagkakataong iyon ay hindi na malamig ang silver pendant. Mainit ito, halos parang may sariling init na nanggagaling sa loob.
Napaatras siya nang biglang marinig muli ang pamilyar na boses.
"Find me..."
Napahawak siya sa pendant habang mabilis na tumingin sa paligid.
Walang tao.
Walang kahit sino.
Ngunit sa dulo ng hallway, may isang lumang pintuan na bahagyang nakabukas. Hindi niya iyon napansin noon dahil palagi iyong nakasara at halos walang estudyanteng pumupunta roon.
Muli niyang narinig ang boses.
"Madison.."
Hindi niya alam kung bakit, pero parang may kung anong humihila sa kanya papunta sa pintuan.
Isang hakbang.
Isa pa.
Habang papalapit siya ay unti-unting lumalakas ang kabog ng dibdib niya. Nang malapit na siya sa pintuan ay nakita niyang may parehong simbolo ng nasa pendant na nakaukit sa lumang kahoy.
Napahinto siya.
At sa unang pagkakataon ay naisip ni Madison na baka hindi niya talaga natagpuan ang pendant.
Baka ang pendant ang matagal nang naghihintay na matagpuan siya.