Malapit ng matapos ang resort ni Alvin.Kaunting kembot na lang ,ika nga at patapos na.
Dahil patapos na iyon ,kailangan ni Kathleen iyon bisitahin para makita kung may mga kailangan pa siyang ipadagdag na ipapaayos.
Kailangan niya din masigurado na hindi lang dapat ito kaakit akit sa paningin ng mga tao kundi dapat na matibay din ito para sa kaligtasan ng mga tao.
Kahit tinatamad siyang magdrive ay pinilit niya ang sarili para makapunta sa resort.
Ilang buwan na siyang hindi pinapatahimik ng kanyang isipin about kay Topher.Dalawang buwan na ata o tatlo na .Hindi niya din ito makontak .Sobrang pangungulila na ang kaniyang nararanasan kay Topher.Gayunpaman,never na dinala ni Kathleen sa trabaho ang problema.
Ang huling paguusap pa nila ay nag away sila.
Nang makarating siya sa resort ay naglibot libot siya.Naamazed siya sa resulta ng nabuo niyang concept.Kahit hindi siya mismo ang nakaharap dito araw araw sa pagbuo nito,ay nakita niya mismo ang concept na binuo niya sa utak niya .
Nilinay niya ang bawat sulok ng resort,maging ang mga establishments na nasa loob nito.
Andito siya sa hotel sa loob ng resort.May 20th floor din ang taas niyon.Nilibot na niya ito hanggang itaas.Pagbaba niya binalikan niya ang isang room na nilampasan niya kanina.Papasukin niya na sana ang saradong pinto iyon, opisina iyon ni Alvin.Syempre alam ni Kathleen na office niya iyon kasi nga siya bumuo ng buong lugar na ito.Pero nagdalawang isip siya kung papasok o hindi .Pero mas minabuti na lang niya na wag na lang.
Patalikod na sana siya ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Alvin at si Engr. Greg.Nagulat ang dalawa sa kaniya lalo na si Engr. Greg.
"Engr. Kath anong ginagawa mo dito?"gulat na tanong ni Greg
Nagulat din ng kaunti si Kathleen kahit inaasahan niya naman na talagang magkikita sila ng mga ito.
"ahmm nautusan lang ni supervisor na bisitahin ang lugar."pagsisinungalin niya kasi totoo siya naman ang kusa pumunta dito.
Gusto kasi ni Kathleen na masigurado na maayos at perpekto ang trabaho na nakaatas sa kaniya..At syempre kahit naman nasa likod lang siya ng project na ito gusto din naman niya makita actually ang kinalabasan ng lahat.
Nakatitig lang sa kaniya si Alvin at hindi nagsalita.Hindi ni Kathleen siya pinansin o binigyan man lang ng kahit tingin.
Nakafocus lang ang atensyon ni Kathleen kay Engr Greg.
" hindi ka naman nagpasabi sana nasamahan kita magtour,,bago ako bumalik ng manila."sabi ni greg.
Hindi naman kailangan na samahan pa siya kasi kabisado naman niya ang facility,kasi nga siya ang gumawa di ba.
"ok lang naman...actually nakapaggala na ako..napadaan lang ako dito..papasok sana ako diyan sa opisina pero mukhang ok na ok na naman kaya hindi na kailangan.
"maaari kang pumasok ngayon at ng makita mo ang loob ."singit ni Alvin.
Tumingin lang si Kathleen kay Alvin at hindi na pinansin ang sinabi nito.Mabilis na tingin lang iyon at inilipat niyang muli kay Greg ang atensyon.
Napatungo na lang si Alvin kasi nakaramdam siya ng kaunting hiya.
"Engr.Kath tapos ka na ba maglibot?" tanong ni Engr.Greg.
"hindi pa,,may ilang bahagi pa akong lilibutin,,,kaya maiwan ko na kayo..."paalam ni Kathleen .
Lumakad na si Kathleen at sumunod na sa kanya si Engr Greg palabas.
Naiwan na lang si Alvin na nakatingin sa kanila.
Ng nakalabas na sila Kathleen at Greg sa building na iyon .
Nagpumilit si Greg na sasamahan niya si Kathleen na maglibot ngunit tumanggi na ito.
"sige lang Engr Greg ..bumalik ka na ng Manila..magstay lang ako dito ng 1 hour ..aalis na din naman ako..."sabi ni Kathleen.
"sure kang ok lang sayo ..."paninigurado ni Greg
Tumango na lang si Kathleen.Hindi na nagpumilit pa si Greg.Umalis na siya sa lugar at inihatid iyon ni Kathleen ng tingin.
Ng mawala na sa paningin ni Kathleen ang kasamahang engineer ay naglibot na muli siya.
Hanggang sa mapadpad siya sa mga puno,tumingala siya sa itaas.Kayganda pagmasdan ng kabuuan ng tree house.
Umakyat siya doon,may maliit na hagdang pang isahang tao na yari sa bato ,pumapaikot iyon sa katawan ng puno hanggang sa makaakyat sa taas.Ang bawat palapag ng hagdan ay may maliliit na paso ng halaman,,,mga cute na halaman na wari'y inimport pa sa ibang bansa.
Ng makarating siya sa itaas ,naramdaman niya ang sarap ng simoy ng hangin.
Naupo siya sa mini couch doon....Sino ba naman ang magsasabi na ang makakaakyat dito ay magfefeeling tarzan.Naalala niya ang pang aasar sa kaniya ni Alvin noon tungkol sa tree house na ito.At natawa na lang siya sa isip ng maalala iyon ..Look!!!Napaelegante ng tree house.....
Naisip niya tuloy,,ano kaya ang naging reaction niya dito ng nakikita niya itong nabubuo.
Nawala ang isipin niyang iyon ng may matanaw siyang couple sa katabing resort.Simpleng resort lang iyon ,walang laban sa resort ng San Juan .
Sweet na sweet ang magcouple.Nagyayakapan,naghahalikan,nagtatawanan at nagkukuwentuhan.
Namuo ang luha sa mga mata ni Kathleen.Naalala na naman niya si Topher.Ang yakap nito,ang halik nito,ang haplos nito sa mga katawan niya ,ang kwentuhan at tawanan nila.
"miss na miss na kita Topher..."bulong niya sa sarili habang patuloy ang pag-agos ng luha mula sa kaniyang mga mata.
Hindi na niya maramdaman kung sila pa ba..Sikip na sikip na ang dibdib niya.Wala siyang magawa kasi malayo ang mahal niya.Ito ang kinatatakutan niya kaya ayaw niya umalis si Topher.Ang malungkot ito doon sa malayo at maghanap ng ibang makakapagbigay ng aliw sa kaniya.Though ,hindi pa naman niya alam kung ano ang totoong nangyari dito sa malayo.
Nagpalipas lang si Kathleen ,ng ilang pang minuto..pinahupa niya ang emosyon niya bago siya nagpasyang bumaba.
Naglibot pa siya ng sa ilang bahagi kahit bakas sa mukha niya ang galing sa pag-iyak.Wala pa naman kasing tao sa lugar kundi ang mga construction workers.
Alam ni Kathleen at ramdam niya na may sumusunod at nakatingin sa kanya.Si Alvin iyon,at wala na siyang pakialam para dito.Wala na siyang nararamdaman na kahit ano para sa lalaki,kahit ang pagpapahalaga bilang kaibigan ay di na niya maramdaman,maging ang takot at kaba ay nawala na din.Ayaw na niya itong makadagdag pa sa isipin kaya hindi na lang niya ito pinansin pa.
Ng matapos na siya sa paglilibot ay bumalik na siya sa kotse niya.
Sumakay na siya at pinaandar niya na iyon.Dadaan muna siya sa mga magulang niya total andito na din siya Batangas.
Ng makalabas na siya ng resort ay may sumunod sa kanyang kotse.Pagtingin sa salamin niya ,si Alvin sumusunod sa kaniya.Hinayaan niya lang iyon,baka may pupuntahang iba.
Hanggang sa bawat pagliko niya ay nakasunod ito,saan mang deriksyon ang tahakin ng kotse niya ay nakasunod si Alvin.
Hanggang sa malapit na siya sa may kanto nila.Nakasunod pa din ito sa kaniya.Napailing na lang si Kathleen.Hinayaan niya na lang ito ,wala na naman siyang magagawa pa.Baka gusto niya lang makigaya at bumisita sa tita niya.
Nakarating na si Kathleen sa bago nilang bahay ,,huminto din si Alvin sa katabing kotse niya.
At nainis si Kathleen dito.Hindi na niya pinabuksan pa ang gate ng bahay nila kasi sosorpresahin niya lang naman ang mga magulang at aalis na din siya.
Lumapit siya saglit kay Alvin.
"Anong problema mo?"galit na tanong ni Kathleen.
"i-ibibigay ko sana itong invitation sayo para sa opening...."pinutol agal siya ni Kathleen.
"hindi ako pupunta diyan.."tutol niya agad.
At tinalikudan na niya ito.Papasok na sana siya ng gate ng magsalita itong muli,kaya napahinto siyang nakatalikod dito.
"gusto ko sana hingan ikaw ng maikling speech bilang engineer behind the amazing concept and design of San Juan Beach Resort."seryosong sabi nito.
Lumingon si Kathleen at bumalik sa pwesto ni Alvin.Kinuha niya dito ang hawak na invitation card,at tuluyan ng iniwan ang lalaki.Kung ganon,alam na nga nito na siya pa rin ang naging totoong engineer niya.Kung ano man ang dahilan nito at hindi siya binulabog nito during the construction ay wala na siyang pakialam doon.Naisip na lang niya na siguro ay talo na din siya at sumuko na lang.