"Hi Engr.Greg ,kamusta."bati ng katrabaho ko sa kadadating na si Greg.
"gumagwapo tayo sir ah."puna pa ng isa.
"Engr. nagkita ka na ba ng chicks sa Batangas?"sabi naman ng isa.
Kung sino sino ang bumati sa kanya pagkadating niya.Halos isang buwang hindi nakareport sa opisina si Greg.Hindi siya payagan ni Alvin na iwanan ang construction kahit isang araw man lang.
Lagi daw siya nitong nasisigawan pag may hindi alam sa details.Nagagalit daw kasi si Alvin dito dahil palaging may kailangang pang tawagan ito para masagot niya ang tinatanong ni Alvin.
Ng malapit na siya sa banda ko ."Hi Engr Greg,mabuti pinayagan ka ng kumag."sabi ni Kathleen
"oo nga eh..."sabi niya at umupo muna bago daw siya magpakita sa supervisor."sabay na tayo maglunch Kath ."sabi niya.
Si Engr. Greg nga pala para sa impormasyon niyong lahat ay kasing edad lamang din Kathleen.
Nang lunch na pinaunlakan ni Kathleen si Greg na sabay na sila.
"Kath,wag mo ng sasabihin kay Topher na isinabay kitang kumain ha,baka magselos pa yun."pagkuway sabi ni Greg.
Nalungkot ang mukha ni Kathleen.
"hindi pa nga ulit kami naguusap eh ,mahigit ng one week."malungkot na sabi ni Kathleen.
Napansin ni Kathleen,na pansin ni Greg ang pagkalungkot niya ,kaya binago na niya ang usapan.Ayaw niya kasi na may makaalam na may problema sila ni Topher.
"kumusta naman ikaw sa Batangas...Malimit bang magsungit ang boss mo.?"tanong ni Kathleen
"nanibago ako ngayon sa taong iyon.Nasapian ata ng mabait na anghel ."natutuwang kwento ng lalaki.
"bakit ?paano mo nasabi?"curious na tanong ni Kathleen
"naaalala mo noong nagkaproblema sa supplier ng materyales.Halos suntukin na niya ako nun sa inis,alam mo ba.Pwede naman kami mag-usap noon ng maayos pero hindi.... sinigawan niya ako bakit daw hindi ako maagang naghanap ng solusyon.Kung hindi ko siya boss,o kung hindi ko iniisip pangalan ng company natin ,naku napatulan ko na.."kwento niya.
"so...baligtad ang sinasabi mong nasapian siya ng mabait na anghel?"natatawang tanong ni Kathleen.
Naisip ni Kathleen,mabuti na lang at hindi siya ang andoon.
"hindi pa ako tapos..."napatawang sabi ni Greg.
"ah ok sige ituloy mo.."nakatawang sabi ni Kathleen.
Kahit puno ang bibig ni Greg ay nagkukuwento siya.
"nagulat ako noong isang araw,may isang karpentero na nakaaksaya ng materyales.Nagkamali kasi siya sa nagawa niya.Hindi ko naman nabantayan ang ginagawa niya kasi nakafocus ako sa hotel na building,andun siya sa bar.Pinasimulan na kasi ang bar kasi ang hotel ay malapit ng matapos kaya haggard ako.Di ko alam ang uunahin.Noong nakita ko na mali ang ginawa ng karpentero ,kinausap ko siya at narinig pala kami ni Boss Alvin .Lumapit samin,nilinaw niya kung ano ang nangyari,akala ko magagalit na sakin at sa carpenter,pero hindi..instead sabi niya sige remedyuhan na lang daw.Hayaan na daw ang nasayang walang magagawa.Nagtaka ako.Karaniwan sa maliit na bagay na pagkakamali ay galit na siya.Kung tutuusin malaki laking pagkakamali ang pagkaaksayang iyon ...nasapian nga!sana magtagal ang sapi niya."natatawang pagtatapos sa kwento ni Greg.
"nasapian nga siguro."natatawang sabi ni Kathleen."Hayaan mo na ,malapit na naman matapos iyon."
"iba iba din nga ang clients ano?"
"syempre naman,meron talagang arogante lalo na kung mayaman."
"Pero Engr Kath ,ano ba ang nangyari at iniwan mo ang project kay Boss Alvin.Nakakapagtaka lang na isa ka sa mga pinakamagaling dito sa ating company tapos ipinamigay mo ito sa iba."curious na tanong ni Greg
"Mahirap ikwento Greg,wag na natin pagusapan kasi kulang ang lunch break natin para diyan."sagot ni Kathleen.
"hindi pwedeng shortcut?"natatawang tanong ulit nito.
"basta magkakakilala kami dati pa.Hindi naging maayos ang pagsasama namin ,kaya ngayon di kami magkakasundo.Sa palagay ko Hindi healthy sa company natin ang ganoon sitwasyon with the client kaya sinukuan ko na.Hindi naman masama ang isuko iyon kung para naman sa ikakabuti ng mas nakakarami."pagshortcut ni Kathleen
Kaibigan na din kasi ang turing ni Kathleen kay Greg.Magkaibigan sila ni Topher,matalik na magkaibigan.
"ahh I get it.Kaya pala ayaw mo ipasabi na ikaw pa din ang nasa likod ng project na ito."
"actually ,sa palagay ko alam naman niya siguro.Kasi nasabi ko sa kanya verbally ang mga concept na iyon.Gusto ko lang isipin niya na hindi ako ,at sa iyo iyon.Baka kasi ikaw ang pahirapan niya kapag nagkataon.Siguro naman magiingat siya ng kaunti sa mga sasabihin at ikikilos niya sayo kasi ibang tao ka."
"nung una pahirap siya sakin,pero ngayon lang nag-iba na sya ng kaunti."
"well,that 's good."
"anyway,kamusta ka with bro Topher?"pagiiba ni Greg.
Napatahimik siya ng kaunti bago sumagot.
"ahm o-ok lang kami."pagsisinungalin niya.
Kasi ang totoo ,hindi pa din ito nagpaparamdam.
Mis na miss na ni Kathleen si Topher,pero masakit lang hindi na niya maramdaman kung sila pa ba?
Naalala na naman tuloy ni Kathleen na hindi pa nga pala ulit sila nakakapagusap ni Topher.Mahigit isang linggo na.
Wala na Naman paramdam sa kaniya si Topher at hindi na naman niya alam kung kailan niya ito makakausap .Halos Patayin na Naman siya sa lungkot at kakaisip kapag magisa na lang siya.
Hindi mawala sa kaniya ang pagiisip ng mga negatibong bagay na baka may iba na ito doon kung kaya Hindi na siya nito mabigyan ng oras .Dahil kung busy at busy lang din Naman ang paguusapan ay busy din naman siya pero kaya niya maglaan ng oras para lamang makapagusap sila.
Wala naman siya magawa kung hindi maghintay kung kailan ito magbigay ng oras sa kaniya at nakakabagot yun para sa kaniya.
Araw -araw kung nakakailang beses siya tumawag sa lalaki pero Hindi talaga nasagot .Maging ang mga message niya ay hindi siniseen.
Nahihirapan at nasasaktan siya sitwasyon dahil pinaparamdam sa kaniya ng nobyo na wala na siyang halaga dito.Dahil kung meron naman Hindi niya kailangan maghintay sa oras nito dahil kusa itong maglalaan para sa kaniya.
Mahal na mahal niya si Topher .First boyfriend niya ito at Dito niya unang ibinigay ang lahat..buong pagmamahal maging ang buong sarili niya kaya ngayon nangungulila siya sa nobyo .Malayo na nga sila wala pang komunikasyon .
Paano kung makipaghiwalay na sa kaniya ang lalaki ,makakaya ba ni Kathleen tanggapin iyon kung ganong sobra sobra ang pagmamahal niya para sa lalaki .
Hindi niya kakayanin at tiyak na ikakadurog ng puso niya kung sakaling mangyari iyon.