"Engr. Kathleen may tumawag na client dito ,actually kakatawag lang.Gusto makipagappointment sayo,ikaw talaga ang hinanap niya.May gusto daw siyang ipatayong resort sa Batangas ,at gusto niya daw ikaw ang kuhaning engineer."sabi ng kaniyang supervisor.
"Kailan daw po iyan ma'am?"tanong ni Kathleen.
"here...'may inabot na sticky note ang supervisor sa kaniya.Nakalagay doon ang details kung san sila magkikita at anong oras.Walang nakalagay na pangalan.
Kinabukasan,maagang gumising at nag-ayos si Kathleen ng sarili.
Nang makaayos na siya ,pumunta na siya sa sasakyan niya.Bago siya nagdrive ,nag-iwan muna siya ng message kay Topher.
Engr. Kathleen: Loves, i am going to meet a new client today..goodluck to me..I love you ..take care..i miss you..
Laging nagiiwan ng message si Kathleen kay Topher kapag may gagawin siya na matatagalan.Kahit minsan hindi iyon siniseen nito ay ginagawa niya pa din.
Pagkatapos nun ay nagdrive na siya.
Nakarating si Kathleen sa restaurant sakto sa oras na binigay ng client.
Pumasok siya ng restaurant,nagtanong sya sa crew kung saan ang reserved room.Yun daw kasi ang pagkakasabi ni client ,sa reserved room.
Itinuro naman agad ng crew kung saan ito.Lumakad na siya papunta roon.Binuksan niya ang pinto...at halos mapako siya sa kinatatayuan ng makita kung sino ang andoon.
Nakaupo siya at nakadekwatro,habang nakatingin sa kaniya.Sa may pinto kasi siya nakaharap at sinadya niya yun para kita niya agad ang dumating.Pinapanood niya kung paano nagulat Sa kanya si Kathleen habang nilalaro ng kanyang kamay ang tissue na nasa mesa.
Dahil sa gulat at takot ni Kathleen,napaurong na lamang at napatalikod at akmang lalabas na ulit ng room.
"oppsssss....kala mo ba makakalabas ka pa ng buhay dito."natatawang sabi niya.
Mas lalong nagulat at kinabahan si Kathleen,napatigil siya at napalingon muli kay Alvin.
"just kidding....."sabay tawa ulit ni Alvin."maupo ka."alok nito.
Hindi pa din lumalapit si Kathleen.
"ano kailangan mo?"lakas loob na tanong ni Kathleen.
"Maupo ka..mahirap makipagusap ng malayo."sabi nito sa kalmang boses.
"at paano kung ayaw ko."pagmamatigas ni Kathleen.
"uupo ka o kakaladkarin kitang papunta dito ."sabi nito sa matigas na boses.
Pinukulan niya ng masamang tingin si Alvin.
"WALANG PINAGBAGO....BASTOS PA DIN...WALANG RESPETO..."galit na pabulong niyang sabi.
Dahan dahan na siyang lumapit at umupo doon.Nang makaupo na siya ,nagulat siya sa ginawa ni Alvin.
Tumindig ito at pumaikot sa likod niya.Kinuha nito ang table knife ,panghiwa ng pancake at idinuro iyon sa leeg ni Kathleen.
Hindi naman nasasaktan si Kathleen dahil pinalakad lakad lang ni Alvin ang kutsilyo sa leeg niya.
Pero mababakas sa kaniya ang pagkakaba at pagkatakot.Bumilis ang t***k ng puso ni Kathleen dahil sa kaba,lalo na ng inilapit ni Alvin sa may tenga ang bibig niya at may ibinulong.
"di ba sabi ko sayo pagsisihan mong nakilala mo pa ako.."sabi nito.Tumindig ang mga balahibo niya.Bumilis din ang t***k ng puso niya sa kaba.May namumuo na ding luha sa mga mata niya ngunit pinipigilan niyang ipatak iyon.
Kailangan niyang maging matapang at wag magpakita ng takot kahit takot pa siya.
Pagkuwa'y ibinaba na ni Alvin ang kutsilyo sa lamesa at umupo sa harap niya.Tumawa siya ng nakakaasar kay Kathleen.
Nakahinga naman ng maluwag si Kathleen.
"kumain ka na ".sabi nito."wag kang magalala biro lang yun...wag ka na din matakot...hindi ko kayang pumatay...ayaw ko na ding makulong."sabi nito at humigop ng kape.
Nanggigil si Kathleen sa inis at galit.Hindi nakakatawang biro..Sa galit niya ,kinuha niya ang pancake at inihagis niya iyon sa mukha nito.
Nagulat si Alvin sa ginawa nito...pero hindi na siya pumatol physically.
"alam mo ba may cctv dito,pwede kong kuhanin sa kaibigan ko ang copy nun at iedit,tapos ipapadala ko sa company mo.para masira ka."pananakot nito.
"Kung tinatakot mo na naman ako Alvin San Juan,tigilan mo na yan...hindi ikaw ang makakasira sakin."matapang na sabi ni Kathleen."ano ba talagang ipinunta ko dito?kung yang mga paandar mo din lang na yan ang dahilan ,mabuti ng umalis na ako."dagdag pa nito.
"here..."may inabot na folder si Alvin kay Kathleen.Tiningnan niya ang laman noon,mga pictures ng isang unestablish na dagat.
"gusto kong iestablish ang lugar na iyan at gawing resort .Hindi lang basta resort na may cottage,gusto ko may hotel ,at hindi lang sana basta ordinaryong hotel,of course event center ,function hall,restaurants,pool, and kung may maisip kang maidagdag." seryosong sabi nito.
Seryoso lang nakikinig si Kathleen,kahit hindi magsink -in sa kanya.Si Alvin may ganitong project tapos siya pa ang makakatrabaho,makakaya niya ba?
Kung sa capability sa trabaho ,makakaya niya iyon at mabibigyan niya ito ng magandang illustrations ,kaya lang ang mapakisamahan ito ay kaya nya ba kaya..?
"well,I need to visit the place first,before I verbally tell you what concepts I will propose to you."pormal na sabi ni Kathleen.
"hmmmm...well.... I sense you've changed a lot."
Hindi na pinansin pa ni Kathleen ang puna nito.
"Kailan ko pwede puntahan ang location?"
"kung kailan mo gusto,,pwede ngayon..."
"tomorrow morning...ill be there at 9:00am."
"are you going there with me.?"
"kaya ko pumunta dun mag-isa...dun tayo magkita."
Nagring ang phone ni Kathleen .Kinuha niya iyon at sinagot.
"yes loves,"Bungad ni kathleen kay Topher.Nagulat si Kathleen at nagawang tumawag ni Topher."Everything is fine,"tinatanong kasi nito kung kamusta ang appointment."thank you ..i love you..take care..bye".at inend call na niya ang tawag .
"may sasabihin ka pa...kung wala na aalis na ako."sabi ni Kathleen ,sabay tayo at talikod.
"sabihin mo sa kanya magingat siya,wag siyang pahara hara at baka mapadali ang buhay niya."mayabang na sabi ni Alvin.
Alam ni Kathleen kung sino ang tinutukoy ni Alvin,si Topher.
Bumaling muli si Kathleen at tumingin sa mga mata ni Alvin."tsssss.....at kaya mo talagang pumatay?"tanong niya.
Nakikipagtitigan din siya kay Kathleen."kagaya ng sabi ko kanina,hindi ko kayang pumatay...pero kaya kong magpapatay.."matigas nitong sabi.
Sumilakbo na naman ang galit ni Kathleen."kung hindi ka takot sa batas ng tao matakot ka sa batas ng Diyos."sabi ni Kathleen sa pagmumukha ni Alvin."Kapag may nangyaring masama sa kanya ,ikaw ang salarin."dagdag niya pa at tuluyan na siyang umalis.
Kahit alam naman ni Kathleen na ligtas si Topher dahil nasa malayo ito,di niya pa rin maiwasan ang mag-alala.Hindi niya talaga matanggap na sa isang kagaya ni Alvin at matatakot siya at magkakaroon ng pangamba,samantalang dati ay close na close sila.