Ilang segundo lamang nakatayo si Damian sa ulan, ngunit para kay Lexi ay tila huminto ang buong paligid. Nakatutok ang tingin nito sa kalsadang nilamon na ng dilim ang motorsiklong sinakyan ni Veronica. Ang dugo sa sentido nito ay humahalo sa ulan at bumababa sa pisngi, subalit hindi man lang nito pinunasan. Sa mukha nitong karaniwang walang mabasang emosyon ay may bakas ng pagkabigla, galit, at isang sakit na mabilis ding ikinulong sa likod ng malamig na mga mata. Nang muling kumidlat, nawala na ang babae at tanging puting panyong may burdang numerong 13 ang naiwan sa basang semento. Si Lexi ang unang gumalaw. Yumuko siya upang kunin ang panyo, ngunit mahigpit na hinawakan ni Damian ang kanyang pulso. “Don’t touch it,” sabi nito, bumalik na ang matigas at kontroladong boses. Inilabas nit

