Naalala niya ang gabing pareho silang pagod, takot, at masyadong malapit sa isa’t isa. Naalala niya ang tamis ng mga labi nito, ang init ng katawan sa ilalim ng kanyang mga kamay, at ang hubog nitong pinilit niyang kalimutan mula nang tawagin niyang pagkakamali ang lahat. Sa isip niya ay muli nitong binibigkas ang pangalan niya, hindi bilang anak ni Eduardo o responsibilidad na iniwan sa kanya, kundi bilang isang babaeng kusang lumapit at pinagkatiwala sa kanya ang sarili. Tumayo si Damian at pumasok sa banyo. Binuksan niya ang malamig na shower, umaasang matatanggal ng tubig ang init na kumalat sa kanyang katawan. Ngunit kahit nakapikit ay naroon pa rin ang alaala ni Lexi—ang mga matang hindi marunong umatras, ang labi nitong bahagyang nakabukas habang hinahalikan niya, at ang malambot n

