Bumagsak ang lalaki sa gilid, tinamaan sa balikat. Nakatayo sa dulo si Damian, nakataas ang baril at puno ng galit ang mga mata. “Touch her again and the next one goes through your head.” Mabilis na tumayo ang lalaki at tumakbo sa side passage, iniwan ang bakas ng dugo sa dingding. Susundan sana ito ni Damian, ngunit nang makita si Lexi ay agad itong lumapit at hinawakan ang mukha niya. “Are you hurt?” “I’m fine.” “Did he touch you?” “Damian, I’m okay.” Niyakap siya nito nang mahigpit, isang mabilis ngunit desperadong yakap na agad din nitong binitiwan nang marinig nila ang pag-ubo ni Ramon mula sa linen room. Bumalik sa mukha nito ang kontrol, ngunit nakita na naman ni Lexi kung gaano ito natatakot na mawala siya. Binuksan ni Ramon ang tagong pinto sa likod ng cabinet. Isang makiti

