Ikinandado ni Damian ang pinto at muling ibinalik ang cabinet. Inihiga nila ang matanda sa maliit na sofa. Kinuha ni Lexi ang first-aid kit at nilinis ang sugat nito habang binabantayan ni Damian ang hallway mula sa maliit na siwang ng pinto. “Sino ang umatake sa iyo?” tanong ni Damian. “Hindi ko nakita ang mukha. Nakaitim siya at may takip ang ulo. Dalawa sila kanina, pero ’yong isa ang humabol sa akin sa lumang passage.” Napatingin si Lexi kay Damian. “Anong passage?” “May service tunnels sa ilalim ng bahay,” sagot nito. “Ginamit ng mga katulong noong unang panahon.” “And you didn’t think that was important to mention?” “I didn’t know they were still open.” Umubo si Ramon at napahawak sa tagiliran. “Binuksan po ng Sir Eduardo bago siya namatay. May ipinagawa siyang bagong lock sa

