Unti-unting bumaba ang tingin ni Damian sa mga labi niya. Isang saglit lamang iyon, ngunit sapat para tuluyang magbago ang hangin sa pagitan nila. Naramdaman ni Lexi ang init ng katawan nito at ang mabilis na t***k ng sariling puso. Dapat siyang lumayo. May boyfriend siya. Maraming kasinungalingan si Damian. May taong nasa labas na gustong pumatay sa kanya. Ngunit sa gabing iyon, matapos nitong takpan ang katawan niya at handang saluhin ang bala para sa kanya, nawala ang lahat ng malinaw na dahilan. “This is wrong,” bulong ni Damian. “Then let me go.” Hindi ito gumalaw. “Tell me to stop,” sabi nito. Tumingin si Lexi sa mga mata nito. “I don’t want you to.” Parang iyon ang huling piraso ng kontrol na hinihintay nitong mawala. Hinalikan siya ni Damian—hindi maingat at hindi malamig, ku

