Chapter 1
businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
-----------------
"Hoy Ezha kanina ka pa dyan ha, sino ba hinihintay mo? hmmm?" mapanuring tingin ang isinalubong ni Marie sa akin.
"Ha? Ako? Napadaan lang ako."
Oo totoo naman talaga napadaan lang ako, kaso nakita ko si Ma'am Yve na pumasok sa office ni Sir Adi kaya napahinto ako. I'm not curious okay? Wala akong pake sa kanila, ang akin lang naman 30 minutes na akong nakatayo dito pero bakit hindi pa rin lumalabas ang dalawa?
Pero wala akong pake. Wala. Wala. Wala.
"Tara na nga" hinila ko sa braso si Marie at umalis na sa harap ng office ni Sir.
"Alam mo first day of school ngayon mamingwit tayo ng gwapo sa Seniors daliiii."
Pag first day of school talaga wala pang regular class may mga program pa na gaganapin sa gym pero pareho naman kaming walang pake ni Marie sa program kaya nandito kami sa canteen.
"At balita ko may bagong transferee sa Seniors, Dmitri daw ang pangalan! Doctor ang parents nya ikaw rin naman si Tita at Tito doctor rin edi bagay kayo!"
Si Marie, ganito sya palagi sa akin nirereto sa mga gwapo o di kaya'y mga kakilala nya kahit alam nyang hindi ako pumapatol sa ibang lalaki.
"Hoy Ezha, wag mong sabihing hindi ka pa rin naka move on kay sir?!" parang gulat na gulat sya dahil hindi ko na naman pinatulan ang tungkol dun sa transferee na dmitri.
Oo, since grade 7 gusto ko na si Sir Adi at ngayong grade 10 na ako sya lang pa rin yung gusto ko. Gusto ko lang naman si Sir dahil gwapo sya at isa rin sya sa mga batang teacher dito, 23 pa nga sya eh. Pero hindi ko naman gustong maging boyfriend si Sir noh.
Pero pwede rin naman hehe.
"kaya pala ang aga mo dito sa school! 7:30 nandito ka na!" agad nanlaki ang mga mata ko, ba't nya alam?
"Oo syempre alam ko! pumunta ako sa inyo at wala ka na dun" sabi nya sabay inom ng milktea at nilapag nya iyon ng napalakas sa harap ko.
"Pero alam mo may bad at good news ako sayo" sabi nya sabay ngisi.
"Ano ang gusto mong unang malaman? Ang good news or bad news?" hindi pa rin nawala ang mapanloko nyang ngisi.
"Good news" walang ganang sagot ko.
"Grade 10 adviser si Sir Adi! At adviser ko sya!" agad namang napintig ang tenga ko kaya napaharap na ako sa kanya.
"Hala! Talaga ba?! Omyghad!!" At sabay kaming kinilig, pero teka goodnews yun ano na naman ang bad news? "Teka, teka. Ano ba yung bad news?" tanong ko.
"Ang bad news ay, hindi tayo classmate" at ngumiti sya na parang nang aasar!