bc

Sweet Escape

book_age16+
33
FOLLOW
1K
READ
student
sweet
bxg
humorous
office/work place
enimies to lovers
friendship
slice of life
colleagues to lovers
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Gustong tumakas ni Cyndie mula sa kamay ng kanyang diktador na Tiya. Dahil sa masidhing pagnanais, makikilala niya si Theo- ang lalaking magpaparanas sa kanya ng sweet escape.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Siguro lumayas ka sa inyo ‘no?” bungad na tanong ng binatilyo sa batang babae na naka=pig tails at nakasuot ng berdeng bestida. Kasalukuyan itong nakaupo ito sa bandang dulo ng kanilang karinderya. Kanina pa niya ito ino-obserbahan. Sa kilos pa lang nito at ang aura nung pumasok ito, ay halatang alam na niya ang nangyari. “P-po? Hindi po,” nauutal na sagot ng batang babae. Kunwari itong nagpalinga-linga sa kanyang paligid pero nang makita niya na hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan ang binatilyo na nasa harapan niya ay nagpasya siyang ibaling dito ang tingin. “Hinihintay ko lang dito ‘yung Tita ko. Sabi niya kasi, dito ko raw siya antayin,” tila kinakabahan na paliwanag niya. Paano ba siya hindi kakabahan eh hindi umaalis ang tingin sa kanya ng binatilyo. Naningkit ang mga mata ng lalaki at tinitingnan niya ang batang babae na parang kinikilatis niya ito at napapaisip kung totoo nga ba ang sinasabi nito. “Talaga ba? Eh bakit mag-isa ka lang pumasok dito? Hindi ko nakita ‘yung Tita mo na naghatid sa’yo dito,” sunod- sunod na tanong nito sa babae. Parang gusto niyang mahuli ito sa sariling bibig. Ngunit bago pa man ito makasagot ay may bigla siyang narinig na sigaw mula sa likuran niya. “Naku, talagang bata ka! Nakikipagkwentuhan ka na naman diyan? Kasing taas na ng bundok ang mga nakatambak na pinggan doon sa kusina. Maghugas ka na dun!” boses ng isang babae na nasa edad trenta y singko ang nakapamaywang na nakatayo sa estanteng gawa sa kristal. Napakamot sa ulo ang binatilyo. Tila nakaramdam siya ng hiya sa batang babae dahil sa sermon na inabot mula sa nanay niya. “Sandali lang ha. Babalikan kita, wag kang aalis diyan.” akangiting sabi nito sa batang babae saka siya tumalikod at nagsimulang lumakad papalayo. “Sandali...” *** “Ano’ng sandali? Naku Cyndie bumangon ka na diyan! Mag-a-alas otso na ng umaga, nakabalubid ka pa sa kumot mo. Juskong bata ka, paano tayo aasenso sa pinaggagawa mo, ha?” panenermon ni Luchie sa pamangkin habang hinahatak ang kumot nito. “Tita naman eh. Pagbigyan niyo na ako kahit ngayon lang. Tutal sabado naman ngayon eh,” pagmamakaawa ni Cyndie habang hindi pa rin bumibitaw ang kamay sa kumot ‘na pilit inaalis ng Tiya mula sa kanya. “Tigil-tigilan mo’ko sa mga paganyan-ganyan mo. Ang mga bombay hindi nagda-day off sa paniningil nila, kaya bumangon ka na diyan at magbantay ka doon sa bigasan, Naiinis na turan ni Luchie. Dumagdag lalo sa inis niya ang paghigpit ng hawak ni Cyndie sa kumot kaya kinurot niya ito sa hita. Napasigaw si Cyndie sa gulat at sakit nang maramdaman niya ang pagbaon ng mga mahahabang kuko ng Tiya sa hita kahit sabihin pa na nababalutan siya ng kumot. “Aray! Eto na po, babangon na.” Tumitili na sabi niya habang pilit na iniiwas ang katawan sa mga kuko ng Tiya. Huminto sa ginagawa si Luchie. Inalis ni Cyndie ang kumot at saka bumangon sa higaan. “Bilisan mo ang kilos. Doon ka na sa bigasan mag-almusal.” Sabi nito habang sinusundan ng tingin ang dalaga. “Sabihin mo rin kay Domeng na may idi-deliver na bigas kay Mrs. Cruz mamayang alas onse kaya bilis-bilisan nila ang pag-aariya ng mga bigas.” “Saan po ba kayo pupunta at mukhang gagabihin kayo sa pag-uwi?” Tanong ni Cyndie habang naghahalungkay ng maisusuot. Ayaw niya maging typical na tindera at taga-bantay ng bigasan nila. Gusto niya maging presentable siya kapag humarap siya sa crush niya na si Victor. “Wag ka ng masyadong maraming tanong. Sabihin na lang natin na inihahanda ko na ang kinabukasan mo.” Mataray na tugon ng Tiya saka tinungo ang pinto. “Ano’ng ibig niyong sabihin?” nagtatakang tanong ni Cyndie sa sinabi ng Tiya. Kinabukasan niya? Balak ba nito na pag-aralin ulit siya ng ibang kurso? I-aapply ba siya nito papuntang abroad? Hindi na niya nakuha ang sagot na nais marinig dahil pagkalingon niya ay siya naman ang pagsara ng pinto ng kwarto niya. Hindi na niya pwedeng habulin pa ang Tiya para hingin ang sagot nito dahil sigurado na hindi lang kurot sa hita ang mapapala niya. Nagkibit-balikat na lamang siya saka pumasok sa banyo para maligo. *** Pagkatapos makapagbihis ay bumaba kaagad si Cyndie upang lumabas ng bahay. Nasa tapat lang naman ng bahay nila ang bigasan na halos sampung taon na pinalago ng kanyang Tiya. Sa mga taon na iyon ay nagkayod-kalabaw ang tiyahin upang may ipangtustos sila sa araw-araw. Simula kasi noong huminto ang kanyang ina sa pagpapadala ng pera galing sa abroad ay napilitan magbanat ng buto ang mag-tiyahin. Napagtagumpayan naman nila at nagkaroon sila ng ilang sangay sa bayan. Pero dahil sa dadalawa nga lang sila, napagdesisyunan ng tiyahin na ibenta na lang ang mga ito at magconcentrate na lamang sa bigasan nila dito mismo sa tapat ng bahay nila. Nang makapasok sa bigasan ay sinalubong agad siya ng ngiti ni Victor. Nakaupo ito sa upuang gawa sa narra. Medyo maarte ang desinyo at muwerbles ng naturang bigasan. Masasabi mo talaga na ito’y alagang-alaga at hindi rin isang tipikal na bilihan ng bigas. “Andito ka na pala, Victor. Kanina ka pa ba?” nahihiyang sabi niya sa binata sabay ipit ng hibla ng buhok sa likod ng kanyang tenga saka tumugon din ito ng pagkatamis-tamis na ngiti. “Hindi naman masyado. You and I just came on time,” he said smiling sweetly. Nilapag niya sa mesa ang isang paper bag na may laman na pagkain. Alam niyang pupunta ito dito pero hindi niya alam kung anong oras. Mahilig kasi itong sumulpot ng biglaan. Gusto niya na tuloy isipin na sinosorpresa siya nito sa sariling paraan na alam niya. Jusko gusto niyang kiligin sa ideyang ito. “Itigil mo nga iyan, Cyndie. Nagmumukhang timang ka na sa harap niya,” saway nito sa sarili. Umiwas siya ng tingin kay Victor. Ayaw niyang tuluyan na malusaw sa harapan niya. Sa suot na aqua blue na polo shirt at khaki pants, lalong gumawapo ang biente y siete anyos na binata. May taas ito na anim na talampakan, katamtaman lang ang laki ng kanyang katawan. His square-shaped face with thick eyebrows and thin, kissable lips make Cyndie’s mind run wild. His s*x appeal is overflowing. “I’m sure hindi ka pa nakakapag-breakfast kaya dinalhan kita,” sabi pa nito at saka nilabas isa-isa ang laman ng paper bag. He bought bacon, fried eggs, longganisa and garlic fried rice. Hindi maiwasan ni Cyndie na kiligin sa ipinapakitang sweetness ng binata sa kanya. Hindi naman lingid sa kaalaman ng iba ang pagiging close nila dahil nga sa kasosyo nila sa negosyo ang mga magulang ni Victor. “Hindi ka na dapat nag-abala pa, Vic. Naistorbo pa yata kita eh,” sabi niya habang pinipigil ang kilig na nararamdaman. Umupo ito sa swivel chair at isa-isang binuksan ang mga tupperware. “Of course not. It’s always been a pleasure for me to serve you,” mala-butler na sagot ng binata at may payuko pa siyang nalalaman. Napatawa na lang si Cyndie sa sinagot nito. Habang kumakain, hindi mapigilan niya isipin kung kailan siya pupurihin ng binata sa suot niya. Well, para hindi naman siya magmukhang dugyot ay nag-ayos naman siya ng konti para sa kanya. Sa kanyang paghahalungkay sa aparador, isang V-neck na blouse na nagbibigay emphasize sa kanyang mahabang leeg at katamtamang laki na dibdib ang kanyang sinuot. Pinarisan niya ito ng skinny maong jeans na nagpalitaw lalo sa hubog ng kanyang balakang at nagsuot ng flat sandals. “Don’t worry. You’re pretty as always. Kaya wag kang ganyan. Parang malapit ng mlagkamustahan ang mga kilay mo sa kakaisip mo,” pukaw na sabi ni Victor sa kanya. Gosh, ganito ba talaga siya ka-obvious na kahit kilay niya lang ‘yung gumagalaw eh nalalaman agad nito ang iniisip? Bigla siyang nakaramdam ng pang-iinit sa mukha. Tumikhim muna siya bago sumagot. “By the way, ano’ng agenda mo today? I know na never ka nauubusan ng agenda sa tuwing pumupunta ka dito,” iwas na tanong niya. Kung hindi niya iibahin ang usapan, tiyak na magmumukha siyang hinog na kamatis sa pamumula. “Hmm...nothing in particular. Sabihin na lang natin na ang agenda ko today ay ang dalhan ka ng breakfast,” pilyong tugon niya saka bumitaw ng isang nakakatunaw ng puso na ngiti. Hindi na alam ni Cyndie kung paano pa magre-react sa sinabi ng binata. Kotang-kota na siya mga ngiti pa lang niya. Isang hirit na lang talaga niya at tiyak laglag na puso’t kaluluwa niya. “Seryoso na talaga ‘to, Cyndie. I have a cousin in Batangas. She is going to open her resto tomorrow. Gusto sana kitang isama sa opening if you’re willing to go with me,” pang-iimbita niya sa dalaga. “Pero kasi...” nag-aalangan na sabi ni Cyndie. Sa buong buhay, ilang beses lang siya pinayagan ng tiyahin na lumabas. Hindi na niya matandaan kung kailan siya huling lumabas. Masyadong strikta sa mga ganitong bagay ang Tiya Luchie niya. Maaaring hindi ito maramot sa mga materyal na bagay  pero sa kalayaan niya, palagi siyang dehado. “Kung nag-aalala ka na baka hindi ka payagan ni Tita Luchie, don’t worry. Ako na ang bahalang magpaalam kay Tita. I’m sure papayag agad iyon pag’ nalaman niya na ako ang makakasama mo. In short, just trust my charm,” mahabang paliwanag ni Victor sa kanya saka ito tumawa ng mahina dahil sa huling salitang binitawan. In fairness, a man of words naman talaga itong si Victor. Kaya mas palagay si Cyndie kung ito mismo ang magpapaalam para sa kanya. Pagkatapos niya maubos lahat ang pagkaing dala ni Victor, nagkwentuhan pa sila saglit saka nagpaalam ang binata para umalis. Naiwan si Cyndie na nakaupo sa swivel chair. Napaisip siya sa imbitasyon ni Victor. Hindi naman talaga niya inaalala kung papayagan ba siya o hindi ng tiyahin niya. Mas iniisip niya ang alaalang ayaw na niyang balikan sa lugar na iyon. “Wag ka ngang OA, Cyndie. Ang tagal-tagal na nun,” pangangastigo nito sa sarili. Sumagi na naman sa isip niya ang napanaginipan kaninang umaga. Napabuntong-hininga na lamang siya. Maraming taon na ang lumipas pero iisang mukha pa rin ang kanyang nakikita sa kanyang mga panaginip. “Kelan ka ba mawawala sa mga panaginip ko?” Masyado na siyang maraming iniisip. Ilang buwan na lang at magtatapos na siya sa kolehiyo sa kursong Elementary Education. Ibig sabihin lang nito ay malapit na niyang makamit ang kalayaan na matagal na niyang inaasam. “Pinapangako ko sa’yo na pag’ nakatapos ka na ng pag-aaral, papalayain na kita, hija,” sabi ng tiyahin nung umaakyat sa stage para sabitan siya ng medalya nang magtapos siya ng highschool. Magsimula kasi ng kupkupin siya na tiyahin ay ito na ang kumontrol ng buhay niya. Mula sa pananamit, sa pagpli ng kakaibiganin at kursong kukunin, ito ang nagpapasya para sa kanya. Ngunit nangako ang Tiya Luchie na sa oras na makapagtapos siya ng kolehiyo ay bibigay na rin sa kanya ang buhay na gusto niyang tahakin. Pero tila nagdududa siya dito dahil sa sinabi nito bago ito umalis. Ano ba ang ibig sabihin niya na gagawin niya iyon para sa kinabukasan niya? Ano naman kaya ang nilulutong pakulo ng tiyahin niya? Lumipas ang buong araw niya na puro panghuhula ang nabubuo ng isip niya sa pahiwatig ng tiya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
324.2K
bc

A night with Mr. CEO

read
177.8K
bc

Pain(Tagalog)

read
353.9K
bc

Fight for my son's right

read
152.3K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
491.2K
bc

His Property

read
955.6K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
1.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook