Sweat rolling down from his tanned-skin. He is half-naked, holding a dumbbell on each hand. He raised the dumbbell straight up towards the ceiling then lowered it down back to his chest.
“Seven...eight...nine.” Pagbibilang niya habang patuloy na itinataas-baba ang dumbbells. Nasa ikatlong set na siya sa kanyang exercise.
Maraming bagay ang bumabagabag sa kanya these past few days. Stress is trying to tear him down kaya naisipan ni Theo na mag-exercise muna to release it.
“ten...eleven...twelve,” patuloy na pagbibilang niya saka binaba ang dalawang dumbbell sa sahig.
He was soaking from sweat and catching his breath. Kahit papano’y gumaan rin ang kanyang pakiramdam. He felt like a positive energy invaded his body.
Nagsimula siyang maglakad para kumuha ng tuwalyang ipampupunas sa pawisang katawan.
Maingat itong lumalakad habang nakaunat ang kanyang kamay para mabilis niyang makapa ang tuwalya.
“Here it is,” nawika niya ng mahawakan ang malambot na asul na tuwalya na nakapatong sa sandigan ng upuan.
Pagkakuha’y sinimulan na niya ang pagpunas ng katawan bago pa siya matuyuan ng pawis. Imbis na gumaan ang pakiramdam eh baka magkasakit pa siya.
He started to wipe his inverted triangle shaped face down to his broad shoulders. Palihasa’y sanay siyang mag-exercise kaya mas lalo siyang nawili sa pagpapalaki ng braso at nagsipag para magkaroon ng abs.
Pinasadahan niya ng tuwalya ang six-packed abs niya na kanyang pinaghirapan ng ilang buwan.
“Theo, anak may naghahanap sa’yo sa sala,” tinig ng isang babae ang kanyang narinig mula sa labas ng kanyang kwarto.
Huminto ito sa pagpupunas at dali-daling sinuot ang T-shirt na nakasampay sa upuan.
Nakapatong sa ibabaw ng mesa ang guiding stick na kanyang sunod na kinuha bago tuluyang lumabas ng kwarto.
“Wala naman akong inaasahang bisita, Ma,” nagtatakang sabi nito sa ina nang salubungin siya nito pagkalabas niya ng kwarto.
“Ang pakilala niya sa akin ay nanay siya ni Anthony,” sagot nito sa kanya habang inaakay siya papunta sa sala.
Nang marinig ni Theo ang pangalan ng kanyang estudyante, nagkaroon agad siya ng hinuha sa pakay ng nagpapakilalang ina.
Hindi man niya makita ng klaro ang mukha ng ginang ay natitiyak niyang nakapostura ito ng husto dahil sa pabangong ginamit at sa ingay ng takong nito. Ramdam niya ang paglapit nito sa kanya.
“Naku, good morning Sir Theo. I’m sorry for coming here unannounced,” salubong na bati ng ginang sa kanya habang pilit siyang inaakay kahit nandiyan naman ang sariling ina.
“I’m fine, Mrs. Sarrosa. I can manage,” sabi niya saka inalis ang kamay ng ginang sa pagkakahawak sa braso niya.
Umismid ito na napabitaw sa braso niya at bumalik na lamang sa sofa.
“Andito po ba kayo dahil sa grades ng anak niyo?” walang paligoy-ligoy na tanong ni Theo sa kanya nang makaupo sa kabilang upuan sa harapan niya.
Nasa ilalim ng advisory ni Theo ang anak ni Mrs. Sarrosa na si Anthony. Siya ang class adviser ng Grade 6 section 1 sa Lipa Elementary School. Unang araw pa lang ng klase ay naging sakit na niya sa ulo ang batang estudyante.
“Well...parang ganun na nga po, Sir Theo. Alam naman natin na likas na matalino ang anak ko and that’s why I don’t understand kung bakit ganun ang mga nakukuha niyang grades sa inyo,” pagrereklamo ng ginang.
Napatawa ng mahina si Theo bago nakasagot.
Hindi naman halos makapaniwala ang ginang na tinawanan lang siya ng isang bulag na guro.
“I’m sorry for my rudeness, Ma’am pero mawalang-galang na po. I just want to make it clear that I’m not the one who’s giving that grade. I’m just a calculator. Taga-kalkula lamang po ako ng mga scores ng anak niyo. Kung ano po ‘yung resulta eh ‘yun din lamang po ang sinusunod at nire-record ko,” paliwanag ni Theo habang pinigilan ang sarili na tumawa ulit.
Ano ba sa palagay ng ginang ang ginagawa niya? Mrs. Sarrosa was right. Matalinong bata si Anthony pero tamad naman itong mag-aral. Lagi nga itong laman ng rambulan sa eskwelahan. He wanted to help him but the problem is within him.
Lalong nainis ang ginang dahil sa sinagot niya pero hindi pa rin ito nagpatinag. Mula sa kanyang paanan ay kinuha niya ang isang pulang paper bag na may tatak na check sa gitna nito at nilapag sa center table.
“I heard na mahilig ka sa mga sapatos, Sir Theo. Nadaanan ko iyan sa mall kahapon ng magshopping ako,” sabi niya saka nilabas ang laman ng paper bag at inilapag sa mesa.
“It’s one of the most expensive design ng Nike Shoes, Sir Theo. High quality materials ang gamit nito kaya I’m sure na maganda itong idagdag sa mga collections mo,” dagdag pa nito.
Napatiim ng bagang si Theo sa inaasal ngayon ng ginang. At balak pa talaga nito na suhulan siya? At sapatos pa talaga ha.
“You heard it right, Ma’am. Pero hindi po ako tumatanggap ng sapatos galing sa ibang tao. Napaparami ko ang mga collections ko using my own saved money. I hope if you don’t mind,” diretsahang sagot niya.
Ayaw na niyang pahabain pa ang pag-uusap nila dahil kitang-kita naman kung ano ba talaga ang gustong mangyari ng ginang at iyon ay hindi niya kailanman pagbibigyan.
Nakaramdam ng pagkahiya si Mrs. Sarrosa. Masyadong mahirap kunin ang loob at simpatiya ng binatang guro.
Kung hindi lang ito guwapo, siguro kanina pa siya nagtaas ng boses at nagbanta.
But she can’t afford to do that.
“I just came here to clear things up. Thank you Sir Theo for the enlightenment. I hope you didn’t got a bad idea about the shoes. But I understand what you mean by that,” mahinahon na sabi ng ginang then plastered a fake smile.
“Walang anuman po, Mrs. Sarrosa,” tanging tugon ni Theo saka tumayo.”Thank you also for delivering your concerns here though unannounced.”
Ngumiti na lang ng pilit ang ginang saka binalik sa lalagyan ang sapatos. Pagkatapos niyang magpaalam ay dire-diretso na siya papalabas ng bahay.
***
Pabagsak na humiga si Theo sa kama. Parang naubos yata ang kanyang lakas sa pakikipaglaban sa Mrs. Sarrosa na iyon.
“Ano ba ang akala niya sa’kin? One pair of shoes per grade?,” inis na sabi niya.
Ilang taon pa lang siya pagtuturo at maituturing pa rin niya ang sarili na baguhan sa larangang ito. Sa ilang taon niya sa pagtuturo, naranasan din naman niya na alukin at bigyan ng mga kung anu-ano ng mga magulang ng kanyang mga estudyante but not to this extent.
“At talagang nagpunta pa siya dito. Siguro akala niya madadala niya ako sa mga ganitong drama,” dagdag pa niya at saka bumangon sa pagkakahiga.
Napaisip tuloy siya. Bumalik na naman sa isipan niya ang mga what ifs sa buhay niya.
What if hindi siya nabulag?
What if hindi sana siya naging masyadong considerate sa iba?
What if hindi sana nangyari ang pangyayaring iyon sa buhay niya, ano kaya siya ngayon?
His life would be brighter and better kung hindi siya nabulag.
Hindi siya sana nagtitiis ngayon sa sitwasyon na mayroon siya.
If only...he had a choice.
He came back to his senses when his phone rang. Hinanap niya kung saan banda ito nakalagay sa pamamagitan ng pagsunod sa tunog nito at pagkapa.
Nang matagpuan na niya, isa-isang pinindot ni Theo ang mga salitang nakalagay sa screen. Gamit ang kanyang Talk Back sa cellphone, nagagawa niyang malaman kung sino ang mga tumatawag sa kanya at kung ano ang mga messages na natatanggap niya. Nang marinig niya ang pangalan na Stacey ay agad niyang pinindot ang answer button.
“Hello, Stacey. O, ano’ng meron?”bungad na sabi niya nang masagot ang tawag.
“Theo, don’t forget ‘yung tungkol bukas ha. I’ll pick you up at 10 o’clock sharp,” sabi ng babae sa kabilang linya.
“Hindi ko iyon nakakalimutan but you don’t have to pick me up. Andito naman si Mama,” sagot niya.
“No buts, okay? I need to hang up na. See ya,” sabi nito saka nawala sa linya.
Stacey is Stacey. Hindi na niya nagawa pang kumontra nang biglang mawala sa kabilang linya ang dalaga.
Dagdag pa ito sa sangkaterbang problema niya. Kung hindi lang talaga ito importante eh hindi naman siya mag-aabala na pumunta pa. At saka, malaki ang utang na loob niya sa dalaga noong nag-aaral pa lang sila sa kolehiyo.
So take it or leave it, pupunta talaga siya.
Napabalik siya sa pagkakahiga at kalaunan ay nakatulog siya.
***
“Bilisan mo ang pagtakbo!” sigaw ni Theo sa batang kasama niya habang tinatahak nila ang magulong pamilihan sa bayan.
“Sandali lang kasi. Pagod na ako. Hindi na tayo siguro aabutan ng mga humahabol sa akin,” hinihingal na sabi ng bata habang patuloy na tumatakbo.
Mukhang tama nga naman ito. Kanina pa sila tumatakbo papalayo sa mga taong iyon.
Hindi naman siya ang pakay ng mga lalaki kundi ang batang babae na kasama niya.
Huminto sila sa pagtakbo at napaupo sa gutter sa gilid ng kalsada. Kapwa hinihingal ang dalawa.
“Nauuhaw ako,” sabi ng batang babae sa kanya.
Dumukot siya ng ilang barya mula sa kanyang bulsa saka tumayo.
“Diyan ka lang ha. Bibili lang ako ng tubig.’ Wag kang aalis diyan. Babalikan kita,” bilin nito sa bata at saka lumakad papunta sa malapit na tindahan.
Palinga-linga naman ang batang babae sa paligid niya. Gusto niyang makasigurado na wala na talaga ang humahabol sa kanila.
Makalipas ang ilang minuto, nakita nito ang isang lalaki sa bandang dulo ng pamilihan na tinuturo siya habang may kausap na isang grupo ng mga kalalakihan.
Nang makita siya ay agad silang nagsitakbuhan papunta sa kanya. Agad niya itong namukhaan kaya bigla siyang napatayo at nilibot ang paningin para hanapin ang kasama niya.
“Andito na sila! Tumakbo na tayo,” takot at nagmamadaling sabi niya sa kasama nang makita itong lumalakad palapit sa kanya.
Nang makita ni Theo na totoo ngang malapit na sila ay tumakbo na rin ito. Hindi na nag-isip ang batang babae kung saan sila pupunta. Bigla itong tumawid sa kalsada, patakbong sumusunod si Theo sa kanya.
Nasa gitna na siya ng kalsada nang may biglang humaharorot na sasakyan patungo sa kanya. Dahil sa labis na takot, hindi nagawang kumilos ng batang babae.
“Tumakbo ka na, bilis!” sigaw na sabi ni Theo sa kasama sabay tulak sa kanya.
Humagalpak ang katawan ni Theo sa lupa at tumama ang ulo nito sa isang bato.
Bago siya tuluyang mawalan ng ulirat ay nagawa pa niyang iunat ang kamay na parang humihingi ng tulong sa batang babae pero ilang sandali pa’y tuluyan na siya nawalan ng malay.
***
Napamulat ng mata si Theo. Pawisan at hinhingal siyang bumangon.
“The same dream everytime I close my eyes.”
If there’s one more thing na gusto niyang mawala sa buhay niya, iyon ay ang panaginip niyang ito. Every time na nanaginip siya, the more na hindi siya maka-move on sa nakaraan at hanggang ngayon dala-dala niya pa rin ang masamang alaala na iyon.