Chapter 3

1411 Words
Author's Note: Hello po. Iniba ko po ang chapter 3 kasi nakalimutan kong i-add ang scene na to. Nasa Chapter 4 na po 'yung simba at resto opening keme. Pramis, last na po itong mga changes. Hehehehe. Hope you enjoy guys. Pagkatapos magpaalam kay Cyndie ay dumiretso muna ng uwi si Victor. He needs to pick up some things bago siya pumunta sa isang bookstore na pagmamay-ari niya. Totoo ang sinabi niya kay Cyndie na agenda niya talaga na dalhan siya ng breakfast. Her sweet and innocent smile makes his day brighter. Mahinhin pero may pagkakengkoy rin si Cyndie sa isip-isip niya. Nang makarating sa bahay nila ay bumusina ito. Nakita niyang dali-daling binuksan ni Mang Sebio ang gate na noo'y nagti-trim ng mga halaman sa labas ng bahay. "Mukhang may bisita yata sa loob Mang Sebio," agad na bungad niya sa matanda nang makalabas siya sa sasakyan. "Ay opo sir. May dumalaw na pugita," naiiritang sagot ni Mang Sebio. Tumawa si Victor. "Kayo talaga Mang Sebio. Hindi kayo nauubusan ng maitatawag kay Tita Luchie," natatawang sabi niya. Noon pa man ay masidhi na talaga ang inis ng kapwa matanda sa isa't isa. Laging talo si Luchie kung sa paramihan lang naman ng pangalan na maitatawag ang labanan. Kilala rin kasi na isang alaskador itong si Mang Sebio. "Eh talaga naman ho sir. Sa laki ba naman niya at sa tinta na nasa bibig niya, eh mapagkakamalan mo talaga siyang pugita," pilyong rason ni Mang Sebio. Napailing na lamang ng ulo ang binata. Matanda na ngang maituturing ang dalawa pero parang mga aso't pusa kung magturingan. Diretso niyang tinungo ang pinto papasok ng bahay nang marinig niya ang mahinang halakhak ng ina. Napakunot-noo siya sa mga sumunod na sinabi ng kanyang ina. "Matagal ko na talaga pinapakiusap sa'yo ito. Buti naman at wakas, ikaw na mismo ang pumunta rito para sa bagay na iyan," nagpapasalamat na sabi ng ina. "Ano kaya ang sinasabi ni Mama? Anong matagal na niyang pakiusap kay Tita Luchie?" tanong niya sa kanyang sarili habang hindi pa rin natitinag sa pagkakatayo sa labas ng pinto. "Ano ka ba naman, aayawan pa ba kita? Sinigurado ko lang na hindi ako mapapahiya sa'yo sa oras na ipagkatiwala ko na sa'yo ang pamangkin ko," sabi ni Luchie. "Ano ba ang ginagawa nila? Ano 'to barter?" Hindi muna siya pumasok. Gusto niya pang marinig ang usapan nila. Sigurado siya na may kinalaman iyon sa kanilang dalawa ni Cyndie. "Luchie, unang kita ko pa lang sa batang iyon ay agad kong natiyak na siya ang gusto kong mapangasawa ng anak ko. Tama at maayos ang pagpapalaki mo sa kanya," puri ng ginang. "Pero baka ayaw ng mga bata. Malalaki na sila at alam na nila ang mga kanya-kanyang gusto. Tama pa ba na pinag-uusapan natin ang bagay na ito ng ganito kaaga?" nag-aalinlangang tanong ng ama ni Victor. "Ano ka ba Lucio? Anong hindi nila magugustuhan ang isa't isa? Pareho silang may pinag-aralan at maayos ang pagpapalaki natin sa kanila. At kitang-kita ko rin kung ano ang pagtrato ng anak natin kay Cyndie. Natitiyak kong gusto niya si Cyndie. Kaya tigilan mo na ang pagiging negatibo mo sa usaping ito," naiinis na paliwanag ng kanyang ina. "Siyanga pala, tutal nandito na rin lang naman tayo. Ba't hindi na lang natin pag-usapan ang lupa sa Batangas?" sabi ni Luchie habang nakangiti. "Lupa sa Batangas? Don't tell me na..." "Oo nga pala. Lucio, naipangako ko kasi kay Luchie na ibibigay ko sa kanya ang lupa natin sa Batangas kapalit ng pagpayag niya na ibigay sa atin si Cyndie bilang mapapangasawa ni Victor," ani nito sa asawa. "So, ito pala ang rason kung bakit may ganitong usapan na nagaganap ngayon," Ito ang nabuong hinuha ni Victor. Ang lupa kasi nila sa Batangas ay may sukat na halos limang ektarya. Balak sana nilang tayuan ito ng Town House at gawing isang orchard farm. Pero hindi niya sukat akalain na ganito katindi ang pagnanais ng ina na kaya nitong ipagpalit ang lupa para lang makuha ang gusto nito. "This is insane. Ano ba ang tingin nila sa amin?" paghihimutok ng isip niya. He can't stand any longer. His hand reached the door knob and opened the door. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang tatlo sa pagpasok ni Victor. "Victor, I thought magkasama kayo ni Cyndie. Ang aga mo naman yatang bumalik," bungad na tanong ng ina nung bigla itong napatayo ng makita ang anak. "Nanggaling na ako doon, Ma. I just went back to get some stuff before going to my shop. You didn't tell me na bibisita pala dito si Tita Luchie," sagot naman ng binata saka binaling ang tingin kay Luchie. Ayaw niyang ipahalata na may mga narinig siya. Not now that Cyndie's aunt is here. Masyadong magaling manghikayat ang tiyahin ng dalaga. So he was pretty sure na wala siyang laban sa tatlo. "Dumaan lang ako dito para pag-usapan 'yung tungkol sa magsu-supply ng bigas sa bago niyong branch sa kabilang bayan," pagpapalusot na sabi ni Luchie. He faked a smile. "Well, I have to go. Marami pa kaming gagawin sa shop," sabi niya saka tuluyang umalis at umakyat sa kwarto niya. *** Hindi mapigilan ni Victor na mapaisip sa mga narinig. "Arranged marriage? What the heck!" bulalas niya habang nagda-drive ng sasakyan. He admit it. Cyndie is special for him. Though malaki ang naging kasalanan niya noon sa dalaga. Alam niyang may gusto noon sa kanya si Cyndie at wala naman siyang dahilan not to like her back. But when he met Clarisa na galing Maynila, things have changed. "Victor may ipinadala si Tita sa'yo----" Naputol ang sasabihin ni Cyndie nang madatnan niyang naghahalikan sina Clarisa at Victor sa loob ng shop nito. Napatigil ang dalawa sa kanilang ginagawa nang biglang sumulpot si Cyndie. "Ano ka ba? Hindi ka ba marunong kumatok? Basic etiquette 'yan girl, hindi mo alam?" mataray na singhal ng babae sa kanya. Gulat ang naging reaksyon ni Victor. Hindi niya inaasahan ang pagdating ni Cyndie at mas lalong hindi niya ine-expect na sa ganitong sitwasyon siya madadatnan ng dalaga. "Hindi ko naman alam na may kasama pala si Victor dito sa office niya kaya hindi na ako kumatok," pagpapaliwanag ni Cyndie pero halata pa rin sa mukha ang pagkagulat at tila panlulumo. Tumayo si Clarisa mula sa pagkakaupo sa kandungan ni Victor at padabog na lumapit kay Cyndie. Inagaw nito sa kamay niya ang paper bag na hawak at diretsong tinapon sa trash can. "I don't care. Ang gusto ko umalis ka na kasi nakaka-istorbo ka. Alam mo ba 'yon?" pasupladang utos niya kay Cyndie. Tumingin muna si Cyndie sa kinaroroonan ni Victor. Naghihintay siya sa isasagot ng binata. Umaasa siya na ipagtatanggol siya nito. Pero wala siyang nakuhang sagot mula rito kundi umiwas lamang ito ng tingin sa kanya. "Bingi ka ba?" Ibinaling ni Cyndie ang kanyang tingin sa babae. "Hindi. Huwag kang atat. Babatiin ko pa sana si Victor. Pero mukhang nalunod na siya sa kamandag mo,"pilosopong tugon niya sa babae sabay talikod at tinungo ang pinto. "Sana pareho kayong malason sa kamandag mo," pahabol pa niyang sabi bago tuluyang lumabas ng office. Mukhang nahimasmasan si Victor sa sinabi ni Cyndie kaya naman tumayo siya at balak sana niyang sundan ang dalaga. "Saan ka pupunta, Victor? Don't tell me susundan mo ang probinsyanang iyon?" naiiritang tanong ni Clarisa. Pero hindi sumagot si Victor. Akmang dadamputin na niya ang door knob nang magsalita ulit ang babae. "Sige. Subukan mong lumabas sa pintong iyan at tinitiyak ko sa'yo na wala ka ng babalikan pa,"pagbabanta sa kanya nito. Napahinto si Victor at napalingon. Napangiti na lamang si Clarisa papalapit sa kanya at sinimulan siyang halikan ulit. Pero sabi nga nila," enjoy now, iyak later" dahil makalipas lang ang ilang linggo ay napag-alaman ni Victor na babalik na ng Maynila si Clarisa. Nakipaghiwalay sa kanya ang babae at inamin na mayroon itong nobyo sa Maynila na kailangan niyang balikan. Nagmistula lamang siyang tanga at sunud-sunuran sa babaeng iyon, pero sa huli ay niloko lamang siya. After that incident, he tried everything to gain Cyndie's trust again. Alam niyang hindi agad magbubukas ang puso ng dalaga sa kanya. So he decided to went back to basic, ika nga back to zero talaga siya. And now this, he need to protect Cyndie at all cost. One thing he didn't have the courage to do before but he'll definitely do it now. Mag-iisip siya ng paraan para mapigilan ang paparating na bagyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD